Episode 10: "Revelation"

26 2 0
                                    

“Sandra.”
“Papaaaa!” Halos mapatayo ako nang magising mula sa pagkakatulog. Narinig ko na naman ang boses ng papa ko.
“Anak, okay ka lang?” Napahawak si Uncle Orly sa kamay ko. “Jeselle, tawagin mo ang nurse.” Agad namang tumakbo ang pinsan ko.
Nilibot ko ang paningin ko. Nasa ospital ako. “Sino nagdala sakin dito, Angkol?”
“Mga kapitbahay. May kumatok daw sa kanila at nakiusap na dalhin ka sa ospital dahil wala kang malay. Napano ka ba, anak? Sinong gumawa niyan sayo?” Nangingilid ang luha ng tiyuhin ko.
I pressed his hands. “Angkol, okay na po ako. Di ko maalala kung anong nangyari pero okay na po ako ngayon.”
“Hindi pwedeng hindi natin malaman kung sino ang gumawa niyan sayo. Papa-imbestigahan natin to, anak. Aalamin natin kung sinong walang hiya ang gumawa nyan sayo.”
Ngumiti lang ako. “Sige, Angkol.” Bigla akong may naalala at napahawak ako sa leeg ko. Walang sugat. Hindi niya ako nakagat.
“Sino pala si Kirby, anak?”
Bumilis ang tibok ng puso ko. “H-ha? Paano mo siya nakilala, Angkol? Kasama ba siya sa mga nagdala sakin dito?”
“Hindi. Binabanggit mo yung pangalan niya nung tulog ka kanina.”
“Kirby? Si Dr. Alcala ba yun?” Pagsingit ng pinsan kong kararating lang kasama ng nurse. “OMG! Couz, may something na sa inyo?”
“Wala.” Nangiti lang ako. Nag-vibrate ang cellphone kong nakapatong sa mesa sa tabi ko.
I HOPE YOU FEEL BETTER NOW. SEE YOU SOON.
Natuwa ako nang mabasa ang text ni Kirby. Pero desidido na akong  i-confront siya tungkol sa mga nalalaman ko.
------------------
“Ano to?” Natatawa kong sabi. Inalalayan ako ni Jeselle hanggang makaupo ako sa kama ko. I insisted na umuwi na agad at sa bahay nalang magpahinga.
“Haha. Bell, couz. Bilin ni Daddy, maglagay daw ako ng ganyan para pag may kailangan ka, patutunugin mo nalang.”
“Kayo talaga. Okay na ako. Wag na kayo masyado mag-worry.”
“Kahit na. Basta i-alarm mo lang kami lagi pag may problema ha?”
“Opo,” at niyakap ko siya. “Thanks, Couz.”
“Anytime.” Nakangiti niyang sabi. “Pero maiba ako. Nagkakamabutihan na ba talaga kayo ni Dr. Alcala?”
“Huy, baka marinig ka ni Angkol,” hinila ko siya sa tabi ko. “Well, hinatid niya ako sa gate kahapon, sinabi niyang tawagin ko siya sa first name tsaka..”
“Tsaka?”
Ngumiti akong kinikilig, “Ang ganda raw ng mata ko.”
Napatili si Jeselle sa kilig. “Bruha ka! Di ka man lang nagki-kwento!”
I felt guilty. “Sorry, couz. Occupied lang ng different thoughts. Tsaka hanggang dun lang naman yun. Di naman pwedeng maging kami.”
“Bakit naman hindi?”
Tumingin ako sa kaniya na seryoso ang mukha.

------------------
Tumingin ako sa kaniya na seryoso ang mukha.
“Uy,” pangungulit niya.
“Kasi.. basta. Alam kong hindi pwede.”
“Hala. Bading?”
“Haha. Hindi. Basta. Kwento ko nalang sayo next time.”
“Nako. Promise yan ha. O sya, tulog na tayo. Maaga pa kami bukas ni Daddy.”
Nagtaka ako. “Saan kayo pupunta?”
“Sa barangay. Ichi-check naming yung CCTV footage nung gabing nabugbog ka.”
“CCTV?” Kinabahan ako. What if they find out about these people that I deal with?
“Yes. Goodnight na, couz.” Tumayo siya at huminto sa pintuan para ituro ang bell. “Alam mo na.” Saka isinara ang pinto.
Pinilit kong tumayo at maglakad papunta sa bintana to inspect the place. May malapit ngang CCTV. “Makikita kaya nila yun?”
Napalingon ako sa poste sa gawing kaliwa nang mapansin kong parang may tao. Inilapit ko ang ulo ko para silipin pero wala naman akong nakita. Baka guni guni lang. Napaitngin ako sa bilog na buwan at napatitig ako sa ganda nito. I smiled with the thought of seeing Kirby again soon, then I closed the window.
------------------
Sumilip pa ulit si Dominic sa sarado ko nang bintana bago magdesisyong umalis. Pagkatalikod ay naroon na si Rosalyn na nag-aabang lang na mapansin niya.
“Lumabas ka na naman.”
“Gusto ko lang malaman kung okay na siya.” At nagpatuloy sa paglalakad.
“Bakit mo ba pinapahamak yung sarili mo dahil sa kaniya? Inaalagaan siya ni Kirby.”
“Alam ko. Gusto ko lang talagang ma-check kung anong kalagayan niya.”
“Bakit pa?”
Hindi lumingon si Dominic at nagpatuloy sa paglalakad.
“Gusto mo ba siya?”
Napahinto sa paglalakad si Dominic. Nilingon si Rosalyn. “Teacher natin siya. Hindi ba pwedeng mag-alala ako sa kaniya?”
“Yun lang-“
Bago pa matuloy ni Rosalyn ang sasabihin, nasa harap na niya si Dominic. Their faces so close to each other. “Tara na. Hinihintay na tayo ni Kirby.”
Namula si Rosalyn. At sinundan ang binata.
------------------
“Kirby, salamat sa pagliligtas sakin. Hindi, mali. Uhm, Kirby? Nag-bake ako ng cake. Pa-thank you ko sa pagliligtas mo sakin. Ugh. Mali.” Nag-aaral ako ng sasabihin habang naglalakad papunta sa office ni Kirby. “I thought it was the end of my life, but you saved me. Thank you.”
“Ma’am?”
Isang maliit na boses ang tumapos sa pagpa-practice ko. Si Arlene, ang pinakabata kong estudyante.
“Yes, dear?” Sagot ko na may pagtataka.
Napaupo kami sa isa sa mga bench sa covered court. May 20 minutes pa naman ako bago mag-umpisa ang klase kaya pinagbigyan ko siya sa oras na hinihingi niya.
“What is it, Arlene?”
Ngumiti siya. “Bakit bumabalik ka pa dito?”
“Huh? What do you mean?”
“Silver stuffs, garlic and holy water. Alam ko na yung mga laman ng bag mo. Alam kong alam mo na kung ano kami. Bakit bumabalik ka pa?”
Napalunok ako. “Ikaw din ba?” Napaurong ako ng upo palayo sa kaniya. “Katulad ka rin ba nila?”
“Lahat kami dito. Lahat kami..” nakangiti niyang sabi.
Para akong napako sa kinauupuan ko. Akala ko ilan lang silang ganun. Pero lahat sila? Napapalibutan ako ng mga..
  “Bampira.” Inilabas ni Arlene ang mga pangil niya.

The Willsborough ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon