Episode 7: "Dark Secret"

24 4 0
                                    

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sakin. “Kailangan mo nang makalabas dito!”
He was very serious, then. Kinakabahan at nagtataka ako sa mga kinilos niya. Lahat ng makita niyang nasa loob ng kwartong iyon, sinusubukan niyang ipangbukas sa pinto.
“D-Dominic...”
“Hindi ka na dapat pumunta dito,” tumigil siya sa ginagawa para kausapin ako. “Alam mo ang rule. Dapat nakalabas ka na ng 2PM!”
Nabigla ako sa pagtaas ng tono niya. But I decided na wag nang sabayan ang galit niya.
“Gumilid ka.”
Pumwesto siya sa kabilang dulo ng kwarto na katapat ng pinto. Bumwelo siya para sa pagtulak ng pinto gamit ang katawan niya. Mabilis siyang tumakbo papunta sa pintuan pero pagdating doon, natumba lamang siya dahil kumusa itong bumukas.
“Bakit ka naman nagmamadali?” Nakangiting sambit ni Mark na nakatingin kay Dominic. Tumingin siya sakin na may pilyong ngiti.
“Kailangan nang makalabas ni Ma’am.”
“Maaga pa naman. Diba, Ma’am?” He showed a very evil smile. I suddenly noticed na nag-iiba ang itsura niya. Nag-uumpisang maging itim ang buong eyeball niya at nagkakaroon ng kakaibang hugis ang mga ngipin niya. “Okay lang naman kay Ma’am mag-stay. Diba, Ma’am?”
“A-anong nangyayari?”
Nakaramdam ako ng takot. Tumingin sakin si Dominic at napansin ang panginginig ko. Pumwesto siya sa harap ko para takpan ako.
“Padaanin mo kami.”
------------------
“Padaanin mo kami.”
Binend ni Mark ang ulo pakanan at pakaliwa. Maya-maya ay inumpisahan niya na kaming atakihin. Pero bago pa siya makalapit sakin, mabilis na kong naiwas ni Dominic at siniko si Mark.
“Anong ginagawa mo?!”
“Ibigay mo na siya sakin,” iba na ang boses ni Mark. Sumugod siya kay Dominic at sinakal ito. Sinandal niya ang kaklase sa pader. “Hati tayo kung gusto mo,” mukha siyang nasapian.
“Nababaliw ka na!” Nakawala siya sa pagkakasakal ni Mark. Nabigla ako nang makita ang paghawak ni Dominic sa mga balikat ni Mark at paghagis niya rito.
Bumangon si Mark at tumawa. “Sigurado ka bas a ginagawa mo, Dominic?”
“Sa ginagawa mo ako hindi sigurado. Ano bang nangyayari sayo?!”
“Pano mo nagagawang tiisin ang amoy niya? Alam kong nararamdaman mo rin to.”
Tumingin si Dominic sakin. Malamang he wanted to check if I was okay.
“Sige na Dominic. Alam kong gusto mo rin to!”
Hinarangan ulit ako ni Dominic. “Wag siya, Mark.” Kinuha ni Dominic ang mga kamay ko. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Pinatong niya ang mga kamay ko sa balikat niya at tumingin sakin, “Kahit anong mangyari, wag kang bibitaw.” Hinawakan niya ang mga hita ko, inangat at binasag ang bintana gamit ang paa niya.
Makikita ang malaking gulat sa mukha ni Mark. “”Nahihibang ka na.”
“Babalikan kita,” at lumabas kami ni Dominic sa bintana.
------------------
Mabilis ang takbo ni Dominic kaya humigpit ang kapit ko sa kanya. Nakapasan ako sa estudyante ko! Napalingon ako sa bintana at nakita ko si Mark na nakatingin lang samin habang nakangiti.
Nakakahilo ang takbo ni Dominic. Hindi normal ang bilis. Parang yung mga napapanood ko sa pelikula. Ano bang meron sa mga batang ito? Bigla kong naalala yung kondisyon nila.
“Shit!”
I tried to check on Dom. Tirik na tirik ang araw. Nakikita ko ang pamumula ng balat niya. Sobrang pula, parang nasusunog. “Huminto ka!” Pero di niya ako pinansin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo.
Humigpit ang pagkapit ni sa lower legs ko. Pakiramdam ko dahil nasasaktan siya sa pagsunog ng araw sa balat niya. “Dominic! Tumigil ka na!”
Huminto siya. Binaba niya ako. Agad kong hinarap siya at tinignan ang mukha niya. “Oh, my God! Okay ka lang? Dadalhin na kita sa ospital!”
“Okay lang ako,” nanghihinang itinuro niya ang gate. “Lumabas ka na. Bilisan mo.” May kinuha siyang remote sa bulsa niya at bumukas ang gate.  “Di ko na kaya. Tumakbo ka na!”
“Hindi pwede! Di kita iiwang ganyan!”
“Makinig ka saken! Alis na!”
Naluluha akong tumingin sa kanya. “Salamat,” at tumakbo ako palabas ng gate. Nang makalabas, humarap pa ulit ako sa kanya. Naluluha kong pinagmasdan ang unti-unti niyang pagbagsak sa lupa. Tatakbo pa sana ako para pumasok ulit but the gate closed.
“”Dominic!”
May biglang kumalabit saking matandang lalaki. Nilingon ko. “Miss, okay ka lang?”
“O-opo. Tulungan niyo ko. Yung estudyante ko--“ paglingon ko sa loob, wala na si Dominic.
------------------
“Lapastangan!” Nag-iwan ng malakas na suntok si Dr. Alcala sa mukha ni Mark. Nakataas at nakatali ang dalawang kamay nito. “Hindi ka nag-iisip!”
Mark just grinned.
“Masisira ang misyon dahil sa katangahan mo!” Bakas ang sobrang galit sa mukha ni Dr. Alcala. “Anong pumasok sa kukote mo at ginawa mo yun?!”
Ngumiti si Mark, “Hindi nyo ko masisisi. Nag-iwan kayo ng masarap na ulam sa mesa ng mga batang nagugutom.”
Muling sinapak ni Dr. Alcala ang nakangiti lang na si Mark. “Kailangan natin siya!”
“Kailangan mo!” Bakas ang gigil sa malalaking mata ni Mark. “Inisip mo bang mahirap para saming lahat ang pagpapapasok mo sa kanya dito?”
“Ginagawa ko yun para sa inyo!”
“Sir!”
Nilingon ni Dr. Alcala si Lyn na biglang nagbukas ng pintuan. “Lyn, anong balita?”
“Si Dominic. Malala ang lagay niya.”
------------------
Tatlong katok. Biglang bumukas ang pinto.
“Couz?” May hawak  na pagkain si Jeselle. Umupo siya sa tabi ko. “Tatlong araw ka nang hindi kumakain.”
I sighed, then smiled at her. “Iwan mo nalang dyan, couz.”
“Ayoko. Di mo naman kinakain yung mga dinadala ko e.” Nilapag sa mesa ang pagkain sa mesa at muling tumabi sakin. “Ano ba kasing nangyari? Simula nung umuwi ka nung Friday, ganyan ka na.”
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Pero natatakot akong hindi nya ko paniwalaan. “Okay lang ako, Couz. Iwan mo nalang yan dyan.”
“Hays. Sige na nga. Mukhang ayaw mo talagang magkwento. Pero  sana naman kumain ka na. Nag-aalala na kami ni Daddy sayo.”
“Salamat, couz. Promise, kakainin ko yan mamaya.”
“Sabi mo yan ha? Sige. Baba na ko. Gagawa pa ko ng report.” Hinaplos niya pa ang ulo ko bago lumabas ng  kwarto.
Pinanood ko lang siyang lumabas ng kwarto. Binalik ko ang paningin ko sa laptop ko. I researched on all the weird stuffs that happened to me at Willsborough. At iisa lang ang sagot. Biglang nag-vibrate ang phone ko.
ARE YOU GOING TO REPORT TO WORK TOMORROW?
Napaisip ako bigla. Natatakot akong bumalik pero kaialngan kong malaman kung ano ang nangyari kay Dominic. I started typing.
YES, SIR.

The Willsborough ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon