David's POV
Sa susunod na Linggo na pala ang klase namin. Ang bilis talaga ng summer. Aalis na kami ni Kaerill bukas at kailangan ko nang sabihin kay Elainne ang nararamdaman ko. Baka maunahan pa ako ng iba. Mamimiss ko talaga siya. 6 years kami doon mag-aaral sa International School of Athens. 6 years din kaming di magkikita. Kaya kailangan ko ng sabihin sa kaniya.Elainne's POV
Umaga na pala. Kailangan ko ng maligo dahil pupunta kami mamaya sa Hospital . Pagkatapos kong pumunta sa Hospital, pupuntahan ko si David para magconfess sa kaniya. Medyo kinakabahan ako, pero hooo laban lang!Nandito kami ngayon sa loob ng room ni Doctor Rivero. Naghihintay nalang kami sa results.
"Mrs. Villaseca, nasa stage 4 na po ang cancer ni Elainne. Kinakailangan po na weekly na ang check up niya" ang sabi ng doctor kay mama. "Ha? Bakit doc? Umiinom naman siya ng mga gamot sa tamang oras ah? Hindi naman siya nagpapabaya" ang sagot ni mama kay doc habang umiiyak. "Ma, tama na. Wala naman tayong magagawa eh. Magtiwala nalang tayo sa Panginoon" ang sabi ko naman kay mama sabay yakap.
Ang sakit. Ang sakit isipin na gusto ko pang makasama ang mga mahal ko sa buhay ng matagal. Di naman sinabi ni doc na malapit na akong mamatay pero alam kong malapit na.
Parang nawalan na ako ng gana na sabihin kay David ang nararamdaman ko. Pano kung pareho kami ng nararamdaman? Din naman sa pagiging feeler ha, pero pano kung pareho talaga? Ayokong masaktan siya. Pano kung aasa siya na magkakasama kami habang buhay? Ano ba to?! Di ko muna sasabihin sa kaniya ang nararamdaman ko.
Don't forget to vote and comment! Thank you!
YOU ARE READING
Someday
Teen Fiction"Nagmahal ako sa isang tao na hindi naman ako kayang mahalin. Nagpakatanga ako para sa kaniya. Umasa ako na sana balang araw, makita nya ang worth ko. Pero parang hindi na yun mangyayari. May mahal na syang iba. Pipigilan ko ba sya kung sa iba sya l...