Chapter 1: Holdap

10 4 0
                                    

Zarah's POV

Grabeee!!!ang init talaga dito sa maynila! Di ko matake!!Pagandahan din ng sasakyan ang mga mayayaman. Hayss... sana one day magkaron din ako ng ganyan.

Hayss Alam ko namang suntok yun sa buwan. Kase mahirap lang kami nila mama wala nga kaming sariling bahay sasakyan pa kaya? Niloloko ko lang yung sarili ko.nanaman

"Lola pabili nga po ng dyaryo nyo:)" sabi ko dun kay lola na nagbebenta ng dyaryo at candy.

"Oh ito ineng. Magbabasa ka ba ng mga balita o maghahanap ng trabaho??" Tanong ni lola. Si lola hindi lang matabda chismosa rin hehe. Pero dahil mabait ako sinagot ko sya na mayrong magandang ngiti sa labi.

"Ahmm...maghahanap lang po ako ng trabaho lola. Lam nyo na sa hirap ng buhay sanggol nalang walang trabaho" natatawa kong sabi.

"Ahahaha ganon ba?? Marami dyang mga trabaho na pwede na sa mga high school lang yung natapos" sagot ni lola

"Ah. Sige po lola gogora na si ako, mahirap na maunahan sa pagka haba-habang pila ng mga aplikante" putol ko sa paguusap namin ni lola. Ngumiti lang sya bago nagsalita ulit

"Mag ingat ka apo,makahanap ka sana ng trabaho" masayang sabi sakin ni lola. In fairness.

"Salamat po lola. Lola pwede po bang bumili ng candies??yung fresh po tsaka ng yakult" sabi ko kay lola bago tuluyang umalis. Inabutan nya ko ng limang candies tas ng isang yakult

"Magkano po lahat??" Tanong ko

"Ahmm... hindi ko alam eh. Hindi kasi ako marunong nyan" sabi ni lola. Parang bigla tuloy akong naawa sa kanya. Ngumiti nalang ako at nagbigay ng P50.

"Ayan na po lola. Ok lang naman pong di kayo marunong mag add pero mas maganda parin po kung marunong kayo. Baka po kasi nadudugas na kayo di nyo pa alam. Wag kayo mag alala lola sa susunod pag balik ko dito bibigyan ko kayo ng regalo. Tuturuan ko narin pi kayo. Ok po ba yon??" Nakangiti kong tanong

"Salamat apo. Sana talaga makakuha ka na ng trabaho. Kasi alam kong nararapat sayo yun" nakangiting sabi ni lola. Nagpaalam nako at tuluyang amalis.

Kawawa naman si lola. Matanda na sya pero nagtratrabaho parin. Naisip ko tuloy na pag naging mayaman ako,mag papagawa ako ng lugar para sa mga matatandang kapos palad na hindi na kayang alagaan ng pamilya,at si lola yung unang una kong magiging tao dun. Haha. Tinignan ko yung dyaryo at nag hanap ng mga pwede kong pag aplayan at tama nga si lola. Maraming ngang nag papa apply ng trabaho ngayon.

*****

"Ahm. Ok na. Just wait for us to call you. Dont call us we will call you alright?" Tumango lang ako "ok you can go." Ngumiti ako at nagpasalamat,pagkatapos ay lumabas na.

"Hayss... ano ba yan! Pang ilan na ba yung napag apply-yan ko na ganyan yung sinasabi?? Pang anim o pang pito?? Hays di ko na mabilang!" Sabi ko sa sarili ko. Bakit kaya di akk natatanggap?? Ayos naman yung sagot ko sa tanong nila.

Katulad nalang nung nagtanong sila kung 'saan ka pinanganak?'Tanong nilang ganon,syempre ngumiti ako bago sumagot. 'Sa banig po' proud kong sagot pero umilinh lang sila. Tas at the end pare parehas lang sila ng sinasabi.

Like duhh?? Anong kinalaman ng lugar kung saan ako pinanganak sa trabahong ina-applyan ko diba?? Kagigil eh!!!Grrrr!!!kinalma ko yung sarili ko at naglakad lakad.

Huminto ako sa gilid ng kalsada para magantay ng jeep. Ayoko mag taxi mahal yun eh. Nagaantay ako ng jeep ng biglang.May humigit sa sling bag kooooo!!!!

"Hoy!!!!yung bag ko ibalik mo!!!letse kang magnanakaw ka!!!!lagot ka saking hayop ka!!!!" Sigaw ko dun sa snatcher na kumuha ng sling bag ko!letse!kaylangan kong mahabol yun!!! Arghh!!! Binilisan ko pa yung pag takbo ko pero at the end!ayon!nganga! Hindi ko nahanol yung snatcher.

Pano sa sibrang payat nya para nalang syang nililipag ng hangin. Malapa sana sya ng aso letse sya. Pagod akong naglalakad habang may sinisipang bato.

"Haysss... yung bag ko. Pano na ko nyan? Wala nakong pera. Pano ako makaka–" di ko na natapos yung sasabihin ko nung biglang 'Brrrr' napatingin ako sa tiyan ko.

Gutom nakooo!!! Hays!! Ang hirap mabuhay sa mundong ibabaw!!! Nakakainis!

Lakad. Lakad. Lakad. Shit!!!wala bang katapusan tong daang nilalakaran ko!?!? Kanina pako lakad ng lakad eh!

Napatingin ako sa paligid. Hala!madilim na pala. Hanggang ngayon di parin ako nakakauwi. Hayys

Gulat na napatingin ako sa langit ng biglang kumulog. Hays. Mukang aabutan pako ng ulan. Arghhh!!!

(A/N: yan muna for now guys!!!good night!!! Lovelots!)

HIS cover GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon