Chapter 74: Lost Love

21 1 0
                                    

Trixie's POV

Nagmamadali akong makapasok, halos isang buwan na akong naninirahan sa sarili ko, bulungan nga sa campus na pinalayas ako ng mga Walton, pero pinagtanggol ako ni Ayesha, at sinigaw na ako ang nagdesisyon na umalis sa palasyo nila. Isang buwan ko na ding hindi nakakausap si Master mainam na iyon kesa makausap ko siya baka bumalik lang nararamdaman ko sa kaniya. "Trixie, aba wala pang bell andito ka na" bati sa akin ni Peter, katrabaho ko siya sa bar as waiter, at assistant din siya sa school library, lagi na nga kaming magkasama, kaya ang bagong tsismis si Peter ang bago kong boy friend, haaayyggg hindi ba ako titigilan ng mga tsismosang ito. Pumasok sila Master Kalyx sa room, huminto siya sa harap ko, pero ako nagbabasa lang ng libro, hindi siya nagsalita at umupo lang siya sa may likod. "Trixie, kumain ka na ba?" tanong ni Master Tony, "Ahhhhh" napaisip ako, "Hindi pa pala ako kumakain since kagabi Peter" natawa si Peter at inabutan ako ni Tony ng mansanas, sandwich, at gatas na nasa tetra pack. "Extrang baon ko baka gusto mo"wika ni Tony, ngumiti ako, "Okay lang po ako Master, may baon po ako" isang biskit ang binubuksan ko, "Tsk" nadinig kong palatak ni Master Kalyx, "Kunin mo na ito, pumapayat ka na Trixie, baka mag-alala si Lady Ayanna kapag nagkita kayo sa hallway." napatigil ako, at kinuha ang pagkain.

Kalyx POV

"Ayan kinuha na masaya ka na kamahalan" wika ni Tony sa isip ko, hindi lang ako kumibo at nagbukas lang ako ng libro. Tinignan ko siya habang masayang nakikipag-kwentuhan sa Peter na ito, gusto kong umupo sa tabi niya at paalisin si Peter. Mukha naman akong kontra bida. Matapos ang klase, magkasama sila ni Peter sa lunch, napakunot na noo ko, "Ayesha si Ate Trixie mo ayain mo dito" wika ko sa kapatid ko, minsan naman maging kapaki-pakinabang ang pagiging spoiled mo, wika ko, "Ate Trixie, sabay tayo" ngumiti si Trixie at nang makita ako, ngumiti ako sa kaniya, "May kasama na ako, sige na kumain ka na doon" nagbaba ako ng tingin ng tumanggi siya kay Ayesha, talagang iniiwasan na niya kami. "Hindi mo na ba ako love?" natigil ako, ayos spoiled brat on the lose, pahikbi na si Ayesha, nang tumayo si Trixie dala lunch box niya at umupo sa table namin, iniwan niya si Peter. "Anu ba yang baon mo ate, share tayo" wika ni Ayesha, nakatingin ako sa kaniya, "Ahhhh egg carrot omelet lang ito" nanlisig mata ko sa nadinig kong ulam niya, pang-agahan iyon, nilagyan ko ng steak at broccoli ang baunan niya, natigil naman sila sa ginawa ko, "Kumain ka na, pinababayaan mo sarili mo" wika ko, tumungo siya.

Kinagabihan....

Nasa bar ako pero walang nakaka-alam, umakyat sa stage si Peter at tinawag doon si Trixie, "Men let her go, hayaan mong maramdaman niyang may magmahal at magbigay importansiya sa kaniya" wika ni Marcus sa isip ko. "Paano kung saktan lang siya ng mokong na ito" wika ko sa isip, "Mabait si Peter, and he will never do that, dahil si Trixie ang magiging first GF niya," umirap ako, alam ko namang hindi siya sasagutin ni Trixie,"Will you be my girl?" ngumiti si Trixie, "Yes!" napatayo ako sa gulat at napatingin sa akin ang mga tao, "Si Lord Kalyx" nagbow ang lahat, maliban kay Trixie na nakatingin sa akin, "Congratulations" wika ko at lumabas na ako ng bar, bakit kumkabog dibdib ko parang sasabog siya, makirot at masakit. Pumikit ako at kinontrol ko ang imosyon ko sa nasaksihan ko. "Masakit ba men" wika ni Nathan, "Mahal mo na siya hindi ba?" wika ni Marcus, aaminin sa isang buwan na wala siya sa kwarto niya sa palasyo ako natutulog, yakap ang unan niya at inaamoy ito, sa school, I was always hoping that she will look on my way so I could say Hi or kamusta to her, but she never does. Lagi ko ding hinihintay tawag niya sa cellphone ni Ayesha at makikikinig ako sa usapan nila, just to hear her voice. I miss her so much that I do not want to let her go again, this time I am sure to my feelings she is what I need to my life. Pero huli na, she is happy with someone else now, and me forever loosing her.

Trixie's POV

Bakit nandoon siya? Wika ko sa sarili ko habang hawak kamay kaming naglalakad ni Peter, sinagot ko siya kasi mabait siya at nauunawaan niya ako. Nauuna siyang maglakad sa akin habang magkahawak kami ng kamay ng maisip ko si Kalyx siya, pumikit ako at huminto, bakit ko siya iniisip? Tinignan ako ni Peter, "Si Lord Kalyx ba?" napatingin ako kay Peter, "Hindi, naiisip ko kasi anu ba nagustuhan mo sa akin" pagsisinungaling ko, ngumiti siya at niyakap ako. "Hindi dahil sa maganda ka Trixie, dahil kamahal-mahal ka" nangiti ako at niyakap ito, "By the way kanina sa school nalaman kong may mga lihim na lagusan pala sa palasyo ng mga Walton" wika niya, ngumiti ako, "Oo, madami tinuro nila ang ilan sa mga iyon pero sabi ni Lord Kalyx madami pa din" pagkukwentuhan namin, habang magkayakap sa bewang na naglalakad. "Talaga, ayos hah sabi doon sa kibro ang pinaka sikat yung secret passage daw sa silid aralan ni Lord Giro, kasi may apat na tunnel yun na ang kalalabasan mo sa garden ng palasyo, yung isa sa" "sa likod ng kusina, yung 2 hindi ko na alam, bakit interested ka sa secret passage nila?" tumawa siya, "Hindi naiisip ko lang malaki na yung palasyo may secret passage pa" natawa ako sa joke niya at natigil kami nang biglang may sumabog sa palasyo ng mga Walton, "Anu, napasok tayo?!" wika ni Peter, tumakbo ako at si Peter papunta sa gate ng palasyo. "Peter hintayin mo ako dito" hinawakan niya ako sa braso, "Look" pinalibutan ng mga sundalo ng bayan ng Moros ang palasyo. "Moros bakit?" wika ko, "May rebeliyon sa bayan ng Moros matapos ipakilala ang kanilang batang hari, ayaw nila na magkaroon ng parlamentaryong pamumuno sa bayan nila" wika ni Peter, "How do you know" wika ko, "Isa ako sa kanila" nagulat ako ng hilahin niya ako at tumapat sa guard, pinapasok kami at tinutukan niya ng espada sa leeg ko. "WALTON! Subukan niyong lumaban o gamitan kami ng kapangyarihan niyo, o pupugutan ko ang babaeng ito" itinaas niya ang leeg ko at bahagyang sinugatan, "Aaahhhhhhh" sigaw ko mula sa hapdi ng hiwa na iyon, "Hayop ka Peter!" ngumiti siya, "Sinadya ko ang lahat para sa oras na ito" lumabas si Piero mula sa pintuan ng bulwagan, presko na parang walang nangyayari, "King Piero" ngumiti ito, "So you still had the guts to call me King" sinabunutan ako ni Peter, "Aaaahhhhh" hiyaw ko sa sakit ng pagsipa niya sa binti ko para lumuhod. "Babae lang ba kaya mong sugatan" napalingon siya kay Kalyx, na nakatayo sa likod namin, "Mali ka ng sinasaktan Peter, kung ako sayo at sa mga tauhan ko, aatras na lang ako, kasi ni anino niyo hindi kayo makakapasok sa palasyo mismo" wika ni Kalyx, "Yang bihag mo, hindi mo yan mapapakinabangan, take me instead" nanlaki mata ko at nilingon si Kalyx, ngumiti siya sa akin, "No!" wika ni Peter, "alam ko na ito, tapos gagamitan mo kami ng kapangyarihan niyo, well kung siya hawak ko hindi kayo magdadalawang isip sa pagagawa namin" inilabas ni Kalyx ang gun sword at gun slinger niya, "Kalyx!" hinila lalo nito ang buhok ko kaya lalo akong naiiyak sa sakit ng leeg ko na may dugong umaapaw mula doon at sa sabunot niya na parang nagiging dahilan para lumaki ang sugat sa leeg ko. "Trixie!" "Peter! Pakawalan mo siya!" wika ni Ayesha, "Nakakainis" wika ni Kalyx, "Let me handle this" tinignan nila si Lord Giro, "What do you want?" kalmadong tanong niya, "Ibalik ang pangangalaga sa bayan ng Moros sa aming mga bandido" umupo sa isang bakuran na sementado si Lord Giro, "If I wilk do that will you release her?" tinignan ako ng sira ulong ito. TumawA iyon at tumingin kay Kalyx, "If I will release her will you do what I want" ngumiti si Lord Giro, "I'm Lord Giro you had my word" tinignan niya ako at si Kalyx, "No I will take her until the day na mapasa mo ang decree na mapupunta sa pangangalaga namin ang Moros" yumuko si Lord Giro, "Okay then you make me do this" pagpitik ni Lord Giro, naging pino si Peter at mga kasama nito, "Trixie!" mabilis akong nasalo ni Kalyx at pinatakan ng tubig mula sa fountain ang leeg ko. "Okay na po ako" wika ko.

HEROIC (Book 4) UnitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon