Zarah's PoV
Matawa tawa ako habang naglalakad papasok sa bahay. Yung itsura nya kanina... talagang priceless. Gulat na gulat. Kung sabagay, maski ako nagulat sa ginawa ki eh. Hayys... ano bang nangyayari sakin?? Hindi dapat ganito eh... hayys.
Nag ayos na ko para sa pagtulog ko.
Zzzzzzz
——
*kringggg!!!*kringggg!!!*
Nagising ako dahil sa lintik na alarm clock ko. Panira ng panaginip eh. Kainis.
Naligo nako at nag ayos ng gamit para sa pagpasok... mukang matagal tagal na leave ang gagawin ko nito. Mamumulubi nanaman ako pag balik ko nito.
Pagkatapos ko maligo ay gumawa muna ako ng sandwich para makakain habang nasa byahe. nagbihis nako pagkatapos ay umalis na papunta sa trabaho. Bago ako matulog kagabi gumawa muna ako ng letter ko para sa mahaba habang leave na gagawin ko. At ngayon ibibigay ko na yun kay Sir. Nic.
As usual si Manong dan nanaman yung nasakyan kong taxi. Coincidence nga naman. Nginitian ko sya at binati.
"Good morning Tatay Dan" sabi ko "Good morning din sayo iha" bati nya rin pabalik.
Umabdar na yung taxi papunta sa studio. Habang naandar ay inilabas ko yung limang pirasong sandwich na ginawa ko kanina at inabot ang isa kay tatay dan.
"Tatay dan oh. Iyo nalang ho" alok ko run na sandwich. "Naku!! Huwag na iha. Bibili nalang siguro ako ng almusal ko mamaya" nahihiyang sagot ni tatay dan.
"I insist. Kunin nyo na po ito" Nangungulit kong sabi,kaya wala na rin syang nagawa kundi kunin yung sandwich. Masarap yannnn!!
"Dito ka na iha" nakangiting sabi ni manong dan. Nginitian ko sya at nag paalam na.
———
"Vince! Jhay!!" Tawag ko kay direk at jhaysel. Agad nila kong nilingon at nilapitan.
"Problema mo bakla??" Maarteng tanong ni vince. Mukang nakalimutan nya na nasa tabi nya si jhay. Nanlaki yung mata nya at biglang napalingon kay jhay na nakakunot ang noo. Tumikhim sya bago nag salita ulit.
"I mean. Bakit? Anong problema mo?" Lalaking lalaking tanong nito. Natatawang napailing nalang ako.
"Ahmm... tara breakfast sa carinderia sa baba??" Nakangitjng alok ko. Nagtatakang nagtinginan yung dalawa pero pumayag din naman.
———
"Ano bang problema mo baks at bigla kang nang aya kumain dito sa carinderia ni aling Margaret??" Nagtatakang tanong ni jhay "buti sana kung libre mo eh KKB naman pala -_-#" naasar na dugtong nya.
"Ahmm... may sasabihin kasi ako sa inyo ni direk vince..." mahinang sagot ko.
"What is it??" Baling sakin ni vince. Pagkatapos sumubo ng pagkain nya. Tinignan ko silang dalawa at nginitian.
"May breast cancer ako." Sabi ko sa kanilang dalawa at yumuko. Maya maya biglang tumahimik yung buong karenderia kaya napaangat ako ng tingin.
Lahat ng tao sa loob ng karenderia gulat saking nakatingin. Nang lingunin ko si vince kumurap kurap muna sya bago di parin makapaniwalang nag salita.
"M-may...ca-cancer ka??" Tanong nya. Ngumiti ako at tumango. Napalingon naman ako kay jhay ng mag salita sya.
"P-paano?? Tsaka...k-kelan p-pa??" Nahihirapang tanong nya. Bago ako sumagot nginitian ko muna lahat ng tao sa karenderia ni aling margaret.
BINABASA MO ANG
HIS cover GIRL
Teen FictionShe's Zarah Lopez Maganda, Mabait, sexy, maputi, matangkad(siguro), at ang babaeng nag mamayari ng kulay kepeng mga mata. Pansamanatala syang na suspend sa kanyang trabaho dahil sa kasalanang hindi nya ginawa... kaya naman kailangan nya maghanap ng...