Episode 13: "Soft Spot"

7 1 0
                                    

            Pagpasok ko sa lobby, nandun si Dominic na may hawak na papel. SORRY. Tinignan ko lang siya sa nang masama at nagpatuloy sa paglalakad.

            “Okay. Tell me the author’s mood in this poem.”

            Walang nagtataas ng kamay sa klase. Si Dominic lang. Pero ayoko siyang tawagin.

            “Anyone?”

            Lalong itinaas ni Dominic ang kamay. Nilibot ko ang ulo ko para maghanap ng pwedeng tawagin.

            “Okay, Princess. What’s the answer?”

            “I am not raising my hand. Dominic has an answer, though.”

            Tumingin ako kay Dominic pero hindi ko pa rin siya tinawag. “Okay, the author seems lonely and mournful when he wrote this poem.”

            Napatingin ang ilan kay Dominic. Si Arlene naman ay ngumiti na parang nanunukso.

            Pagtapos ng klase ay dumiretso ako sa canteen, hindi lang para kumain kundi para na rin kamustahin si Manong Kenneth.

            “Your order, Ma’am.”

            “Naku, maraming sal--“ Nagulat ako nang makita si Dominic, “Nasan si Manong Kenneth?”

            “Hindi po siya pumasok, Ma’am.”

            Napabuntong-hininga ako. “Busog pa pala ako.”

            Tumayo ako at umalis. Sumunod si Dominic sakin,

            “Ma’am. Sorry na po.”

            Sinundan niya ako sa paglalakad. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Pero mas nangingibabaw ang hiya. I felt awkward kapag nakikita ko siya, kaya ayaw ko siyang kausapin.

            Napahinto ako sa tapat ng restroom. Nasa likod ko pa rin siya. Tumingin ako sa kaniya, “Baka naman hanggang dito sundan mo ako?”

            Napasimangot si Dominic at umalis. Pagpasok ko sa CR, napaharap ako sa salamin. I sighed. Hindi ko na alam kung paano haharapin si Dominic pagkatapos.. pagkatapos niya akong halikan. Napahawak ako sa labi ko. Ugh, that was my first kiss.

            Biglang bumukas ang pinto sa likod ko. Lumabas si Rosalyn sa cubicle. Tumingin siya sakin. “Hindi siya titigil hanggat maging maayos kayo.” Naghugas siya ng kamay at lumabas ng CR.

------------------

            Papalabas na ako ng lobby nang makita ko si Ace na may kausap na matandang babae. Umiiyak ang matanda at si Ace naman ay tinatapik ang likod nito. Nakita ako ni Ace at sumenyas na lumapit ako.

            “Sabay na kayo ni lolang lumabas,” sabi ni Ace habang kino-comfort pa rin ang matanda.

            “Ah, okay. Sige.”

            “Kakausapin ko lang saglit si Kirby tapos aalis na tayo.”

            I nodded. Tumingin ako sa matanda at ngumiti. Bumuhos na naman ang luha niya. Hindi ko man alam ang dahilan, niyakap ko pa rin siya.

            Pagdating ni Ace ay sumakay na kami ni lola sa van. Nagulat ako nang may isa pang sumakay sa likuran namin. Nakasumbrero ito at tinatakpan ang mukha.

The Willsborough ScandalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon