~Chapter 9~

3 2 0
                                    

David's POV
Nandito ako  ngayon sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang ayokong tumuloy sa Greece, pero importante din saken ang kapatid ko. Wala na akong ibang magagawa kung di hintayin na mawala ang feelings ko para sa kaniya. Yun nalang ang alam kong dapat. Para hindi din masayang ang aming pagkakaibigan.

Elainne's POV
Nandito na pala si Doc. Ano kaya ang results? Lumala ba ang sakit ko?

Lumapit si Doc. kay mama, seryosong seryoso silang nag-uusap. Nakita ko na biglang lumakas ang pag-iyak ni mama.

Umalis na si Doc. Nilapitan ako ni mama.
"Nak, ang sabi ng doctor.. kinakailangan ka na rawng operahan" napaiyak ako sa sinabi ni mama. Hindi ko alam kung magiging successful ang operation. Di ko alam kung hanggang kailan ko sila makakasama. "Kailan ma? Kailan ba ang operasyon?" ang tanong ko kay mama habang umiiyak.
"Sa susunod na araw, nak." Ang sabi niya sakin sabay yakap. Naiyak ako. Ang sakit. Bakit? Bakit pa kailangang aabot sa ganito?

Biglang tumawag si David sakin.

"Hello?" ang sabi ko sa kaniya. "Bakit ganyan ang tono ng boses mo? May nangyari ba?" ang tanong niya sakin. "Ahh David, nandito ako sa Hospital. Sa susunod na araw na daw ang surgery ko." ang sagot ko sa kaniya, at inend ang call.

David's POV
Kailangan kong puntahan si Elainne. Kailangan kong humingi ng patawad sa kaniya. Kailangan kong sabihin sa kaniya na sa susunod na araw din ang flight ko papuntang Greece.

Nilapitan ko si Elainne. Hinawakan ko ang kamay niya. "Lainny.. sorry. Hindi ako makakapunta sa araw ng operation mo" ang sabi niya sakin. Bakit? Bumigat ang pakiramdam ko. Nasasaktan ako. Bakit wala siya?
"Sa susunod na araw din ang flight namin ni Kaerill papunta sa Greece. Sasabihan sana kita bukas.." ang sagot niya sakin.

Naiyak ako. Bukas pa nya sasabihin saken? Huling pagkikita na namin bukas. Hindi ko na sya makikita pagkatapos ng surgery.

Nagpaalam na si David nina mama at papa. Narinig ko ang pag-uusap nila. Mag-aayos na daw siya sa kaniyang mga gamit.

Ang sakit isipin na ang taong mahal mo ay aalis na. Di mo alam kung magkikita pa kayo ulit.

Don't forget to vote and comment! Thank you!

Someday Where stories live. Discover now