David's POV
Si Elainne, ang kaisa isang babae na nagpapatibok ng puso ko. Best friend ko sya nung elementary palang kami. Siya ang first crush ko, at mahal ko hanggang ngayon. Nasasaktan ako at ayoko ng umasa. Mahal ko sya pero alam kong wala na akong pag-asa, kaya kailangan kong magmove on at subukang umibig sa iba.Sinamahan ko si mom para magpacheck-up sa Hospital. Nakita ko si Elainne na lumabas sa room kung saan ang doctor ni mom. Hindi ko sya pinansin kase baka mahalata niya na may gusto ako sa kaniya. Dumeretso na kaming pumasok ni mom sa room pagkatapos niyang magmano. Napansin ko na parang tinititigan niya ako. Ano ba to?! Nahahalata niya ba?! Tulongan mo'ko Panginoon.
Hayyy. Mabuti nalang isinara na ng nurse ang pintuan. Ano kayang ginagawa niya dito? Wala naman syang binanggit noon na may doctor sa kanilang pamilya. Ayy bahala na. Ang importante nakita ko sya. Ang ganda niya talaga. Ang tangos ng ilong niya tapos ang ganda ng mga mata niya, para kang matutulala pag makaeye contact mo siya. Ang bait niya at sobrang talino pa.
Huminto na ako sa pag-iisip sa kaniya nang may biglang tumawag sa phone ko. Si Erica, ang babaeng pinilit ako na maging kami. Ang babaeng hindi ko talaga mahal pero kailangan kong subukan para mapalitan na si Elainne dito sa puso ko. Pero hanggang ngayon di ko parin siya mahal dahil si Elainne talaga ang laman ng puso't isip ko. "Hello?! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko ha?! Buti nalang mahal kitaaaa bebe ko!" ang sabi ni Erica sa kabilang linya. "Sige na Erica, nandito pa kami sa Hospital ni mommy. Bye." ang sagot ko sa kaniya.
Wala ng ibang nakakalam kung ano talaga ang storya namin ni Erica kundi si Kaerill, ang kapatid ko. Siya kase ang best friend ni Erica kaya alam niya ang lahat. Gusto kong isigaw sa lahat ng maraming tao na mahal ko si Elainne, pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na, dahil takot ako. Takot ako na masaktan.
Don't forget to vote and comment! Thank you!
YOU ARE READING
Someday
Teen Fiction"Nagmahal ako sa isang tao na hindi naman ako kayang mahalin. Nagpakatanga ako para sa kaniya. Umasa ako na sana balang araw, makita nya ang worth ko. Pero parang hindi na yun mangyayari. May mahal na syang iba. Pipigilan ko ba sya kung sa iba sya l...