Episode 3: "The Special 15"

64 4 0
                                    

Hinawakan nya ang pinto at itinuro ang loob ng kwarto para pumasok ako. "Ms. Sandra, meet the Special 15."

Pumasok ako. Nakatayo silang lahat nang tuwid na para bang well-trained na sa pagpapakilala sa bisita. Mukhang may class nga ang mga bata. Lahat malilinis tignan, at lahat magaganda. They were all intimidating. They looked shiningly brilliant in front of me.

"Okay, guys. I want you to introduce yourselves one-by-one."

"Good morning, Ma'am," nauna ang isang batang lalaki. He looked charming and nice. "I'm Ronald, 15 years old. I'm afraid of blood, so please wag po kayong masusugatan."

"Very sweet," napangiti ako sa kanya.

"I'm Angie," sabi naman ng batang naka-black lipstick. "17. I vomit everytime I smell garlic. So please avoid bringing food with garlic."

"Oh."

"Arlene, Madame, taga-" napatigil sya na parang pinigilan ang sarili. Mukhang sya ang pinakabata. Kulot ang buhok at itim na itim. Ngumiti sya, "Thirt-- 13 years old. Mahilig po ako sa musika. Hihi. Gusto ko po ang amoy ng leeg nyo."

"H-huh?"

"I'm Josh, and this is my sister, Merilyn," tinuro ang babae sa tabi nya. Pareho silang payat at matangkad. Mahahaba ang mga pilik-mata at makakapal ang kilay. "We're a twin. Both 18." Tinaasan lang ako ng kilay ng kapatid nya. "We have very sensitive eyes so please don't wear jewelries, especially those that are made of silver."

I nodded, then smiled.

"Ako po si Henry. Binibini," lumapit at kinuha ang kamay ko sabay hinalikan. Nabigla ako. "Labing-walong taong gulang." He had thick and sexy lips.

"Binibigla mo naman ang maestra natin," sabat ng isa. May kalakihan ang katawan ng batang ito. Inagaw ang kamay ko at hinalikan din. "Mark po, Miss Beautiful. 18."

Isang nerdy na bata naman ang nagtaas ng kamay sa gawing likuran. "Ma'am!" Nabaling lahat ng atensyon sa kanya. "I am Jed."

"Hi, Jed."

"For your own safety, I suggest you spray on very strong perfume," sabi ni Jed.

Nanlaki ang mata ko. Pero mas nanlaki ang mata ng mga kasama nya.

"Don't mind him, Ma'am," isang napakagandang bata ang sumabat. Sa batang edad, makikitaan mo na sya ng ganda ng katawan. "I'm Princess, the class president."

"Self-proclaimed," sabat ni Jed.

"Shut it, Jed," she looked irritated. Tumingin sakin, "I AM the class president. You can always rely on me. Anyway, I'm 16."

Sa likod nya may batang babaeng nakaabang sa bintana. Mukhang di mapakali.

"Lyn," sabi ni self-proclaimed president.

"Nako, inaabangan na naman nya yung irog nya," nang-aasar na sabi ni Henry.

"Nakakatawa," she rolled her eyes. "Sorry, Ma'am," tumuwid ng tayo. "My name is Rosalyn. Call me Lyn for short. 17."

Nakapagpakilala na ang lahat. 12 palang sa bilang ko. Nilibot ko ang paningin ko. Suddenly, two teenagers came out of what I believed was a comfort room. Isang lalaki at isang babae! Sabay lumabas ng CR! Nagbubutones ng blouse ang babae habang nag-aayos naman ng buhok ang lalaki nung lumabas sila sa CR.

"Oh," mukhang nagulat ang batang babae. Napatingin kay Dr. Alcala, tapos saken. "Hi, Ma'am. Kim for Kimberly," inabot ang kamay sakin.

Hindi ko inabot yung kamay ko. Ayokong isipin kung saan nya hinawak yun. "Nice meeting you," ngumiti ako pagtapos ay tuminigin sa kasama nya.

The Willsborough ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon