<o1> The First Encounter

319 7 0
                                    


AUTHOR'S POV

------------

Auriah's PART

Ika-siyam na generasyon ng pamilyang HEMERTON si Auriah A. Hemerton. Isa sa Royal Seven ang pamilya ng mga Hemerton sila ay isa sa pitong royal families na namumuno sa 7 continent ng mundo at ang Hemerton ang namumuno sa Asia. Kahit na merong ibat ibang presidente ang bansa ang Royal Seven naman ang nagpapanatili ng kapayapaan ng mundo.

Si Haring Baldassare Hemerton ang ika-walong henerasyon ng mga Hemerton Family na nakapag-asawa ng isang Pilipina na si Alisha Alovar. Masaya at payapa ang pamumuno nina Haring baldassare at Reyna Alisha at nagkaroon sila ng panganay na anak na si Princess Auriah A. Hemerton. Ngunit yun lang ang akala ng lahat dahil ng sumapit ang 10 kaarawan ni Auriah namatay ang Hari at Reyna sa isang plane crash. Alam ng lahat na hindi ito aksidente lang kaya para sa proteksyon ng nag-iisang tagapagmana ng Hemerton dinala sya sa Pilipinas at tinago .Babalik sya sa Russia ang pinakamalaking bansa ng Asia kung saan nandoon ang kanyang palasyo pag handa na syang Panghawakan ang responsibilidad na nakalaan sa kanya. Sa ngayon ay nasa pilipinas sya kasama ng nag - iisang pinagkakatiwalaan ng Hemerton Family na si Harold at ang personal na yaya nya na si Lalita.

"Your majesty" malambing na tawag ni Lalita sa tapat ng pintuan ng prinsesa.

Ng walang sumagot ay tumawag ulit ito ngunit masmalakas na.

"mahal na prinsesa!" kasabay din nun ay ang pagkatok nya ng tatlong beses..

"Princess!!" malakas na tawag ni Lalita ng mapagtantong hindi sya naririnig ng prinsesa.

"hahaha..." malambing na tawa ng prinsesa...napailing na lang si Lalita dahil alam nya na niloloko nanaman sya ng prinsesa

"maaari ka ng pumasok Lalita" pahintulot ng prinsesa

Pumasok naman din agad si lalita kasama ng dalawa pang tagapagsilbi ng prinsesa

.Pag kapasok ni lalita ay nakita nya ang prinsesa na nakaupo sa higaan nito at nakangiti.Halata rin ditong kakagising lang nito.

"Princess ..kanina pa po nag-aantay ang profesor nyo ng filipino sa library " magalang na sabi ni lalita

Kumunot ang noo ng prinsesa at nang unti-unti syang naliwanagan na may lecture sila ngayung umaga ay bigla syang nanlaki ang mata at napabangon agad.

"anong oras na?" mabilis na tanong ng prinsesa

"mag ni-nine na po ng umaga ,prinsesa" magalang na sabi ng isa sa tagapagbantay ng prisesa

"huh?! isang oras na akong late kay prof. Lubay" nagmamadaling tumakbo ang prinsesa palabas ng silid nya papunta sa library ng mansion.

"princess!!" habol nina Lalita at ng ibang gwardya sa prinsesa..pero hindi sila nito pinansin

Habang mabilis na tumatakbo ang prinsesa.. Ay bigla syang nadapa..

"aray!!" daing ng prinsesa pero agad itong tumayo at nagpagpag..

"sorry..p--" hindi paman natatapos sa pagsasalita ang nakabunggo sa kanya ay pinutol nya na ito

"okay lang ..sige una na ako" sabi ng prinsesa ng hindi man lang tinitingnan ang nakabunguan nya..at tumakbo nanaman uli papuntang library..walang ibang iniisip ang prinsesa kundi ang professor nyang nagaantay sa kanya ng isang oras..

Habang ang nakabungo nya naman ay napailing nalang at lumiko na ibang direksyon

Leon's PART

Habang papalayo ang binata sa pinagbunguan nila ng prinsesa ay maririnig parin nya ang sigaw ng gwardya at tagapagalaga sa prinsesa na nagsusumamo ang sigaw

"prinsesa...princess...pakiusap kamahalan huwag kayong tumakbo.....!!"

Nilingon nya ang likod nya at saka sinabi sa sarili ang

"so..totoo nga ang balita tungkol sa prinsesa" nakahalf smile na sabi ni Leon ngunit ito ay nirinig ni Harold ang personal na tagabantay ng prinsesa

"at ano ang totoong balita tungkol sa prinsesa??" tanong nito sa pamangkin nyang si Leon na sa ngayon ay nakangiti ng nakatingin sa kanya...

"Harold" masayang bati ni Leon kay Harold yumakap si Leon kay Harold.

Wala ng mga magulang si Leon kaya si Harold na ang kanyang naging gardian simula pag kabata...

"masyado mo ata akong namiss??" pabirong tanong ni Harold sa pamangkin

Bumitaw na si Leon sa pagkakayakap at kumamot ng batok.

"hehehe!.kalahating taon ka na kasing hindi nagpapakita sa akin eh. namiss tuloy kita Uncle." dahilan ni Leon

"totoo ba yang mga lumalubas na salita sa bibig mo Leon?" tanong ni Harold

Ngumiti lang ng pilyong ngiti si Leon ..

"anong sadya mo?" tanong ni Harold

"may nagpadala ng form ng isang mission  sa bahay t--"

Pinutol na ni harold ang pagsasalita ni Leon

"go." nakangiting sabi ni Harold

Inaasahan na ni Leon na papayagan siya ni Harold na gawin yung misyon kaso hindi ganon ka bilis dati kasi pag nagpapaalam sya ay dapat tingnan muna ni Harold ang background information nun at iba pa.

Pero ngayon ay bigla na lang syang umoo.

Kumunot ang noo ni Leon at parang hindi naniniwala.

Kaya tumawa si Harold at ginulo ang buhok ni Leon

"mukha ba akong nagpapatawa matanda ka na alam kong kaya mo na ang sarili mo" nakangiting sabi ni Harold

Biglang napangiti si Leon

"thank you Uncle"

Leon Dwein Pettifier kilala ang pamilya nila bilang isang malaking grupo ng assasin sa Asia. Maagang naulila sa magulang si Leon dahil sa trabaho narin ng kanyang mga magulang at yun ay ayaw nya ng pag usapan lumaki sya sa pag aalaga ni Harold na kapatid ng kanyang ama. Ngayon sya ang pinakabata na assasin ng pamilya ng Pettifier. Pero kahit na sya ang pinakabata hindi mapagkakaila na sya ay nakakasabay sa mas matanda sa kanya.

-----------------------

Ito na po talaga wala ng magbabago pa.

The Princess ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon