Chapter 39: First Love

24 1 0
                                    

Kalyx POV

Naglalakad ako sa hallway ng school nang makita ko si Heart, ngumiti ako at napatigil sa lalaking lumapit sa kaniya at halikan siya sa labi at yakapin, lumapit ako, "Sino siya?" nilingon ako ni Heart, "I'm Drake, boyfriend ni Heart" inilahad sa akin ng lalaki ang kamay niya, Tinignan ko siya pero nakayuko lang si Heart at nakahawak sa kamay nito, "Sorry Kalyx, si Drake talaga mahal ko" napa-atras ako at bumuntong hininga, "That's why you never said that you love me"  tumungo si Heart, "Anu ba iniisip ko, I should have known you only doing it to play with us"napa-close fist ako at nakaramdam ng sobrang galit sa puso ko, yumanig ang lupa at napatingin sa akin si Heart, "Sorry Kalyx, I don't mean to play with you or to your feelings, sorry kung mali ang interpretasyon mo sa mga actions ko" yumuko ako, "I felt so stupid" wika ko at tumakbo ako papalayo sa kanila. Sumakay ako sa motor ko at nagpakalayo-layo sa lugar na ito.

"Why?!" bulalas ko habang umiinom sa taas ng Dalfiya's bridge. Naaalala ko kung paano ko siya unang nakita, sobra ang pagiging mahiyain niya, "Tulong!" nakainom na ako at sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng tama ng ispirito ng alak sa aking katawan. "Hallucination" wika ko, "Tulungan niyo ko!" nakadinig ako ng mga yabag at tili ng isang babae.

Trixie's POV

"Tulong!" sigaw ko, isa akong servant sa angkan ng mga Walton, dito na ako lumaki sa St. Claire Academy na ngayon isa ng ghost town, andito pa din naman ang mga building at ang city pero ang school wala na, pakiramdam namin kinalimutan na kami ng mga Walton. Ng dahil sa kahirapan nagawa kong ibenta sarili ko sa isang matandang mayaman na manyak na ito sa halagang 2 million pesos, gusto kong ibalik ang dating Walton City sa dati nitong likas na ganda at anyo, at para sa pampagamot ng aking lolo at lola. "Tulungan niyo ko!" tumakas ako sa manyak na iyon at tumakbo pabalik sa St. Claire, sino tutulong sa akin sa lugar na ito, katapusan ko na. "Wala ka nga takas Trixie akin ka na" wika ng matandang manyak na ito, "Mr. Gordon, please, ayaw ko na hindi ko na ipinagbibili sarili ko" isang impact ang nagpatigil kay Mr. Gordon at sa mga tauhan niya na lumapit sa akin, galing siya sa taas, isa siyang Walton, nanlaki mata ko at napapikit ng makitang napipino ang mga ito. "Ang ingay nakakainis" napatingi ako sa lalaking nagligtas sa akin, kung tama ako siya si Young Master Kalyx, yumuko ako. "Young Master" nanatili akong nakayuko sa takot na gawin niya sa akin ang ginawa niya kila Mr. Gordon. "Ikaw alipin, bakit ka nagpapapasok ng ibang tao dito" naramdaman ko paglapit niya sa akin at hinawakan niya ako sa braso at iniangat mula sa pagkakayuko. "Patawad po, dito po ako dinala ng instinct ko" bawal kaming tumingin sa aming mga master kaya nakayuko at pikit ako. "Bakit hindi mo ako tignan hah?! Dahil ba sa nagsisinungaling ka" tinignan ko siya sa mata at napatigil siya, "Hindi po ako nagsisinungaling Young Master"  napalunok ako kasi tinititigan niya ako, "Your eyes" asul na asul ang mga mata ko taliwas sa mata ng iba, itim ang buhok ko at dahil doon pinilit akong itago ng lolo ko sa madami, sabi ni Lord Giro, may abnormalities sa aking genes kaya blue ito. Napa-atras ako ng hawakan niya ang mukha ko, "I want your eyes" inilalapit niya mukha niya sa akin kaso hindi ako makalayo dahil niyakap na niya ang mga bewang ko. Nanlaki mata ko ng halikan niya ako, natulak ko siya at tumakbo papasok ng mansion ng mga Walton na abandunado na. "Let's play hide and seek" natakot ako sa sinabi niya, nagtago ako sa isang silid, na puno ng teddy bear at mga laruang pang lalaki. "Oh I remember this" pumasok ako sa wardrobe at kinubkob ang katawan ko. "Gotcha" nanlaki mata ko ng makita ko siya, binuksan lang niya ang wardrobe at nakiupo doon, "Sorry if I kiss you" uminom siya ng alak at nakatingin lang ako sa kaniya, bilang God alam kong hindi siya nalalasing ng ganung kasimple. "Am I too weak" tanong niya, hindi naman ako kumibo as a servant wala kaming karapatang kausapin nila. "I could read your minds, talk to me, I need someone to talk to" yumuko ako, "Lahat ng tao may kahinaan, kahit God ka sa katauhan mong iyan namumuhay ka pa rin bilang tao kaya may kahinaan ka pa din" sinandal niya ulo niya sa mga hita ko, "Tama ka" doon ko naramdaman ang pag-iyak niya. "Naging mahina ako ng mahalin ko siya" yumuko ako, broken hearted pala siya" dahan-dahan kong inilalapit ang kamay ko sa ulo niya at hinimas iyon. "Sige lang po umiyak ka lang po" wika ko.

Kinaumagahan

Kalyx POV

Nagising ako ng dahil sa ringtone ng cellphone ko. "Nasaan ka?!" boses ni Mama, "Ma teka" bumangon ako at inilibot ang mata ko sa luma kong silid sa dati naming mansion. "Nasa St. Claire ako," napansin kong nakapantulog ako at nasa kama ako, "Sige umuwi ka agad we need to talk" pinutol na ni Mama ang conversation namin. Bumangon ako at nakaamoy ng may nagluluto. Bumaba ako sa hagdan at tinungo ang kitchen. "So isa ka ngang servant namin" nakamaid dress na yung babaeng tinulungan ko kagabi. "Young Master," yumuko ito at ibinaba sa table ang pagkain."Sino nagpalit ng damit ko?" nakayuko ito at pumasok ang isang matandang lalaki. "Ako po Young Lord" tumayo ako at nagmano sa matanda, "Tatang Selyo" tinignan ko yung babae, "Anu pangalan mo" tanong ko habang kumakain ng hinanda niyang bacon french toast at gatas. "Trixie po" tinititigan ko siya, "You will work for me starting today, as my personal maid" napagitla siya at si Tatang Selyo, "You will move with me sa mansion at papasok ka sa school ko, kabayaranyan sa pagtulong ko sayo kagabi" tumungo muli siya at lumakad. "Kukunin ko lang po gamit ko"  tinignan ko si Tatang Selyo, "She looks like a living doll, its not safe for her to be here with you Tatang" wika ko, "Salamat Young Lord, natatakot nga kami minsan kasi may mga nakakapasok dito na mga magnanakaw buti na lamang at si Trixie ay isang night guard, kaso dahil tao lamang kami, hindi maiiwasang may kahinaan siya bilang babae. "Handa na po ako" tinignan ko siya at tumayo na mula sa hapag, tinungo namin ang aking motor at sumakay ako doon, "Hop in" sinuotan ko siya ng helmet at hinila ang kamay niya papayakap sa akin, "Oh" bulalas niya.

Sa mansion, kinausap ako ng aking Mama. "Are you okay?" tanong sa akin ni Mama, yumakap ako sa kaniya at umiyak "Ma ang sakit," hinihimas ni Mama ang likod ko at ulo. "Tahan na, ang pag-ibig talaga kapag hindi napapanahon masakit kung makasugat" hinalikan niya ang pisngi ko at ngumiti "Dinala mo pala si Trixie dito" kilala ni Mama siya bakit ako hindi ko siya kilala. "Personal maid ko na siya ma, niligtas ko siya kagabisa mga goons," tinignan ako ni Mama, "I remember nung una mo siyang makita sa Walton city, you asked me if she is an angel" napakunot noo ko, "I don't remember that" tinignan ko si Trixie na nakikipaglaro kila Ayesha. "Payag ako na maging maid mo siya, basta huwag mong gagamitin ang kaniyang pagiging inosente sa paghihiganti mo kay Heart" kumunot noo ko, "Why would I do that?" ngumiti si Mama, nabasa ba niya naisip kong gawin kay Trixie. I want Heart back and I know she will felt sorry to see me with this living doll. "Good I am trusting you" ngumiti ako at lumapit kila Ayesha.

"Ikaw maliligo na ako papasok, kaya ihanda mo na pampaligo ko at uniform" tumayo ito at lumakad. "Kuya where is Ate Heart?" napabuntong hininga ako sa tanong ni Ayesha. "She will never come back" lumakad na ako.

HEROIC (Book 4) UnitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon