please vote,comment,share and suggest.
I dedicate this to Essako.
***
Michelle P.O.V
Ang sakit lang na makita ang mahal mong nangliligaw sa iba. Kung hindi sana ako lumayo dati dahil lang sa trabaho ng parents ko baka natatandaan niya pa ako at malamang maging kami.
Ako nga pala si Michelle Fuentabella.15 years of age. At ngayon nasasaktan at nagsisisi.
Hayy..sana hindi ko nalang siya iniwan. Sa isip niya.
Kasalukuyan kong tinitingnan si Ethan na masayang masaya dahil nanliligaw na siya sa crush niyang si Leysley..Sobrang sakit.. Ang sakit..
*********-***********
Ethan P.O.V
Nandito kami ngayon sa aming tambayan. Wala kasi kaming klase ngayon.
"Ethan kamusta na ang panliligaw mo kay Leysley?"
"Okay naman. Kayo kamusta kayo ni Mich? balibalita na kayo na daw."
Tumawa si Tyl sa sinabi ko.
"Hindi kami Ethan. Sinasabi lang yan ng iba dahil lagi kaming magkasama. Magkaibigan lang kami. Sige bro, una na ako."
Binato ko siya ng libro.
"Tanga pare ligawan mo na." sigaw ko.
"Tsk." yan lang yung sagot niya.
**********
Wala nanaman kaming ginawa kaya heto mabilis kaming pinalabas.
"Flint!"
"Uyy,Leysley. Tara sabay na tayo para mahatid kita."
"Kaw talaga. Sige."
Walang umimik samin habang naglalakad kami. Kaya nagsalita ako.
"Ahm,.. Leysley..kailan mo ba ako sasagutin?"
"Alam mo Flint, dapat maghintay ka. Gusto ko kapag sinagot kita dapat in a surprise way para hindi mo makalimutan."
"Ang sweet mo talaga Leysley. Kaya mahal kita eh."
"Tama ka nga Flint sweet ako."
*********
Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nanunuod ng aking favorite animae ang Guilty Crown. Ang ganda talaga ni Inori.
Pero mas maganda si Mich.
Huh? Ano ba tong pumasok sa kokote ko. Bakit naman pumasok si Mich sa isip ko..
Arrggg... dapat si Leysley lang ang iniisip ko.
Miss mo lang si Mich.
Anong miss ka jan si Leysley lang naman ang namimiss ko at dapat mamiss ko.
Kung may makakakita man sakin ngayon malamang sasabihin nilang baliw ako. Ehh,anong magagawa ko ipinipilit nang isip ko na ma miss si Mich. Eh di nga kami close.Ano ba tong nangyayari sa'kin. Makatulog na nga lang.
************
Nagising ako sa ingay na aking narinig alangan naman na makita. -_-'
(Pagpasensyaan na si Ethan bagong gising ehh.)
Si author naman epal umalis ka na nga jan.
(Sige paalisin mo ko di ko tatapusin tong story.)
To naman joke lang.
(Tss..sige na. Aalis na nga lang.)
Hayy salamat umalis na si author.
So ganun nagising ako dahil sa ingay. Bumaba ako para tignan ito.
"Manang kanino po yang mga bagahe??"
"Sir sa papa niyo po ito."
"Ah,ganun ba."
Saan kaya pupunta si papa?? Makapunta na nga lang sa office niya at matanong.
"Pa saan po punta niyo?"
"Oh anak gising ka na pala. Doon muna ako sa america dahil aayusin ko yung ilang papeles ng kompanya natin dahil nagkaproblema."
"Ganun po ba dad. Eh, si mom po ba di pa uuwi?"
"Medyo matatagalan siya. Nandoon kasi siya sa Korea ngayon para sa mga new investment natin."
"Ganun po ba."
"Oo anak. Sige alis na ako,kaw ng bahala dito. Konti na lang kasi ang oras. Ingat ka rito."
"Opo dad. Kayo rin po."
Umalis na si dad. So ako lang dito. Ang boring naman lalo pa ngayong sabado.
Ahh!! alam ko na. Matawagan nga si Tyler. Bakit ba kasi hindi pwede si Leysley ngayon.
Krinnggg...Krinnnggg...
"Oh tol napatawag ka?"
"Tol libre ka ba ngayon?"
"Sorry tol. May date kami ng family ko ngayon bakit ba?"
"Wala kasi sila mom and dad. Ang boring sa bahay walang magawa."
"Tawagan mo si Mich. Wala rin magawa yung babaeng yun ngayon."
"Sige. Penge no. niya."
"Sige txt ko nalang sayo."
Pinatay ko na yung tawag. Hinintay ko yung txt ni Tyl.
Toot toot
Uyy..Nagtxt rin.
----------------
from:
Best_Tyler
Ito yung no. niya:
+639*********
-----------------
To:
Best_Tyler
tnx.
-----------------
Sinave ko yung no. ni Mich at tinawagan si Mich. Bahala na kahit di kami close at least makilala ko siya ngayon kapag nakapaglakwatsa kami.
Krriiinnnnggggg...krriiinnnnngggg...
"Hello sino to?"
"Mich si Ethan ito. Libre ka ba ngayon?? yayayain sana kitang maglakwatsa."
"Ahh..oo libre ako ngayon. Sige ba boring kasi dito."
"Sige susunduin kita."
"Ok."
"ge bye."
"Bye."
Hayy salamat at pumayag siya.Pumunta agad ako sa kwarto at naligo pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa walk in closet ko.
Dapat gwapo ka ngayon. First date niyo eh.
Nanaman! ano ba tong kokote ko lage nalang ako binabanatan. Tss..
Lakad ehh..kaya date. Tapos kayo lang.
Arrgggg...anu ba naman isip meron ako nagsasalita.
Pero tama siya parang date nga to kasi lalaki nagyaya. Pero hindi ko naman sinabing date ehh... Ang sabi ko lakwatsa lang. Pero parang date na nga kasi kami lang.. Ay ang gulo lang.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Nerd slash the Campus Prince
RandomYou should watch out on who you mess with or you'll have a sweet revenge. Do you want to see the revenge of the nerd? Read my story.