Chapter 9

4 2 0
                                    

Rafael's PoV

"May... cancer ka??" Tanong ko pagkatapos ko syang samahan mag pa check up kanina.

Flashback

"Nakita kita kaya nilapitan kita... may problema kaba??" Nagaalalang tanong ko kay Zarah. Agad naman syang umiling.

"A-ah... wala,wala!! Ako may problema??" Turo nya pa sa sarili "wala syempre wala" pagpapatuloy nya.

"Ah... ok as you said so..." kunwaring paniniwala ko sa sinasabi nya. Obvious naman kasi na may problema sya eh. Pero di ko na sya pipiliting sabihin ang bagay na ayaw naman nyang iopen up. "San nga pala ang punta mo?" Pag iiba ko ng topic.

"Dyan lang sa malapit na hospital... mag papacheck up ako eh. Feeling ko kasi may sakit ako" simpleng sagot nya.

"Ano ba sa tingin mo ang sakit mo??" Tanong ko ulit na patuloy parin sa paglalakad. Sinasabayan ko kasi sya.

"Breast Cancer" Parang wala lang na sagot nya. Nanlaki naman ang mata ko at Hinarangan ang lalakaran nya.

"B-breast cancer??" Tanong ko ulit ng hindi umaalis sa lalakaran nya sana. Naiiling na hinawi nya ko at naglakad ulit.

"Oo. Breast Cancer... may nakapa kasi akong bukol dito sa kaliwang dibdib ko. Last week pato pero di ako nakapag pacheck up dahil busy ako sa kakahanap ng pansamantalang trabaho. Lumalaki ng lumalaki kaya sa tingin ko cancer to..." Pagpapaliwanag nya sakin habang mabagal na naglalakad.

Tinignan kong maigi yung mukha nya. Walang mababasang emosyon. Hindi sya malungkot, di sya masaya, pero... kung titignan mo yung mga kulay kape nyang mga mata... makikita mo na may lungkot at sakit syang nararamdaman na ayaw nyang ipakita sa mga taong nasa paligid nya.

"Kapain mo." Seryosong sabi nya at humara sakin, itinuro nya rin yung parte ng kaliwang dibdib nya. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Seriously???

"Joke lang!! Ahahaha masyado ka namang seryoso dyan eh" Sabi nya habang natawa, nagpatuloy narin sya sa paglalakad. Iba talaga ang babaeng to. Nalulungkot na pero nagagawa paring tumawa. Ibang klase. Naiiling nalang ako sa sinabi ko.

Naglalakad kami papuntang hospital ng may biglang humintong taxi sa gilid ng kalsadang daraanan namin. Binuksan nung driver ang bintana at idinukwang ang ulo nya.

"Zarah!! Iha!!" Tawag nya kay zarah. Gulat naman itong napalingon. Ang kaninang walang emosyon nyang muka ay biglang umaliwalas, nakangiti na sya. Pero... hindi umabot sa mga mata...

"Tatay Dan!! Magandang hapon!!" Masayang bati nya sa matandang nasa loob ng taxi.

"San ba ang punta mo?? At ihahatid na kita" masyang sabi rin ng matanda.

"Ay nakuu!!! Hindi napo kailangan!!" Sagot nya at umiling iling pa. "Dyan lang naman po ako sa hospital. Malapit nalang po" pagpapatuloy nya at tinuro ang hospital. "At isa pa po tatay may kasaha po ako oh" sabi nya ulit at lumingon sakin. Agad naman akong ngumiti at lumapit sa kanila.

"Magandang hapon po" bati ko sa matanda. Na tatay dan ang tawag ni zarah

"Magandang hapon din iho... pamilyar ka sakin nagkita naba tayo noon??" Nagtatakang tanong ng matanda.

"Nakuu!! Nagkita na kayo dati tatay dan!! Sya kasi yung lalaking kasama ko nung nakita nyo po kaming basang basa sa ulan" biang singit ni zarah sa usapan namin. Agad namang tumawa ang matanda

"Ahahahahaha!!! Ikaw pala yung boyprend nitong si zarah?? Ahaha sa susunod wag ka nang mag lalasing ha iho?? Nagihurapan ang gerlprend mo sayo" pangangaral sakin ng matanda. Nakangiti naman akong tumango. Maya-maya lang ay nagpaalam na kami sa isa't isa aalis na raw kasi si tatay dan.

– – – –

"Dra. Mendoza ano po ba yung bukol na nasa kaliwang dibdib ko??" Tanong ni Zarah. Nandito kami ngayon sa office ni Dra. Mendoza. Seryoso naman syang tinignan nvg doktora.

"Cancerous ang bukol na nas akaliwang dibdib mo Miss Lopez. Ayon sa result ng test na ginawa sayo kanina. Malapit nang mag stage 2 ang bukol dyang sa kaliwang dibdib mo. Kaya pinapayuhan kitang makapag paopera na sa lalong madaling panahon" Seryosong sabi ni Dra. Mendoza

"Kung ganon magkano po ang aabutin ng pagpapaopera ni Zarah??" Tanong ko.

"Nasa 300-500 thousand po ang aabutin Mr.Domiguez" sagot sakin ni Dra. Mendoza. Narinig ko namang napabuntong hininga si Zarah na katabi ko.

"Sige salamat po Dra. Medoza mauuna napo kami" nakangiting sabi ni zarah. Pero bago kami umalis niresetahan muna sya ng gamot ng doktor.

End of Flashback

"Malamang meron. Kasama pa nga kita mag pa check-up diba?? Kung makapag tanong to kala mo di ko sya kasama. Tssk" pilosopo nyang sagot. Bumuntong hininga bago ngumiti at magpatuloy sa paglalakad. Kung titignan mo... di sya tulad bg iba na pag nalamang may sakit eh. Hahagulgol ng iyak o kaya naman malungkot. Sya kase... nakangiti habang dahang dahang nag lalakad. Kakaiba talaga sya.

"Ano na ngayong gagawin mo?? Kelan ka mag papaopera??" Tanong ko.

"Ahmm... Depende sa ipon. Baka tumagal pa ng ilang buwan bago ako makapag paopera..." sagot nya habang sa langit nakatingin. Napalingon ako dahil sa sagot nya. "Ang ganda ng langit no?? Ang daming stars" nakangiti nyang sabi saka lumingon sakin. Nakita kong nagulat sya dahil nakita nya kong nakatingin sa kanya.

"Tara na nga!!! Nilalamig nako eh" Bigla nyang sabi at tumalon talon habang naglalakad.

"Teka..." bigla syang tumigil at nilingon ako. Medyo nakalayo na kasi sya sakin dahil sa pagtalon nya habang naglalakad. "Nasan nga pala yung kotse mo??" Nagtatakang tanong nya. Sakto namang tumigil yung sasakyan ko sa tabi ng kalsadang nilalakaran namin.

"Ayun oh" sagot ko at tinignan si Jun na lumabas sa driver's seat. Lumapit to sakin at binigay ang susi. Pagkatapos ay yumuko ng bahagya.

"Eto na po yung sasakyan nyo boss gusto nyo po bang ipagmaneho ko kayo?" Magalang na tanong ni jun. Tumawa ako dahil sa inaasal nya. Matagal ko nang sekretarya si jun kaya di na sya bago sakin pero yung pagiging magalang nya di nya parin iniiwasan.

"Bwahahaha!!! Hindi na kaylangan jun, ako nang bahala makakaalis kana" nakangiti kkng sabi yumuko ulit to at nag paalam na. Lumapit ako kay zarah na nakamasid lang sa paguusap namin ni jun.

"Tara na?? Ihahatid na kita" nakangiti kong alok. Masya naman syang tumango at pumasok na sa loob ng kotse ko.

-– – — –

"Salamat sa paghatid, Good Night" Nakangiting sabi ni zarah. Bubuksan na sana nya yung pinto ng pigilan ko yung mga kamay nya.

"Bakit??" Nagtatakang tanong nya.

"Wala ba kong Good Night kiss??" Tanong ko na ikinakunot ng noo nya. "Kahit dito lang oh..." sabi ko at tinuro yung pisngi ko. Seryoso naman nya kong tinignan.

"Seriously?? Raf??" Seryso nyang tanong. Nakanigiti naman akong tumango.

"No." Seryoso nya paring sabi.

"Sige na..." pangungulit ko.

"No" - sya

"Sige na, sa pisngi lang naman eh" patuloy na pangungulit ko.

"Ayoko" sagot nya parin. Mukang nauubusan na sya ng Pasensya.

"Plsss" sabi ko at nag pacute pa sa kanya. Tinaasan nya ko ng kilay bago sumagot.

"Ang kulit mo. Aalis na nga ako" sabi nya naghanda na sa paglabas. Bumuntong hininga nalang ako at yumuko.

Akala ko naka alis na sya pero lumipas na ang ilang minuto pero wala parin akong naririnig na tunog ng pagsara ng pinto, kaya naman nilingon ko sya. At nakita kong nakatingin lang pala sya sakin. Ramdam ko namang bumilis yung pag tibok ng puso ko. Bumuntong hininga sya bago mabilis akong hinalikan sa pingi na ikinagulat ko. Wait!!! Did she just kiss me???

"Ayan na. Good Night" nakangiti nyang sabi at tuluyan nang lumabas sa kotse ko.

HIS cover GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon