Chapter 40-I'm not sorry

68 1 0
                                    

Thunder's POV

matagal kaming nakatayo sa gitna ng playground “magsorry ka sa kanya" sabi ni Light saken habang pinagsasalitan kami ng matalim na tingin

wala na akong magagawa pag sya na  ang nagsalita

“I'm sorry"-sabi ko

nagtaas ng kilay si Euchi at nagbigay ng mapang-insultong ngiti sa ken

“sorry" panimula ni Euchi at napangiti si Light “but I'm not sorry"

tuluyan na syang tumalikod at umalis

ngayon kami na lang ni Light ang

tumikhim si Light at tiningnan ako ng masama “ano bang kasalanan ni Euchi sa yo?"

“Light.."-ako

“speak!"-sya

“okay nabigla ako ng aminin nyang mahal ka nya.. natatakot akong mawala ka sa akin" pagkasabi ko nun tuluyan na akong umiyak

“Thunder di yon dahilan para saktan mo ang kaibigan mo"-sya

“di ba pwedeng maging makasarili ako pag ikaw na ang pinag-uusapan? di pa pwedeng kahit minsan lang naman isipin ko yung tayo Light.. kahit ngayon lang samahan kita sa paghihirap mo."

huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita “Light alam ko na kung  bakit ka pupunta sa Canada dun ka maghahanap ng luna

s sa sakit mo?"

nanlaki ang mata nya na para bang gulat na gulat sya “sinabi ni Euchi sa ken yung sakit mo ‘Wilson's disease‘ bakit di mo sinabi?"

“kapag sinabi ko ba may magagawa ka? magagamot mo ba ako?"-sya

“I cannot cure you from that goddamn disease pero kaya kitang samahan hanggang sa huli kaya kong naintindihan lahat kung sinabi mo sa akin ang sitwasyon. pero hindi eh. si Euchi pa ang unang nakaalam? ano mo ba ako? sino ba ako sa buhay mo? may lugar pa ba ako sa puso mo?" sabi ko habang pinupunto ang puso ko “nagmukha akong walang pakinabang sa mata ng babaeng mahal ko? ano bang ginawa ko para mawala ang tiwala mo sa ken? kulang pa ba ang buhay ko? di pa ba ako sapat?! Light handa naman akong magbago eh. pero bakit ganTo? ano pa bang kulang? Sabihin mo nga!"

di ko alam kong anong gagawin ko ngayon ang gulo na e.? di ko na alam ang dapat na gawin ko. mababaliw na yata ako “Light ano ba?"

“gusto mong malaman kung kelan nagsimula ang sakit ko? naalala mo nung nahuli kitang hinalikan si Tiffa? after that night nawala ang panlasa ko. akala ko wala lang yon. tapos nung hinimatay ako, kala ko dala ng stress o depression lang pero yung sinasabi mo na sinabi ko kay Euchi? nalaman nya yon ng kusa"

huminga sya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita “nakita nya yung lab result na nakatago sa bag ko. ngayon sasabihing sa kanya ko.sinabi? kung tutuusin nga sya lang ang nag-aalala sa ken eh! Thunder kahit minsan ba minahal mo ako?"

napaangat ako ng tingin sa kanya ano bang klaseng tanong yon?

“Mahal na mahal kita Light sobra at higit sa buhay ko. binago mo ako Light binalik mo sa ken si Sophie.. oo inaamin ko marami akong naging pagkukulang sayo pero bakit ka naglihim sa ken?"-ako

“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako nagtago o naglihim sayo! Ayoko ko lang mag-alala ka sa ken! mali ba yon?!"-her

“maling mali! ang dami kong inisip kung bakit ka pupunta sa Canada? bukod sa pag-aaral ano pa bang gagawin mo dun? nagsawa ka na ba sa ugali ko kaya magpapafile ka ng divorce? Light nababaliw na ako sa kakaisip e." hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko “pero sinaktan mo ako dito" pinunto ko ang dibdib ko “sobrang sakit Light! sobrang sakit dito!"

MY PERFECT man?????Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon