Chapter 48: Enigma Part 2

20 2 0
                                    

Kalyx POV

"Ako!?" pabalang na pagbabalik ko ng tanong sa Light Queen. "Yes, ikaw, nasasaktan si Heart nang makitang binabalewala mo siya kapalit ng isang babaeng katulong." yumuko ako, "May Drake na siya" tinignan ako ni Mama at hinawakan sa kamay. "Si Drake ay isang artista, alam mo bang pinilit lamang ng daddy niya si Heart na makipanaig kay Drake upang hindi mabuksan ang kapangyarihan mo dahil walang nakakaalam kung gaanong kalakas na kapangyarihan meron sa loob mo" napa-close fist ako sa nalalaman ko, "Kalyx" tawag sa akin ni Mama, "Mahal ko si Heart Ma" tumulo ang luha ko sa nalaman ko, at alam kong mahal niya ako. "At dahil naiinis ako sa mga half god tignan mo sino ang kasama ko" nanlaki mata ko nang makita si Trixie na walang malay, "Masaya ako nang dahil sa kaniya nakawala ako, pero ang isang half god ay nakakasuklam na nilalang" "Trixie, nasaan si Ayesha!" sigaw ni Mama, "Matalino ang anak niyo, nakatakas siya at malamang hinahabol ng alagad ko somewhere" tumungo si Mama, "Giro you heard her" "I've got it papunta na ako kay Ayesha" wika ni Dadads sa isip namin. "At ang pakielamera kong kapatid" tinignan namin si Tita Thea, "Trixie! Gumising ka nga!" ngumiti ang Light Queen, "She cannot because you need to choose Kalyx, this girl or be with us" naging si Heart ito pero ayaw ko ng ngiti niya. "Heart" ngumiti ito at pinasukan ng itim na usok ang katawan ni Trixie. Binitawan niya si Trixie, pabagsak sa lupa ang katawan nito kaya tumakbo ako para saluhin ito. "Trixie!" inaalo ko ang katawan niya. "You care too much for her, kaya namuo ang galit sa puso ni Heart" tinignan ko ang Light Queen, ngayon kalabanin mo ang babaeng naging dahilan ng pighati ng minamahal mong si Heart. "Ako bahala sa Light Queen, ikaw kay Trixie" wika ni Tita Thea sa akin, at naging si Dark Queen ito at lumipad.

Dumilat si Trixie, at ang asul na mata ay kulay pula, "Trixie?" napalunok ako ng umangat ang tubig at walang emosyon na tumayo siya, nakatingin siya sa akin pero wala ang malalamyang mata at matatamis niyang ngiti, umatras ako ng hagupitin ako ng tubig. "Tsk" palatak ko ng tamaan ako nito sa balikat ay nasugatan ako. Inikagan ko muli ang tubig at inilabas ang gun sword ko. "Trixie gumising ka nga!" wika ko, pinipilit kong pasukin ang isip niya kaso may humahadlang at ang Light Queen iyon. "Hahahahaha mahirap ba siyang kalabanin o nahihirapan ka kasi may nararamdaman ka na sa kaniya" napatigil ako, anu ba sinasabi niya. "Si Heart lang ang minahal ko, si Trixie is like a younger sister to me" tumigil si Trixie sa pag-atake at tumulo ang luha niya, "Mukhang mahina ka pa Light Queen" wika ko sabay pasok sa isip ni Trixie, umuulan sa loob ng isip niya at nakita ko ang nakahigang Trixie, wearing a greek goddess dress, "Ayos lang siya" nilingon ko ang nagsalita, at tinutukan ito ng sandata. "Poseidon" wika ko, "She likes you Kalyx not as a brother or master, she is hurt to hear those words, pero andito ako para alisin ang monster sa isip niya kaya alam kong paggising niya hindi madali tanggapin ang mga nadinig niya." nawala na si Poseidon, at lumabas ako sa isip ni Trixie, nilapitan ko siya, "Trixie!" tawag ko sa kaniya, "aaaahhhhhhh" napalingon ako kay Heart, at nakita kong nilalabanan niya si Light Queen tumakbo ako patungo kay Heart at sinalo ito, "Heart!" niyakap ko ito at hinagkan sa labi.

Trixie's POV

Yumuko ako nang makita ko na hagkan ni Master Kalyx si Heart, tumayo ako at lumakad, "Trixie! Ayos ka lang hija?" tanong sa akin ni Lady Ayanna, "Masakit po ulo ko, pero ayos po ako, si Miss Heart po ata hindi" tumakbo si Lady Aya kila Master Kalyx, at ako lumakad ako papalayo sa lugar na iyon. Iika-ika kasi sa tama ng bakal nung tumama ang kotse na dinadrive ko sa isang poste, umupo ako sa isang upuan at naisip ko ang mga sinabi ni Master Kalyx, "Ahhhh" mahinang bulalas ko sa kirot sa tagiliran ko. "Si Ayesha!" bigla akong tumayo nang maalala ko ang young Lady. Pero napaluhod ako sa sakit ng tagiliran ko. At dumilim na ang paligid ko.

Kalyx POV.

Hinanap ng mata ko si Trixie nang masigurado kong maayos si Heart, wala siya sa pinag-iwanan ko at nanlaki mata ko nang mapansin ko ang mga patak ng dugo. "Kalyx sugatan si Trixie sabi ni Ayesha tinulak siya ni Trixie palabas ng kotse bago mabunggo sa poste ang kotse" tumayo ako at mabilis na sinundan ang tulo ng dugo, nakita ko siya walang malay malapit sa isang fountain at na-amaze ako na makita kung paano siya pagalingin ng tubig. "Trixie" tawag ko sa kaniya, umubo siya ay lumapit ako sa kaniya. "Ayos lang po ako Master" umupo na siya at inialis ang kamay ko sa braso niya, "Si Miss Heart po ayos lang po ba siya" tumungo ako, hindi ko alam ang sasabihin ko sa nalaman ko na gusto niya ako mula kay Poseidon. "Sige po kukuha po ako ng sasakyan" lumakad na siya, napapikit ako, bakit ba wala akong sinasabi. Nakita kong gising na si Heart at nilapitan ko ito para alalayan. "Kalyx!" niyakap ako nito at ganun din ako sa kaniya, "Lady Ayanna" napatingi kami kay Trixie na bumaba sa itim na montero ni Tito Aki. "Tara na" wika ni Mama kaya sumakay kami sa Montero, katabi ni Mama sa passenger seat si Trixie. Hi di ako nagsasalita kasi yakap ko ang natutulog na si Heart. "Trixie ayos ka lang ba hija" nakita ko sa rear view mirror na tumungo siya. "Opo Lady Ayanna, ayos lang po ako"

Hanggang sa Mansion tahimik si Trixie at si Tita Thea at kinalabit ako, "Ikaw na pogi" napapikit ako at binuhat si Heart. "Ihahanda ko na po ang kwarto" tumakbo si Trixie para tulungan ako kay Heart, "Trixie salamat" hindi siya nagsalita tumungo lang siya at lumabas na ng silid ko. Matapos kong maka-idlip nakaramdam ako ng gutom, tulog pa din si Heart sa sobrang pagod niya, hinagkan ko ang pisngi niya at bumangon.

Pagbaba ko sa kitchen, nadidinig ko sa labas na may humihikbi. Doon ko naisip ang boses na iyon ay kay Trixie. "Bakit ako pa?" nadinig kong wika niya, "Bakit ako nagkakagusto sa kaniya?" "Mali ito" hindi na ako lumapit pa sa kaniya at pinakinggan ko siya habang naglalabas siya ng nararamdaman. "Alipin ka lang anu ba iniisip mong magugustuhan ka niya sa panget mong iyan, anu ba laban mo sa kaniya" hindi ako muli kumibo at nalukungkot ako na ganun nadidinig ko sa kaniya, bumukas ang pinto at napatigil kami pareho sa isa't isa, nagpahid siya ng luha, "Master" natutuwa ako na kahit anu pa nararamdaman niya nahaharap niya pa din ako, "Nagugutom kasi ako" natataranta siyang nagbukas ng ref at naglabas ng lasagna, "Teka wala yan sa ref nung naghahanap ako" ngumiti siya, "Ahhh tinago ko po kasi alam kong favorite niyo po ito" binuksan niya ang microwave at pinainit ang pagkain, nakatayo siya malayo sa akin habang nakayuko, "Sigurado ka na bang walang masakit sayo?" tumungo siya at maya-maya pa ay tumunog na ang microwave, "Mainit yan" wika ko, ngumiti siya, "Opo alam ko po" ngumiti ako at pinaghain na niya ako ng pagkain. "Kung matatapos po kayo, pakilagay na lang po sa lababo matutulog na po ako" tumungo ako at tinignan ko siya, "Trixie salamat" napahinto siya pero hindi na niya ako nilingon, nakaramdam ako ng lungkot sa parte na iyon, iiwasan na niya ako malamang.

HEROIC (Book 4) UnitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon