Nang dumating ako sa library nakita ko si Ma'am Cruz na may kausap. Mukhang bago lang siya dito kasi ngayon ko pa lang siya nakita.
"O,Flint nandito ka na pala. Ito nga pala si Michelle Fuentabella ang bagong vice pres. ng FLIC."
(FLIC:friends of the library)
"Ahm,.. Ma'am nasaan po ba si Ella? Di ba siya po ang vice pres.?"
"Lumipat ng school si Ella kaya napagpasyahan namin na si Michelle na ang papalit sa kanya tutal sumangayon rin naman ang mga members."
"Ganun po ba. Ito lang po ba ang sasabihin niyo Ma'am? Kasi po malapit na po magsimula ang klase. Maaari na po ba akong umalis?"
"Huwag muna Flint, gusto kong makilala niyo ang isa't isa dahil kayo ang pres. at vice pres. sa club na ito."
"okay po ma'am."
"Sige maiwan ko na kayo."
Biglang natahimik ang buong paligid.
"Ahm,ako nga pala si Flint Ethan Cai."
Inilahad ko ang palad ko sakanya. Marahan naman niya itong inabot.
Spell awkard..
Ilang minuto ang lumipas na katahimikan.Binasag ko ito.
"Mukhang wala na tayong paguusapan mauna na ako sayo."
*******************
Pagbukas ko ng pinto tanaw ko na si Tyler sa likod na masayang nakikipagkwentuhan. Nang mapansin niya ako kumaway siya sakin sabay turo sa bakanteng upuan sa harap niya agad naman akong lumapit sa upuan at doon umupo.
Ilang minuto ang lumipas dumating na ang guro namin. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Mr. Maliff ng may biglang pumasok.
"Sorry sir,I'm late."
"No it's okay. Ikaw ba yung bagong estudyante?"
Teka siya yung babae sa library kanina.
"Yes sir."
"Okay,so introduce yourself."
"Good moring everyone. I'm Michelle Fuentabella. 16 years of age. I'm a new student here so be nice to me."
"So Ms. Fuentabella sit beside Mr. Wang."
Umupo si Mich sa tabi ni Tyler. Wow, close na sila agad. Nagpatuloy si sir sa pagtuturo.
Ang bilis ng oras tapos na din ang pangalawang subject.
"Ethan halika na. Sabay na tayong magrecess."
"Sige."
"Mich sabay ka na samin."
Nang dumating kami sa canteen si Tyl na ang nagprisintang bumili ng pagkain namin. Pumayag na rin lang ako kasi first time yang naging mabait. Mukhang type si Mich at nagpapasikat.
"Tara dun tayo." sabi ko kay Mich.
Nakaupo na kami at hinihintay na ang pagdating ni Tyl.
"Ang tagal naman niya." bulong ko.
"O,ito na nga pala yung mga inorder niyo." sabay lapag niya sa mga nabili niya.
"Akala ko natapakan ka na nung mga tao."
"Tss.." yan lang ang sagot niya.
Tahimik kaming kumakain, kaya nagsalita ako.
"Ahm,Mich san ka galing na school?"
Napatigil si Mich at Tyl na parang nagulat sa tanong ko.
"Teka,nagulat yata kayo. May mali ba sa sinabi ko?"
"Ahh..ah..wala naman. Galing ako sa all girls na school sa America."
"Ahh.."
"Ahm..F..Flint ikaw ang pres. ng FLIC diba?"
"Call me Ethan,at tsaka nagpakilala na ako sa library kanina di ba. Bilis mo naman akong makalimutan. Oo ako nga."
Bigla na naman natahimik sa lamesa namin. Walang umimik hanggang sa may lumapit sa'min.
"Hi michelle! Ako nga pala si Ivan. Pwede ba mahingi ang number mo??"
"Ahm..."
"Hindi pwede.." sabat ni Tyl.
"At bakit?? Ikaw ba si Mich?? Tara na nga"
Umalis na sina Tyl at Mich na hila hila ni Tyl. May napansin akong kakaiba kay Tyl ngayon. Parang nung sila pa ni.....Pero hindi ako pwedeng magkamali alam kong hindi pa siya nakaka-move on dito..
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Nerd slash the Campus Prince
RandomYou should watch out on who you mess with or you'll have a sweet revenge. Do you want to see the revenge of the nerd? Read my story.