REVENGE 4

43 4 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon August na. Nandito kami ngayon sa library dahil nanunuod kami ng The Odyssey kasi ang english subject namin ay tungkol sa mythology.

"Sheet...ang ganda ni Athena." bulong ng isa naming kaklase.

"Naiinitan ka ba?" sabi ni Tyl kay Mich. Ang sweet lang nila.

"Hindi naman. Ikaw Ethan?"

"Huh? h..hindi naman." nagulat ako ng tanungin ako ni Mich.

Biglang may sumandal sa akin. Nang tingnan ko kung sino iyon bumilis ang tibok ng aking puso. Si Lesley. Hindi ako mapakali. Shet, sana hindi matapos ang oras.

Hindi nagtagal natapos na ang palabas at ganun pa rin ang posisyon namin ni Lesley.

"Hmmm..ayyy...sorry Flint mukhang nangalay ka. Hindi ko napansin na nakatulog ako." sabi niya saakin.

"Hindi okay lang.."gusto ko nga ehh.." gusto ko sanang sabihin kaso baka mandiri siya.

"Ahh..ganun ba.ahm..pwede mo ba akong samahan sa canteen?"

"Ah.. O..okay.."

Best day of my life ko yata ngayon. Magkakasama kami ni Mich.. Huh? c Mich ba ang nasabi ko. Teka bakit siya..arrrgggg...pano napasok si Mich sa isip ko.. basta si Leysley lang ang gusto ko. Siya lang..

**********************

Ilang araw ang lumipas,lagi na kaming magkasama ni Lesley. Sabi sakin ni Tyl na baka nagkakagusto na si Lesley sakin. Pero alam ko namang malabong mangyari iyon. Pinayuhan ako ni Tyl na manligaw sakanya kaso nahihiya ako.

"Flint...alam mo ba may natitipuhan na akong lalaki sa room." sabi ni Lesley nandito kami sa rooftop.

Medyo nagselos ako.

"Talaga sino naman?"

"Hmmm..huwag ka magagalit."

"Huh..ba't naman ako magagalit?"

"Flint...may gusto kasi ako sayo."

"Huh?!"

Teka tama ba ang mga narinig ko. May gusto siya sakin.

"Huwag ka ngang magbiro."

"Hindi ako nagbibiro Flint."

Tiningnan ko siya. Seryoso nga siya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

"Lesley gusto rin kita."

"Talaga!!!" sabi niya sabay yakap sa akin.

"Oo..so tayo na?"

"Mangligaw ka muna."

"Sige.."

**************

Hindi ko parin mapigilang mapangiti sa nangyari kanina. Sobrang saya ko.

Sa sobrang saya ko nakatulog ako.

"Ethan,, bestfriend forever huh walang iwanan."

"Ethan, i love you.. Ligawan mo ako pagmalaki na tayo."

"Ethan!!!!"

"Ethan,huwag mo kong iwan...di ba magiging boyfriend pa kita."

Nagising ako bigla. Napanaginipan ko nanaman ang batang iyon. Palagi nalang. Nakaramdam tuloy ako ng kakaiba. Parang may nawawala sa pagkatao ko. Parang may kulang.

The Revenge of the Nerd slash the Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon