"Dito ka muna, hija. Ako na ang maghahanap sa magulang mo," iniupo ako nung mama sa isang bench, "Huwag kang aalis dito. Babalikan kita.
Tumango ako. I looked at him with a scared face pero ngumiti lang siya at iniwan ako. Madilim ang paligid and the ambience was so creepy for a seven-year old child like me. Nakayuko lang ako. Ayokong ilibot ang mata ko sa takot na may makita akong kakaiba. Suddenly, I heard a scream.
"Ma.. mama?" I was sure. Si mama yun. "Mama? Nasan ka?" Tumayo ako sa kinauupuan ko. Napalunok ako, pero I knew I had to go. Naglakad ako towards the direction where I heard the noise. Sobrang natatakot ako. It felt like everything around was going to eat me. Suddenly, lumiwanag nang bahagya. Lumitaw ang bilog na bilog na buwan. Napatingin ako doon. The moon was so beautiful that night. Suddenly, I heard a strange noise.
"Mama? Papa?" Napatakbo ako sa gawing yun. Mabilis ang tibok ng puso ko but I was hopeful that I'd be in my parents' arms in no time. "Mama!!! Papa!!!" Naiiyak kong sigaw. Takot. Yun lang ang nararamdaman ko nun. Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng isang fountain. Ang tubig, kumikinang. Nawala nang saglit ang kaba ko because of the amazement. "Sana nakikita nila Mama at Papa 'to," I thought. Oo nga, sina Mama at Papa.
I decided na bumalik sa paghahanap, but when I turned I saw man. Nakayuko siya. Natatakpan ng buhok niya ang mukha niya kaya hindi ako sigurado kung nakatingin siya sakin. Nakatingala ako sa kaniya. Scared, I asked him, "Kuya? Nakita nyo po ba ang mama at papa ko?"
Nakita ko ang pagngiti nya. Pero nagimbal ako nang sa pagbukas ng bibig niya, tumambad ang malalaki at matutulis niyang pangil. Madilim ang mukha niya ngunit kitang kita ko ang pula niyang mga mata. Hinawakan niya ako sa balikat at binuhat. "Aaaaaaaaaaah!!!"
------------------
"Aaaaaaaaaaaaah!!!!"
"Sandra! Sandra!" Nagising ako na nakaharap sa mukha ng nag-aalala kong pinsan. "Okay ka lang ba? Binangungot ka na naman."
Pawis na pawis ako. Basa pati ang higaan. Ang tibok ng puso ko ay kasing bilis ng tibok ng puso ko sa panaginip ko. Napalunok ako. "Anong oras na ba?"
"9am na," nag-aalala pa rin ang tono niya. Nakatitig lang siya saken. Kinuha niya ang towel sa ibabaw ng cabinet at iniabot saken, "Napanaginipan mo na naman ba yun?"
Just as to not visualize the scene again, iniwasan kong magkwento. I grabbed my phone and checked the time myself. "Shit," napatingin ako sa kanya, "may interview nga pala ako ng 11am."
"O, sige. Maghahain na ako para makakain ka muna."
"Thank you, couz." Si Jeselle ang pinaka-close kong pinsan. Sa kanila na ko tumira since my parents died. Napatitig ako sa kawalan. I've been dreaming this for a week now. Hindi mawala-wala sa isip ko yung lugar, at yung lalaking may pangil.
Pagbaba ko sa kusina, nakahain na yung pagkain, Nakaharap na rin si Jeselle at Uncle Orly sa hapagkainan. Umupo ako sa tapat ni Jeselle.
"Binangungot ka na naman daw," nakatinging sabi ni Uncle Orly sabay subo sa tocino.
"Opo, Angkol," sabi ko.
"Si Ante mo, nagpapakita na rin sa akin sa panaginip. Malapit na din kasi ang death anniversary nila kaya siguro nagpaparamdam,"" biglang lumungkot ang mukha ng tiyuhin ko. "Dalawin nga natin pag nagkaoras kayo."
Napatingin si Jeselle saming dalawa. Parehong nakatulala sa hangin. "AT! Malapit na din ang birthday mo, couz!" Nakangiti niyang sabi. She always knows how to break our silence everytime na napag-uusapan ang mga nasirang mahal sa buhay. "So, dun nalang tayo magcelebrate sa mga puntod nila. Pero for now, bilisan mo nang kumain kasi mali-late na ko sa work at ikaw, sa interview mo."
BINABASA MO ANG
The Willsborough Scandal
Misteri / ThrillerThis is not a typical teacher-student affair. Sandra enters the exclusive village, the Willsborough, to fulfill her dreams of becoming a classroom teacher. She doesn't know she is going to have an unusual love affair and uncover dark secrets.