“I love you.”
Tumingala lang si Kim kay Josh na abala sa pagtitirintas ng buhok nya. She smiled and continued her drawing.
Natapos si Josh sa pagtitirintas at tumabi kay Kim. He held her hands. “Seriously, I love you.”
Tumingin lang si Kim at nginitian sya. Binawi ang kamay at tinuloy ang pagguhit.
“Kim-“ Naputol ang pagsasalita when she put her lips on his. The kiss lasted for at least 10 seconds. Hinawakan ni Josh ang mukha ni Kim and looked at her in the eyes. “I want you to be mine.”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Kim at tumingin sa malayo. “Balik na tayo,” aya nya kay Josh. Tumayo sya at sinundan naman sya ni Josh. Hinawakan ni Josh ang kamay nya. She pressed his hands and looked at him with a sweet smile.
Josh closed his eyes when that memory crossed his mind. They used to be that happy. Yung halik, hawak at ngiti ni Kim. Lahat yun ay sariwa pa sa alaala nya. Suddenly, the door slammed.
“Anong eksena yun, Josh?”
Nagulat pero biglang nangiti na nang-aasar. “What are you doing here?”
“Tama ba yung ginawa mo? Kay H? Sa harap nung bisita? You’re so childish!”
Ngumiti lang at tumalikod. Umupo sa study table at nagbukas ng notebook.
Hindi lumalapit si Kim. Her face turning red. “Please. Sana di na maulit yung nangyari kanina. Kirby (Alcala) will kill us all kapag di na bumalik yung teacher dito.”
Hindi lumingon o sumagot si Josh.
“Gori,” napaangat ng ulo si Josh ng marinig yun kay Kim, “please lang. Magpakabait ka.. kahit sa harap lang nung bisita.”
Lalabas na si Kim ng pintuan nang biglang lumutang ang isang unan na tumulak sa kanya palapit kay Josh. Josh then was facing towards Kim’s direction waiting for her arrival. Niyakap nya ang baywang ni Kim at ikinalong ito sa kanya. “Gori..” inilapag ang ulo sa balikat ni Kim, “I miss you.”
Parang may kumurot sa dibdib ni Kim. Gusto nyang manatili dun, on his lap – her favorite place on Earth. Pero pinigilan nya ang feelings nya. Tumayo sya, “Nakikiusap ako. No more scandals until we finish our mission.” Lumabas si Kim sa kwarto at naiwan si Josh na puno ng kalungkutan.
------------------
“Good morning, class!” Masigla akong humarap sa klase. It was hard for me, but I thought that paying 100k was much harder. “Today we’re going to have an activity.”
Nilabas ko ang isang painted fish bowl.
“Alright. As our first activity, we’re gonna have an ice breaker. For you to be able to practice speaking in English, you’re going to pick a question here and answer the question in English. Okay?”
Makikita ang excitement sa iba. Some looked uneasy. Josh, Merilyn and Angie looked bored.
“Okay, Henry. Let’s start with you.”
“Ako kaagad?” Pumunta sa harap at bumunot ng tanong.
“Do you prefer sweet lies or bitter truth?”
“I think..” Parang natatawa sa sarili. Napakamot ng ulo. “I think sweet lies. Because I like chocolates. That’s all. Thank you.”
Pasimpleng natawa ang ilan. Some looked serious.
“Call the next one, Henry.”
Humawak sa baba at nang-aasar na tumingin sa mga kaklase. Napako ang tingin nya kay Josh. “Joshie!”
Everyone, including me, looked awkwardly at him. Hindi ko na inaasahang tatayo sya. “Okay, so let’s call another one.”
Nagulat kaming lahat ng tumayo sya sa harap. Bumunot sya ng tanong at sya na rin ang nagbasa. “When is love worth fighting for?” Lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. “Love is worth fighting for when it is real. Sometimes, love doesn’t need to be right nor wrong. It just has to be true.”
Napansin kong nakapako ang tingin ni Josh kay Kim. I looked at Kim. She was staring at Josh with love and sorrow. Parang naluluha ang mata nya.
“When you find such love, you’ll just have to fight for it no matter what. Even when all the world disagrees. Because when you’re in love, it is just you and that person that matter.” Nilipat ang tingin kay H. “Everything’s fair in love and war.”
Ngumiti lang si H. Kalmado sya ngayon. Tinignan ni H si Kim at napansin nito ang pagtitig nya kay Josh. Nangiti lang sya sa sarili.
“What a good answer.” PInanuod si Josh na umupo. “Okay, next.”
“Ma’am!” Nagtaas ng kamay si Dominic. Pinatayo ko sya at bumunot sya ng tanong. Nginitian nya ko at binasa ang tanong. “What do you consider as the best moment of your life?” Tumingin sya saken pagkatapos ay humarap sa klase. “The best moment of my life is the moment I met you..” Tumingin saken, “..Ma’am.” Nagkatitigan kami. Yung mukha nya, parang sincere. Bigla syang ngumiti, “Uyy, kinilig si Ma’am.”
Kumunot ang noo ko, “Funny. Go back to your seat.” Humarap ako sa board para umpisahan ang lesson. Nangiti ako habang nakatalikod sa klase.
------------------
Pauwi na ko nung makita si Josh na mag-isang nakaupo sa hagdan. Ayoko syang lapitan. Pero I felt like I needed to. Umupo ako sa tabi nya. At inabot ang papel na nabunot nya kanina.
IF YOU’RE GOING TO BE WEATHER, WHAT WILL BE OUR WEATHER FORECAST WITH YOU AROUND?
“That was your question earlier.” Seryoso lang ang mukha nya. Tumingin ako direksyon kung saan sya nakatingin. “Love is really about you and the person you love.”
Tumingin sya saken. Parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
“Yes, just the two of you. Kaya dapat pareho nyong pinipili ang isa’t isa, ang kayo. Hindi pwedeng isa lang ang lumalaban, o isa lang ang gumugusto.” Nginitian ko sya. Tumingin lang sya sakin tapos ay tumingin sa malayo. “Loving the person despite having one-sided love is okay, it is your choice. Pero people choose to love because they choose to be happy. Masaya ka ba?” Tumingin sya sakin. I tried to look dramatically serious. “Ano ba ang mahalaga? Yung masaya ka o yung masaya sya?”
Nakita ko ang paggalaw ng bibig na parang gustong magsalita. I waited. “I- I need to go to my room now.”
“Oh. Okay.” Ngumiti lang ako at pinanuod syang tumayo.
Bumaba sya ng hagdan pero nakakatatlong hakbang pa lamang sya ay lumingon sya sakin, “Sorry about yesterday.” Tumalikod ulit at bigla nalang naglaho.
Hindi pa nakakalayo si Josh ay dumaan naman sa harap ko si Kim. Tumingin lang sya sakin at yumuko saka naglakad sa direksyon kung saan papunta si Josh.
“Pag-ibig nga naman.”
------------------
Sinundan ni Kim si Josh sa paglalakad. Sinabayan ang bawat paghakbang nito. Ramdam yun ni Josh. Pero ayaw nyang lumingon.
“Gori.”
Huminto si Josh. Hindi pa rin lumilingon.
Lumapit si Kim at niyakap si Josh mula sa likod. “Mahal kita.” Ngumiti lang si Josh. Ilang taon nyang hinintay na marinig yun. Inikot sya ni Kim para magkaharap sila. “But I can’t be anyone’s possession.”
“We can do something. I just need you to fight with me.”
“You don’t understand. This is me, Gori. This is the life that I choose. Wag mo nang saktan ang sarili mo.”
“But it hurts.”
“Kasi ayaw mong tanggapin,” hinawakan ang mukha ni Josh. “Hindi kayang baguhin ng pagmamahal kung ano ako, kung ano tayo.”
Hinawakan ni Josh ang kamay ni Kim. “Why can’t you choose me?”
“Because I don’t want you to choose me. I can never be good enough for you.” Hinawakan ang isa pang kamay ni Josh, and put both hands down. “Hindi kasalanan ng kahit sino to. It is not about you or us either. Ako kasi to, Gori.”
Niyakap ni Josh si Kim. “I can make you happy.”
“I can’t make you happy. I am to make everyone happy, but not you.” Kumalas sa pagkakayakap. “Gusto kitang maging masaya. Sometimes, we become happy when we learn to let go of things that make us sad. Sinisira at sisirain lang kita. Palayain mo na ko, at ang sarili mo.”
“I get it.” Nakangiti pero bakas sa mukha ang kalungkutan. “See you in class tomorrow.” Naglakad palayo kay Kim.
She’s hurt, too. But she knew she did the right thing.
------------------
Nakatanaw lang ako sa malayo habang pinapanuod ang dalawa. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan nila. Nang nakaalis na din si Kim, nag-umpisa na kong lumakad palabas ng building. Bago pa ko makalabas ng pinto, napansin kong may biglang tumabi sakin at sumabay sa paglalakad. Huminto ako.
“Dominic?”
“Uwi na, Maám?”
“Ah, yeah. Magsasara na yung gate.” Naalala ko yung insidente kahapon. “I forgot to thank you for saving my life.”
“Wala yun,” at ngumiti sya saken.
Ngumiti ako. Normal naman sa edad nila ang maging pilyo kaya patatawarin ko na sya sa mga pang-aasar nya sakin. Bigla kong napansin ang kanang braso nya. Nagtaka ako. “Nasan na yung sugat mo?” Wala nang sugat. Walang bahid, walang peklat. Parang walang nangyari.
Tinakpan nya ang braso nya at parang nataranta.
“Nakita kong dumugo yan kahapon.” Nagtatakang tumitig ako sa mukha nya. “Paanong gumaling nang ganyan kabilis yan?”
Lumunok si Dominic at tumingin saken.
BINABASA MO ANG
The Willsborough Scandal
Mystery / ThrillerThis is not a typical teacher-student affair. Sandra enters the exclusive village, the Willsborough, to fulfill her dreams of becoming a classroom teacher. She doesn't know she is going to have an unusual love affair and uncover dark secrets.