Episode 11: "Broken Pieces"

21 2 0
                                    

“Training ground?”
“Oo. Ang Willsborough ay training ground para sa mga turned.”
“Lahat ng kinagat ng bampira na naging bampira rin, turned?”
“Hindi. May limang antas kasi ang pagiging bampira. Una, ang pillars. Mayroong limang pillars sa buong mundo na itinalaga ni Dracula para mamuno sa aming lahat. Sunod, ang mga royal. Sila yung mga purong bampira na parehong mga bampira ang mga magulang. Pangatlo ang mga clanned. Sila yung may nanay o tatay na bampira na nakapag-asawa ng mortal, o maaaring kinagat ng isang royal, kaya mayroon silang malaking proteksyon mula sa mga royal. Pang-apat, ang mga turned.”
“Kayo yun.”
“Oo. Kami yung mga kinagat ng mga clanned. Hindi talaga gusto ng mga pillars na mahaluan sila ng hindi puro. Lalo pa’t clanned lang ang kumagat sa amin. Kaya wala kaming proteksyon. Lahat ng mga turned ay itinatago sa mga training grounds katulad ng Willsborough para maging sundalo nila sa oras ng digmaan.”
“E ano yung panglima?”
Nilingon niya ako na may seryosong mukha, “Ang unwanted.” Napatingin siya sa malayo na nakakunot ang noo. “Isa rin sa dahilan kung bakit kami tinatago dito ay dahil ayaw nilang makakagat kami ng mga mortal. Kapag may nakagat kami, kailangan ay patayin namin kaagad kung hindi..”
“Kung hindi, ano?”
“Magiging halimaw sila. Magiging uhaw sila sa dugo at papatay sila ng maraming tao para punan ang pangangailangan nila.”
“Kayo ba, hindi kayo pumapatay ng tao?”
“Hindi. Mayroon kaming donors. Mga piling tao na bumuo ng organisasyon para mag-supply ng dugo samin upang maiwasan ang malaking problema.”
“Wow.”
Tumingin sa akin si Arlene at ngumiti.
------------------
Nagdesisyon kaming maglakad patungo sa canteen para mas humaba ang usapan.
“So, lahat kayo na nandito ay turned?”
“Hindi. Si Kirby at Ace, yung driver, clanned sila.”
Kinilig ako nang marinig ang pangalan ni Kirby. “Bakit sila andito?”
“Sila ang mga pinuno namin na itinakdang magbantay at mag-alaga samin hanggang maging handa kami sa paglabas.”
“Lalabas kayo dito?”
“Oo. Kapag nakagugol na kami ng isang daang taon, lumalabas kami ng training grounds para manghuli ng mga unwanted.”
“Aaaah. So matagal na kayo rito?”
“Ako ang pinakamatagal. Siyamnapu’t limang taon na ako rito.”
Halos malaglag ang lower lip ko sa pagkakanganga.
Natawa si Arlene. “Ako ang pinakamatanda. 105 years old na ako.”
“Pero ikaw ang pinakabata,”
“Pinakabatang naging turned. Pinakabata si Dominic. Dalawpung taon palang siyang turned.”
“Ha? So, 37 years old na siya?”
“Oo. Mas matanda kaming lahat dito kaya pagpsensyahan mo na kung di kami magagalang.”
“I see,” nahihiya akong magtanong pero I was very curious. “Uhm, totoo bang nagiging paniki kayo?”
“Haha. Hindi. Si Dracula at pillars lang ang may ganoong kakayahan. Pero may mga espesyal na abilidad ang mga bampira na naibigay samin.”
“Tulad ng?”
“Ako. Hypnosis. Sa pamamagitan ng pag-awit, kaya kong ipakita sa mga tao, o kapwa ko bampira ang masasaya nilang ala-ala. Kaya ko silang pasunurin sa gusto ko.”
I remembered the incident when Josh and H fought. “Aaaah. Kaya pala napakalma mo silang lahat.”
“Oo. Katagalan, malalaman mo rin ang espesyal na abilidad ng bawat isa sa amin.”
Tumingin ako sa kanya, and gave her an awkward smile. “Pero bakit ako nandito?”
Tinitigan niya ako. “Si Kirby lang ang nakakaalam.”

------------------
Napaupo ako sa bench sa tapat ng canteen nang iwan ako ni Arlene. Naguguluhan ang isip ko. Gusto ko talagang malaman ang dahilan ng pag-hire nila ng teacher, o pag-hire nila sa akin. Maya-maya ay nakita ko si Manong Kenneth na nagbubuhat ng isang mabigat na sako. Naawa ako kaya nilapitan ko siya para tulungan.
“Manong Kenneth, bakit naman kayo nagbubuhat ng mabigat?” Sabay kuha sa kabilang dulo ng sako.
“Hayaan mo siya.” Dumating si Henry na nakangiti sa akin at nakatago ang mga kamay sa bulsa. “Trabaho niya yan, Ma’am.”
“Pero ang bigat nito,” I looked at the 78-year old man, “hindi na siya dapat nagbubuhat ng ganto kabigat.”
“Ma’am,” inurong ang sako at diniin ang kamay doon para mas mabigatan ang matanda, “kaya niya yan. Marami siyang kayang gawin.”
Kumunot ang noo ko dahil sa inis sa ginawa niya kaya kinuha ko ang sako at inilapag. “Marami pa siyang kayang gawin at marami rin siyang hindi na dapat ginagawa.” Tinitigan ko siya at tinignan nang masama.
Tumingin pa siya kay Manong Kenneth bago tumingin sakin, “Hindi mo kasi alam.” Sinipa niya ang sako at umalis.
“Kuya Kenneth, iwan mo na yan at umuwi ka na.” Kilala ko ang boses kaya napalingon ako kaagad. Si Kirby. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Opo, Sir.” At umalis ang matanda.
Hinarap ko si Kirby at tinitigan. “Pwede ba tayong mag-usap?”
------------------
“Alam ko na ang totoo.”
“Simula noong itinakbo ka ni Dominic sa gate, tama?”
Nagulat ako. Alam na niyang alam ko all this time. “Anong kailangan nyo sakin?”
“Your job. I want you to teach them English.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Yun ang totoo,” tinignan niya ako sa mata, “I want you to make them ready for the war.”
“Sa pagtuturo sa kanila ng English?”
“Kasama sa training nila ang pag-aaral ng kultura at lenggwahe ng iba’t ibang bansa.”
Naguluhan ako. “Ayaw ko na.”
“Bakit bumabalik ka pa?”
Napatigil ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang sagot. Nagbend siya sa direksyon kung saan ako nakaupo para magkaharap kaming dalawa. Nakapatong ang braso niya sa sandalan kaya halos naakbayan na niya ako. Nagkatinginan kami.
“Bakit bumabalik ka pa, Sandra?”
Napalunok ako. “K-kasi..” napayuko ako sa hiya at ilang.
Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang ulo ko. “Kasi?” Naramdaman kong inilalapit niya ang mukha niya. Napapikit ako. I’ve never kissed a man my entire life.
Bum!
May tumamang bola sa pader na muntik nang tumama sa ulo ni Kirby.
“Sorry. Napalakas ang pagbato ko.” Pinulot ni Dominic ang bola sabay umalis. Nakita ko ang pagngiti ni Kirby.
“May huling klase pa kayo, diba? Hatid na kita.”
I nodded and smiled.
------------------
“Okay, class. For your assignment, I want you to memorize the “Invictus” on page 82.”
“Yes, Ma’am.”
“Okay. See you tomorrow.”
Nag-umpisa na silang magsilabasan. Labing-dalawa lang sila sa klase. Wala si Mark. Wala rin si Dominic, at si Kim. Nakita ko si Arlene na ngumiti pa sa akin bago lumabas ng klase. Si Josh naman ay naiwan sa classroom na nakasilip sa bintana.
Nilapitan ko si Josh. “Tara na.” At ngumiti ako.
Tumingin siya sa akin at ibinalik ang tingin sa bukas na bintana. Walang liwanag sa bandang bahagi ng school na iyon kaya hinahayaan nila itong nakabukas. Sinilip ko kung ano ang tinitignan niya at nakita ko si Kim na may kausap na lalaki. Natatakpan ng pader ang ulo ng lalaki kaya hindi ako sigurado kung sino ang kausap niya.
“Okay. I’ll go ahead. Just close the door when you leave.”
Lumabas ako ng kwarto. Sa paglalakad ko, naaninag ko si Kim na hila-hila ng isang lalaki. Pumasok sila sa isa sa mga kwarto sa second floor. Familiar sa akin yung room na iyon. Dun ko sila nahuli ni Mark noon. Naisip kong baka si Mark yung kasama niya.
“Si Mark kaya yun? Sabi ni Kirby nakakulong si Mark.” Pumunta ako sa kwarto. Kailangan kong malaman kung si Mark yung kasama ni Kim. Hindi pwedeng maging malaya si Mark dahil manganganib ang buhay ko.
Dahan-dahan kong sinilip ang loob ng kwarto. Parang sinadyang iwan na bahagyang bukas ang pinto. Nakikita ko si Kim na may kahalikan pero hindi ko pa rin makita ang mukha ng lalaki. Dahan-dahan kong nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Pero bigla itong bumukas ng maigi at tumama sa pader na gumawa ng malaking ingay.
Napatingin sa akin ang dalawa and the guy’s face was revealed.
“Dominic?” Nagtataka kong sabi.

The Willsborough ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon