Zarah's POV
After 1.2.3 boom! Bumuhos yung yung ulan! Arghhh!!! "Ulan ulan pa kasi!" Sigaw ko habang nagpapapadyak dahil sa inis! Wala pa namang masisilungan!!!! Argh!!!
Habang nagtakbo ako may taong nahagip ng mata ko. May tao na nasa gilid ng daan. Nasa gilid sya walang malay at. At. At. Ang Wafuu!!!Makalaglag panty ang peg!! Habang tinititigan sya.
God!!! Falling Angel bato?!?!? Tanong ko sa sarili ko.
Gaga!! Gwapo lang yan pero di yang anghel! Sagot ng papampam na parte ng utak ko.
Wala na kong pakielam kung basa ako. Tinulungan ko yung lalaking makatayo. Geesh!!! Amoy alak tong si kuya Wafu ah.Hahaha. Habang naglalakad kami sa ilalim ng ulan bigla syang umungol.
Oh My Gosh! Bat ang sexy nung ungol nya?!?!! Nasan ang katarungan?!? Kausap ko nanaman sa sarili
Maya-maya biglang dumilat ng kauti yung mga mata nya. Tinignan kung sino yung tumutulong sa kanya.
Tinititigan nya koooo!!! Pwede na kong mamatay!! Wahhh!!!! Tili ko sa isip.
Huwag kang OA! Sarap momg ilampaso sa sahig! Biglang sabi nanaman ng pampam kong utak.
Naku!! Talaga!! Kung naging tao lang tong papampam kong utak?? Baka sya yung nailampaso ko sa sahig! Letse panira ng moment!
Tumikhim muna sya bago nahihurapang mag salita.
"W-who are you??" Tanong ni kuyang Wafuu.
Ay letse!! English!! Mapapasabak ang aking wrong grammar!!
"Better don't talk.You're drunk" sagot ko. Pagkatapos ay naglakad ulit kami. Sa ilalim ng puting ilaw!! Sa dilaw na buwan!! Char syempre sa ilalim ng ulan!
Ayy!! Taray! Naka english! Sabi ni pampam na utak.
"I'm not drunk. A little tipsy y-yeah but i-i'm not d-drunk" lasing na sagot ni kuyang wafuu. Aba!! Nakikipag away pa!!
"Ok.ok. If that's what you think. Tipsy then" Sagot ko sa kanya. At patuloy na naglakad.
Habang basang-basa na naglalakad biglang may dumaang taxi. Oh!! Thanks god! Pinara ko sya at isinakay muna si kuyang wafuu na ingleshero pagkatapos ay ako naman.
"San po kayo Ma'am??" Tanong ni manong driver.
"Sa *insert Adress* po" magalang kong sagot. Tahimik lang naman ang bwahe hanggang sa nagsalita si manong.
"Buti ma'am at naabutan nyo ko... naulan pa naman at bibihira lang din yung dumadaang sasakyan sa lugar na ito." Sabi ni manong driver.
"Ahh... Buti na nga lang po" sagot ko
"Eh... paano ba kayo napadpad sa lugar na to ma'am??" Tanong ni manong driver. In fairness chismoso si manong. At para narin hindi ako makatulog sa daan. Kinausap ko na si manong.
"Naholdap kasi ako kaganina manong... hinabol ko sya ng hinabol... tas ayon nakuha nya parin yung bag ko. Tas naglakad ako ng naglakad ng walang direksyon tas napunta ako rito" paliwanag ko kay manong.
"Ahahaha..." tawa ni manong. Aba!!gigil ako ni manong ha! Pag tawanan bako?!? "...naholdap pala kayo ma'am edi wala kayong pambayad??" Natatawang sabi ni manong.
"Ganon na nga po manong... pero wag po kayong mag alala. Pag po naihatid nyo ko sa bahay ko... kukuha nalang po ako ng pera sa bahay tas babayaran po kita" Nagmamadaling pag papaliwanag ko kay manong. Mahirap na baka sipain kami palabas ni kuyang wafuu.
"Ahahaha ayos lang ma'am pauwi narin naman ako. Masuwerte kayo't nadaanan ko kayo" nakangiting sabi ni manong. Awww... why so bait??
"Salamat manong ang bait nyo po. Pero promise po pag nakita ko po kayo ulit babayaran ko po kayo" nakangiti kong sabi.
"Hindi na ayos lang" nakangiti nya ring sabi. Pero kahit ganon nakikita ko sa mga mata nya na hindi sya masaya. Hayss ano kayang problema ni manong??
Isa ka pa! Chismosa ka rin eh!! Sagot ni papampam na utak. Pansin eh.
"Dito na po ma'am" sabi ni manong nang marating nya yung bahay na inuupahan ko.
"Salamat manong... tsaka Zarah nalang po. Manong" sabi ko sa kanya at inilabas si kuyang wafuu.
"Ah. Sige Zarah. Tawagin mo nalang din akong Manong Dan o kaya Tatay Dan" sagot nya naman sakin. Napangiti ako. Naalala ko nanaman si papa. Hayss.
"Ah. Sige po Tatay Dan. Salamat po ulit. Mag iingat po kayo" paalam ko sa kanya. Hinintay ko munang makaalis si tatay Dan bago ko ipasok asa loob ng apartment ko si kuyang wafuu.
Sa totoo lang may nagiisang rule rito sa bahay na inuupahan ko. Yun ay NO BOYS ALLOWED DURING NIGHT TIME. Yun yon pero na labag ko yun dahil dito kay kuyang wafuu alangan namang iwan ko nalang sya basta basta sa labas diba?? Napaka walang puso ko naman non.
Maingat kong ipinasok sa kwarto ko si kuyang wafuu. Mahirap na baka may makakita samin. Kung ano pa isipin. Inihiga ko na sya sa kama ko. Pupunta bali ako ng cr para mag bihis nang biglang.
*tok*tok*tok*
May kumatok?!? God!! Sino yun?!?!
"Bakit po ano po yun?Onana–este aling Rosa??" Tanong ko sa landlady namin nang hindi binubuksan ng malaki yung pinto.
"Anong ano?!? Ikaw babae ka!! Mag aapat na buwan ka nang walang upa!!! Aba!! Kung ganyan lang din eh lumayas ka na rito!!!" Napaiktad ako dahil sa lakas ng boses ni aleng rosa. Letse talaga tong onanay nato. Este little people nato. Siguro kaya di nya lumaki kasi yung oras na dapat ikatatangkad nya eh ikinaiinis nya pa. Tsaka siguro nung nag sabog ng katangkaran si papa jesus eh nagsusungit sya kaya di sya nakakuha hayss. Napaka sungit nitong landlady namin. Pag ako nag ka trabaho talagang isasaksak ko sa lungs nya yung bayad ko. Kaiinis eh.
"Pasensya na po aling Rosa... wala pa po kasi akong nahahanap na trabaho... magbabayad naman po ako" paliwanag ko sa kanya.
"Anong mag babayad mag babayad?!?!? Yan din yung linya mo nung nakaraang buwan!!!! Oh sya sige!! Bibigyan kita hanggang bukas! Pag wala ka pang binayad hanggang bukas!! Eh magpa sensyahan tayo... papalayasin kita rito sa bahay!" Sabi nya.
"Per–" pinutol nya yung sasabihin ko ng magsalita ulit sya.
"Wala nang pero pero! Hanggang Bukas nalang!pag wala pa yon eh... magbalot balot kana! Nagkakaintindihan ba tayo?!?!" Sigaw nya. Nakuu!! To talagang si aling rosa!! Wala nang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw. Masamid ka sana. Napabuntong hjninga nalang ako bago magsalita ulit.
"Opo. Salamat aling rosa. Makakaasa kayo po Bukas" sagot ko na may pilit na ngiti at pinag sarhan sya ng pinto. Pagkatapos ay umupo ako sa sofa.
"Hayss... kailangan ko na talaga mahanapa ng trabaho bukas" bulong ko sa sarili. Malakas akong napabuntong hininga bago nagsalita ulit.
"Kaya mo to!! Makakahanap ka ng trabaho mo bukas!! Aja!!! Fighting!!" Pagpapalakas ko sa sarili. Pumunta ako sa maliit kong kusina pagkatapos ay naginit ng tubig.
Habang inaantay na kumulo yung tubig ay naligo muna ako. Mahirap nang mag kasakit. Wala pa naman akong pera. Mangungutang pako kay Kyla bukas.
(A/N: yan lang muna for now... baboosh!! Lovelots💗💗)
BINABASA MO ANG
HIS cover GIRL
Teen FictionShe's Zarah Lopez Maganda, Mabait, sexy, maputi, matangkad(siguro), at ang babaeng nag mamayari ng kulay kepeng mga mata. Pansamanatala syang na suspend sa kanyang trabaho dahil sa kasalanang hindi nya ginawa... kaya naman kailangan nya maghanap ng...