Lumunok si Dominic at tumingin saken.
Tumitig ako sa braso nya at tinignan sya. “Diba may sugat ka dyan?”
“Aaah... Kasi…”
“Dominic!” Napatingin kaming dalawa kay Lyn.
“Lyn,” para bang nakahanap ng tulong si Dominic, “bakit?”
“Pinapatawag ka sa office ni Dr. Alcala. ASAP daw.”
Tumingin pa muna sakin si Dominic, “Excuse me, Ma’am.”
I just nodded, sabay tingin kay Lyn. Nakatingin din sya sakin na seryoso ang mukha. Sabay silang naglakad papunta sa office ni Dr. Alcala. Pagharap ko sa pinto ng building, naroon na ang driver.
“Tara na po.”
------------------
“Okay, class dismissed.”
Isa-isang nagsitayuan ang mga estudyante. Nalibot ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto. Hinarang ko si Lyn na dadaan sa gilid ko. “Uh.. Lyn? Si Dominic?”
Huminto siya sa harap ko. “Hindi po kami nagkita kanina e.”
“Aaaah. Okay…”
Tumingin siya sakin na parang pinipilit basahin ang iniisip ko. “Masama ang pakiramdam niya kahapon. Baka yun yung dahilan kung bakit wala siya ngayon.”
“Masama pakiramdam?” Napansin kong inaaral niya ang mukha ko. “Alright, you may go now. See you tomorrow.”
Tumalikod siya sakin at tuloy-tuloy ang paglabas ng pinto. Iba ang tono ng pakikipag-usap niya sakin ngayon. Parang may inis o galit. Di ko namalayang nakatayo malapit sakin si Mark.
“Namiss mo, Ma’am?”
“Huh?”
“Si Dominic,” pilyong ngiti ang bumungad sakin.
“Excuse me?” Kumunot ang noo. “I’m just curious. Kahit siguro ikaw, hahanapin kita kapag wala ka sa klase. Lalo na’t walang paalam.”
“Oh,” nang-aasar ang mukha ni Mark. “Alam ko kung nasan siya.” Nakangiti niyang sabi sakin.
------------------
Pumasok ako sa pinto ng kwartong itinuro sakin ni Mark. Dim ang lights ng kwarto. Medyo creepy din ang dating. Napamewang ako. “Tsk. Bakit ba hindi ko naisip na baka pinagti-tripan lang ako nun?”
I sighed and turned to the door to get out of the freaky room. But before I got even closer to the doorway, the door slammed.
“Shit.”
Tumakbo ako agad para subukan sanang pigilan ang tuluyang pagsara ng pinto. But I failed. Sinubukan kong buksan pero Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. A sound of footsteps broke the silence in the room. Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Pinanuod ko lang ang figure na unti-unting lumalapit sakin. Habang papalapit, laong bumibili ang tibok ng puso ko. Sa sobrang takot napapikit ako. Pero ramdam kong palapit na siya.
“Ma’am?”
Napadilat ako. Kilala ko yung boses. Pagtingala ko, “Dominic?”
“Ma’am. Anong ginagawa mo dito?”
I felt relief. “Kinabahan ako. Akala ko kung ano na,” banggit ko habang nakahawak sa kaliwang dibdib ko.
“Bakit ka andito?” Tumingin siya sa pinto. “Sinara mo yung pinto?”
Nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya. “No! Sumara siya ng kusa. Kay mmo bang buksan?”
“Sa labas lang to nabubuksan.”
Nanlaki ang mata ko. “Ano?!”
“Detention po to, Ma’am.”
“Ano ba kasing ginagawa mo dito?” Halos sabay naming nabanggit sa isa’t isa.
------------------
Naglalakad si Dr. Alcala kasama si Lyn sa lobby nang mapansin nila ang driver na nag-aabang sa labas ng building. Nagtaka si Dr. Alcala at nilapitan ito.
“Kenet, bakit andito ka pa?”
“Hinihintay ko yung teacher.”
“Kanina pa nag-dismiss na klase yun. Hindi pa ba lumalabas?”
“Hindi pa e.”
Nakunot ang noo ni Dr. Alcala. “Nasan kaya yun?” Nabaling ang tingin kay Lyn, “Anong oras siya nag-dismiss?”
“Around 1:30, Sir.” Napatingin siya sa relo. 15 minutes na ang nakakalipas.
Nagkatinginan ang tatlo.
“Malapit nang mag-alas dos,” nag-aalalang sabi ng driver.
Nanlaki ang mata ni Dr. Alcala. “We need to find her.”
------------------
Sampung minuto. Sampung minuto na siyang nakatitig sakin. Nakaupo ako habang nakasandal sa pinto. Naka-Indian seat. Naman siya sa harap ko.
“Itigil mo nga yan,” I tried to sound irritated.
Ngumiti siya sakin. Very charming. “Bakit ka nga kasi andito?” parang kinikilig ang boses.
“Kanina mo pa yan tinatanong. Naligaw nga ako.”
“Sus,” nang-aasar na sabi. “Bakit nga?”
Tumitig ako sa kanya. “Fine. I was looking for you—“
“Yieeeeh.”
“In class,” I rolled my eyes. “Malamang hahanapin kita dahil absent ka sa klase. Bakit ka ba kasi andito sa detention? Ano bang nagawa mo?”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Dominic. Naiba ang direksyon ng tingin niya.
“Uy.. Okay ka lang?” Sinubukang i-check ang mukha niya.
Tumingin siya sakin. Halos magkadikit na ang mukha namin. Nagkatitigan kami. Ako ang unang lumayo. I cleared my throat, “Ano ba kasi ang nangyari?”
Ngumiti siya. But it was a fake smile. “Sorry, Ma’am,” his tone was serious, “di ko kasi pwedeng sabihin.” Tinignan niya ako sa mata. “Basta ang alam ko lang, pu-protektahan kita.”
I was amazed. His tone, his eyes. He was so serious, and he sounded romantic. But come on, this young boy is 10 years younger than me. Bumalik ako sa ulirat, “Huh?”
“Pu-protektahan kita, bilang estudyante mo,” nakangiti niyang sabi,
Ngumiti ako pabalik. “Mga banat mo e, noh?” At sabay kaming natawa. Maya-maya.
“Beep! Beep! Beep!”
Pinatay ko ang alarm ng relo ko. Napatingin siya na nagtataka. Napansin ko kaya pinakita ko sa kanya ang relo ko. “2PM na.”
Nanlaki ang mata niya at tumayo. Para siyang biglang nabaliw. Inikot niya ang kwarto na wari’y my hinahanap. Nakakita siya ng kahoy sa gilid. Sinimulan niyang pukpukin ang pinto. Naguguluhan ako sa kinikilos niya.
“Dominic!” Hinawakan ko ang kahoy na hawak niya. “Anong ginagawa mo?”
Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sakin. “Kailangan mo nang makalabas dito!”
BINABASA MO ANG
The Willsborough Scandal
Mystery / ThrillerThis is not a typical teacher-student affair. Sandra enters the exclusive village, the Willsborough, to fulfill her dreams of becoming a classroom teacher. She doesn't know she is going to have an unusual love affair and uncover dark secrets.