Chapter 1: Where?

357 9 0
                                    

Kalyx Gin M

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kalyx Gin M. Walton

Huminto ang isang mountain bike sa tapat ng isang marangyang mansion....
Kalyx POV
FINALLY....pinasok ko muna yung bike ko sa loob ng bahay namin, wow bahay, e kung titigan ito ng mga tao sa labas kala mo ngayun lang nila nakita ito. Well it's me Kalyx the only son of Ayanna and Giro, ten years na ba? Huminto ako sa may tapat ng main door. "Young Master" tinignan ko ang aming kasambahay, "Hi po manang" ngumiti ako sa kaniya, hindi talaga ako sanay na tawagin niyang young master.

I'm 15, and my mom keep treating me like I'm 5 years old. Pumasok ako sa bahay at siyempre nakita ko si Mama nakaupo sa may receiving area at nagbabasa ng libro. "Hi Ma" nilapitan ko siya at bineso, ngumiti ito at sinara ang binabasang libro, tinignan ko kung sino ang writer, "Margarita Beatriz Bayani?!" bulalas ko, nangiti si Mommy at tumayo, "Kumain ka na ba nak?" sumunod ako sa kaniya sa kitchen at umupo sa isang stall chair malapit sa dining table. "Si Ate Maggie writer na Ma?" binaba ni Mama ang paborito kong meryenda sa lahat, ginataang bilo-bilo, "Love you Ma" umupo siya sa tapat ko at kinurot ang ilong ko. "Yeah Maggie writes now, guess what may business na siya bukod sa pagsusulat, kakadaan lang niya sa HQ to check him" biglang may paglungkot sa boses ni Mama. I admit for the past 10 years hindi nila magawang magising si Oliver, dahil nagmamatigas ang ama nito na si Apollo, don't worry hindi namin siya binubugbog, naka-house arrest siya, kapal di ba sa lahat ng bihag siya yung feel at home sa amin. Sumubo ako ng ginataan "Kalyx where is your sister?" napatigil ako sa pagkain at tumingin kay Mama, patay naiwan ko ba sa school si Ayesha. "Mama!" nilingon ko ang demonyita kong kapatid na bunso. "Yoh stupid brother" babatukan ko sana kaso napatingin ako sa Mama ko na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin habang nagsasandok ng meryenda ni Ayesha, kumamot na lang ako ng ulo.

"Iniwan mo kapatid mo sa school" wika ni Mama at may tonong nanenermon na. We both go to a private school na malapit sa lugar namin, tuluyang pinasara ni Dadads ang St. Claire, because according to him we had other businesses that needs his attention, kung si Mama naman ayaw maghawak ng school at ang gusto maging hands on sa amin ni Ayesha at Ate Quinn, are you asking where is my Ate? Well mamaya mamimeet niyo din siya.

"Kasi ang tagal nilang palabasin Ma" paliwanag ng kuyang defensive, iniwan ko siya kasi may pinuntahan kami nila Marcus. "Naku Kalyx kilala kita, san ka talaga galing?" napangisi ako, lakas talaga ng radar ng Mama ko, "Sinamahan namin ni Marcus si Anthony sa date niya" naniningkit na naman mata ni Mama, "Kung saan man yan, I trust you na wala kang ginawang masama, pero nak ang iwan ang kapatid mo sa school for almost An hour, baka nakakalimutan mo ang responsibilities mo as kuya" napakamot ulit ako ng batok ko at tumayo sa upuan at niyakap si Mama, alam kong nainis siya sa ginawa ko. "Ma sorry" tinignan ako ni Mama at kinurot sa pisngi. "She is only seven, Kalyx, buti sinundo ko siya kasi I've got the feeling na wala siya sa school iyon pala si Kuya ang wala" ngumiti ako at hinalikan ang pisngi ng mama ko, pahamak ka talaga Anthony. "O siya basta next time tell me, if aalis kayo para masundo ko si Ayesha" tumungo ako at hinalikan ulit si Mama, I really love you na Ma.

HEROIC (Book 4) UnitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon