Chapter 38-Nothing's over(part 2)

58 1 0
                                    

Light's POV

pagkatawag ni Storm nagmadali na akong magbihis at lumabas ng bahay namin.. para pumara sana ng taxi kaso nasa subdivision pala ako..

“Kuya Deeh! pahiram ng motor!"-paalam ko sa kanya

“o susi"

sabi nya sabay hagis nang susi buti nalang magaling akong sumalo haha.. oops! wala na palang panahon para mag-enjoy baka kung ano ng nangyari na kay Thunder kahit papano naman eh nag-aalala ako sa kanya

ipinasak ko na ang susi ng motor at...

*face palm* di pala ako marunong mag motor?! engot ko naman o?

*sigh* iniwan ko ang motor ni Kuya at tumakbo palabas ng subdivision bahala na kung anong mangyayari?

******

“manong guard palabasin nyo na ako? emergency lang please? yung ano kasi eh... ah yung kaibigan ko naaksidente"-ako

“Ma'am di talaga pwede"-sabi nung guard na kausap ko.

“manong naman eh?! kung ikaw?! maaksidente ang mahal mo sa buhay anong gagawin mo?!"-ako

“ma'am may sinusunod po kasi kaming curfew hour"-sya

nagsimula ng umakyat ang dugo sa ulo ko.. bahala na

“bilisan mo sumakay ka na dito"-sabi ni Euchi

aaminin ko nagtataka ako kasi sabi ni Storm si Euchi ang gumagamot kay Thunder eh bakit sya nandito?

“teka bakit ka nandito?!"-ako

“gusto mo bang makita si Thunder o hindi?!"-Euchi

“gusto"-ako

“umangkas ka na kasi"-iritado nyang sabi sa ken.

umangkas ako sa motor nya pero syempre humarang ang guard at sinabing: ”sir sumusunod lang po kami sa curfew hour"

narinig ko ang pagbitaw ng malalim na paghinga ni Euchi

“mamatay na ang kaibigan ko.. samantalang ngayon puro CURFEW HOURS! get out of my way *sigh* I SAID GET LOST!"

sa palagay ko natakot ang guard sa kanya dahil tumabi iyon at pinagbuksan kami ng gate at si Euchi inarangkada ang motor nya palabas ng subdivision

*****

Euchi's POV

“mamatay na ang kaibigan ko.. samantalang ngayon puro CURFEW HOURS! get out of my way *sigh* I SAID GET LOST!"

sabi ko sa guard na madali naman akong pinagbuksan ng gate.

mabilis kong pinaandar ang motor mas mabilis pa sa dati.. gaya ng bilis ng tibok ko nung sandaling umiyak sya sa balikat ko.. nung araw na naramdaman kong yakap nya ako sa pinakaunang pagkakataon... noong araw na pinasan ko sya sa likod ko at nung  araw na malaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Lightning Embrace Garcia ..

“EUCHI BUBUNGGO TAYO!"

mabilis kong inover take ang motor nakita ko kasing truck ng gasolina ang mabubunggo namin kung sakali ..

di pala dapat ako nawawala sa konsentrasyon ko sa pagmamaniubra nitong motor ko. kailangan kong irelax ang sarili ko at isantabi ang personal na nararamdaman ko

>>>>Fast Forward

(DCU)

tatakbo sana sya papuntang clinic pero pinihit ko sya paharap at sinuotan ng blindfold

MY PERFECT man?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon