Chapter 44: Vacation Part 2

20 1 0
                                    

Kalyx POV

Nakatayo ako sa may balcony ng bahay nila Mama, simple lang ang bahay ito, may 3 kwarto, isang comfort room sa baba at maliit na kusina simple lang din ang mga gamit, pero ang nagustuhan ko may wifi. Pinagmamasdan ko ang subdivision mula sa taas at kumakaway sa akin ang grupo ng mga kabataang babae, nangiti lang ako at nakita ko si Trixie, kasama niya si Ayesha nadinig kong galing sila sa playground, napakunot noo ko nang makita ko itong mga kumag na lalaki na nakasunod sa kanila. "Tsk" bumaba ako at sinalubong sila sa daan. "Kuya!" tumakbo si Ayesha at niyakap ako, nilapitan ko si Trixie at niyakap nagulat siya maski ang mga lalaki na nakabuntot sa kaniya. Tinignan ko sila at nangiti sa nakita kong dismayadong pagmumukha nila. "Next time if lalabas kayo tell mr, madaming loko dito" wika ko, tumungo si Trixie "Why you need to hug Ate Trixie?" ngumiti ako, "Para malaman nila na Trixie was already taken" naglakad kami, "By who?" tinignan ko ang kapatid ko, "By you Kuya?!" gulat na usal nito, kinurot ko ang pisngi niya at lumakad. "Ate Trixie huwag kang magkaka-crush sa kaniya he is so weird" napangiti ako sa bulong na halos dinig ko naman. "Sige sabi mo e " napatigil ako sa pag-sang-ayon niya.

Bumalik kami sa bahay at nakita ko si Mama at Dadads na nagpepreprare for our dinner, tumulong sa kanila si Trixie at nakikigulo ako. "So what's for dinner?" tanong ko, habang nasa mesa at nakikitingin sa hinihiwa ni Trixie na carrot. "Menudo daw sabi ni Lady Aya" masayang wika niYa, ngumiti ako kasi napaka-simple lang ng ngiti niya nagagalak na ako. Napatigil ako ng magtali siya ng gabewang na haba ng buhok niya, to be honest it is a turn on to see her doing that. "Kuya baka matunaw si Ate Trixie" nilamutak ko mukha ni Ayesha at nainis ito kaya tinapakan paa ko, "Aray!" akmang kukutongan ko siya ng tumakbo ito sa kusina. "Mama si Kuya babatukan ako tapos mama oh ginulo niya mukha ko" tumawa si Trixie at natigil ako, I love how she laughs, "What so funny" tanong ko sa kaniya, yumuko siya, "Sorry Master, ang cute niyo po kasi tignan ng Young Lady" lumapit sa akin si Dadads at binigyan ako ng stick-o, "San galing to Da?" tanong ko, "Binili ko sa labas," tinignan ko siya na nakatingin sa akin, "Ma I'll go upstairs muna," lumakad na ako at umakyat sa hagdanan.

Naisip ko si Heart, no I should stop thinking about her, bumukas ang pinto at nakita ko ang ulo ni Trixie at Ayesha, "Bakit?" wika ko sa kanila, "Kakain na daW po master" umupo ako sa kama, "Tayo mo ako tinatamad akong tumayo" itinaas ko kamay ko ay hinawakan niya iyon hilahin, hinihila niya ako habang nagpapabigat ako. Bigla akong tumayo ay napasubsob ako sa kaniyang balikat, halos madikdik siya sa pader sa kabiglaan. "Master!" bulalas niya, nangiti ako at natigil kasi sa lapit ng mga mukha namin. "Master kakain na daw po" ulit niya, ngumiti ako, "Tara" wika ko at tinignan ko ang mga asul niyang mata. ,"Mama si Kuya hinaharas si Ate Trixie!" natawa ako, "No she is lying!" tumakbo ako pababa ng bahay para sundan si Ayesha, "No Mama I saw him, this close to Ate Trixie!" may kasama pang kamay iyon to demonstrate how close I am to Trixie. "Kalyx!" ngumiti ako, "Ikaw sabing tigilan mo si Trixie, Hija sumabay ka na sa amin" napagitla siya ng ayain siya ni Mama sa hapag.

Pagkatapos kumain, ako nanghugas ng pinggan, at tinulungan niya ako. "Master, maliligo na po ba kayo after nito" napatigil ako at naisip kung sabay ba kami, umiling ako, "Hindi po kayo maliligo?" napa-iling ako, "Maliligo ako, maya maya" tumungo siya at napatigil ako ng matamaan ng siko ko ang dibdib niya, natigil kaming pareho. "Sorry" wika ko, napapikit ako sa kahihiyan. "Ayos lang po maliit po kasi ang space" ngumiti ako at binanlawan ang kaldero.

Pagkatapos kong maligo, umakyat ako sa kwarto ko, nakita ko si Trixie kasama si Mama na nag-aayos ng higaan ko, "Ayan nak, maayos na kama mo, si Trixie matutulog kazama ni Ayesha" tumungo ako ag kinuha ang suklay sa ibabaw ng side drawer ko. "Ma, wala akong kumot" nakita kong nilalagay nia Trixie ang kulay cream na kumot sa kama, "Ayan meron na po Master" binuksan ko ang aircon at humiga sa kama, "Mamaya ka na lumipat sa kwarto ni Ayesha, masakit balikat ko masahiin mo muna" tumungo siya at pumunta sa likod ko upang mamasahe. "Diinan mo pa" at naramdaman ko na ung press na gusto ko, "Haaayyyyy bigat kasi ng bag ni Ayesha" wika ko, nadinig kong natawa siya kaya medyo nilingon ko siya, "Hindi ba mabigat bag ko?" tanong ko sa kaniya, "It is my duty to serve you master, bawal po akong magreklamo as your maid" bumababa sa gitna ng likod ko ang kamay niya, "Haaayyyy dadapa na ako" humiga ako papadapa sa kama at minamasahe niya ako. "Kuya, what?!" napatigil si Ayesha nang makita niyang minamasahe ako ni Trixie, "Sorry" lumabas ulit siya at alam kong nahihiya siya na maistorbo ang aking pagpapahinga. "Master lagi po ba kayong nag-aaway ni Young Lady Ayesha" ngumiti ako, "Walang ibang pedeng mambully sa kaniya kundi ako" "Ang cute niyong tignan, anu po ba feeling ng may kapatid" naalala ko si Ate Quinn, masyado kaming close kaso kinasal sila ni Kuya Denzel, kaya ayun sila na laging magkasama, ito namang si Ayesha, minsan mabait madalas sumbungera kay Mama. "Masaya magkaroon ng kapatid, kaso kapag kailangan na nilang iwanan ang pamikya kasi bubuo na sila ng sariling pamilya nila doon mahirap, kasi yung nakasanayan mong kausap lagi mababawasan na iyon ng oras sayo" naramdaman ko ang pagtunog ng likod ko. "Ayan tama na okay na" wika ko at naramdaman kong tumayo na siya. "Bakit gusto mo ng kapatid?" ngumiti siya, "Kahit gustuhin ko po wala naman po akong magulang" natawa ako at tinignan ko siya, "Ate Trixie! Tulog na tayo!" ngumiti ako, "Maybe I could share mine" nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko at ngumiti siya in her most sweetest way. "Bago ka lumabas, come here" lumapit naman siya, "Yes Master?" inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, "I want you to threat Ayesha the sister you want to had" ngumiti siya at I cannot help it but to kiss her forehead, natigilan ako maski siya. "Ate Trixie! Labas ka na hayaan mo na si Kuya" ngumiti siya, "Thank you Master" binuksan niya ang pinto. "There you are" sinilip pa ako ni Ayesha, "Kuya tagal mo siyang palabasin may ginagawa kayo noh" naramdaman kong namula ang pisngi ko, "Wala may binibilin kasi ako sa kaniya" nakita ko si Mama na nakatingin sa amin, at nangiti, sinara ko na pinto ng kwarto ko. At humiga sa kama, "Share mine" ulit ko sa sarili ko at nangiti ako ng maalala ko ang expression niya, "She's more than an angel" bulong ko, "A Goddess" ngumiti ako at pumikit.

HEROIC (Book 4) UnitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon