Chapter 49: Lost

17 2 0
                                    

Trixie's POV.

Sa school laging magkasama si Master Kalyx at Miss Heart, madami ang natutuwang magkasama sila, at lahat sila sinasabi na bagay silang dalawa, totoo naman yun, nakatayo ako lagi malapit sa kanila dahil kapag may kailangan si Master hinahanap pa niya ako kapag nasa malayo ako. "Trixie yung bag ni Kalyx" wika ni Ms. Heart. Mabilis ko iyong iniabot at nagpasalamag siya, mabait si Ms. Heart, at maganda, mayaman din siya kilala sa lipunan ang mga magulang niya, kaya siguro madali siyang nagugustuhan ng lahat. Kapag break time pinapayagan ako ni Master na magliwaliw. Nasa ilalim ako ng puno nagbabasa ng libro, nang lapitan ako ni Ayesha. "Ate Trixie I bring you this" isang rose iyon, "San mo nakuha yan" tumuro siya sa may garden at tinabihan ako. "Ate Trixie, kung magiging asawa ka ni Kuya boto ako" naubo ako sa sinabi niya at natawa, "Si Ms. Heart ang minamahal ni Master Kalyx, at isa lamang akong alipin mali na magustuhan namin ang isa't isa" kumunot noo ni Ayesha. "That's not fair!" natawa ako at tinawag na siya ni Mikylla at Hershey na mga pinsan niya. "Coming see at home ate" tumakbo na siya pababa ng hill at naiwan akong nagbabasa muli. "Hi" tinignan ko ang bumati sa akin, "Hello?" tinignan ko ang paligid ko, "I'm Fritz" inilahad nito ang kamay sa akin at nakipagkamay naman ako. "Trixie right from class A yung personal maid ni Lord Kalyx." tumungo ako at ngumiti, "I always see you, but you do not talk a lot" wait always see me, siya ba yung matang laging nakatingin sa akin. "Fritz sorry pero I should not talk to you" ngumiti siya, "I know, sorry" ngumiti ako at nakita ko si Master na nakatingin sa amin, kaya tumayo ako at lumakad papalapit sa kanila ni Ms. Heart. "See you around Trixie!" napatingin ako sa kaniya at kay Master, "Aba Trixie mukhang type ka ni Fritz hah" asar sa akin ni Master Tony. "Layuan mo siya, kilalang chickboy si Fritz" tumungo ako sa sinabi ni Master Kalyx, "Ikaw naman insan minsan naman pakausap mo sa iba itong maid mo baka napapanis laway niya" nangiti ako sa sinabi ni Master Tony, at natawa nang tignan siya ng masama ni Master Kalyx ay nagtago siya sa likod ko. "Ikaw naman hindi ka mabiro" wika niya kay Master. "Oo nga Kalyx hayaan mong may makausap na iba si Trixie" wika ni Ms. Heart at ngumiti ako na sang-ayon ako sa sinasabi nila. "Fine pero huwag sa Fritz na iyon" tumungo ako, finally I could talk to anyone except sa Fritz na iyon.

Nung uwian pinauna na akong pauwiin ni Master Kalyx kasi may date sila ni Ms. Heart, naglalakad ako papalabas ng huminto ang kotse sa harap ko, "Hi Trixie!" si Fritz ulit iyon. "Sorry Fritz ayaw ka kasing pakausap sa akin ni Master Kalyx" wika ko at sige muli ako sa lakad pero sinusundan ako ni Fritz. "Humor lang ang alam ni Kalyx I am not here to harm you okay I am here to be friends with you" tinignan ko siya, "Isa pa anu ba magagawa ko sayo tao lang ako" napa-isip ako, "Dapat before 6 nakauwi na ako sa bahay" tumungo siya, "Absolutely" binuksan niya ang passenger seat ng kotse niya at sumakay ako

Kalyx POV.

Nasa isang bar kami, umuwi na si Heart kasi hinahanap na daw siya ng dad niya, "Nathan" bati ni Tony dito, "Guess who I saw with Fritz" tinignan ko ang pinsan ko, "Si Trixie" kumunot noo ko, "She disobey me" inawat ako ni Marcus, "May feelings ka ba kay Trixie you sound jealous" wika ni Marcus tumawa ako, "She is only my maid my concern here is like a brother," napatigil ako nang makita si Trixie sa likod ni Marcus, kasama si Fritz, "I told you, hindi lahat ng pinakikita niya ay totoo, you are only a maid" papalapit ako kay Trixie nang tumayo siya at sinuntok si Fritz, "How dare you to talk to Master like that" napalunok ako, "Trixie" kinuha niya bag niya at tumakbo papalabas ng bar, at sinundan ko siya kaso wala na siya, nagteleport ba siya, hinanap ko siya sa isip pero may humaharang. "Concern ka sa feelings niya" wika ni Marcus at napatungo ako, "Baka masaktan ko siya" yumuko ako, "Nasasaktan mo na siya" wika ni Tony, you need to let her go, ibalik mo na siya kila Tatang Selyo," tinignan ko si Marcus, "I can't ayaw kogn gumising sa umaga na hindi ko siya nakikita" nasapo ni Nathan ulo niya, "Magulo yan cous I swear" wika ni Tony at sumakay na ito sa sports car niya. "Trixie is pure you shoukd not play to what she had for you" lumakad ako patungo sa motor ko at sinuot ang helmet at hinanap ko na siya.

Trixie's POV

Only my maid, paulit-ulit iyon sa isip ko, nilalaro ko ang mga buhangin at nagpahid ako ng luha ko. "Maid" yumuko ako at umiyak, doon ko naramdaman ang dagat ay lumalakas ang alon. Tumigil ako at nadinig ko ang pamilyar na tunog ng motor, "Sabi na nandito ka lang" nilingon ko siya at yumuko. "Tara na umuwi na tayo" hindi ako kumibo at tumingin lang ako sa dagat. "Trixie!" nanatili akong tahimik na parang walang nadidinig. "Anu ba!?" tinignan ko si Master nang hawakan niya ang kaliwang braso ko. "Please Master mauna na po kayo susunod po ako sa Mansion" hinila niya ako, "Anu na naman bang drama ito hah" wika niya habang hila hila niya ako, "Patawad po" wika ko tumigil siya, "No I should say sorry" yumuko ako at naiyak. "Alam ko naman po na kaya ayaw niyo panpo akong ibalik kila Amang kasi gusto niyong magain ang full ability niyo thru fruitful day" tinignan niya ako, "Hindi kita pedeng ibalik kay Amang kasi patay na sila" natigil ako sa pag-iyak, at umiling sa nadinig ko, "Master nagbibiro ka hindi ba?" seryoso siya at nakayuko, hinila ko ang polo niya, "Master please nagsisinungaling ka!" inaalog ko siya pero wala siyang kibo. "Nung araw na nagwala ang Light Queen isa sila amang sa mga inatake ng monsters niya" napatigil ako at lumuwag ang pagkakakapit ko sa polo niya, unti-unting nanghihina ako at napaluhod habang sige sa paghikbi, "Hinde!" sigaw ko kasabay nito ang mga tubig sa dagat na nagiging ipo-ipo, "Hindi totoo yan amang!!! Inang!!!" lumuhod si Master at niyakap ako, "Trixie stop that, I'm here" umiiyak ako at nakaramdam ako ng pagka-antok.

HEROIC (Book 4) UnitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon