Elainne's POVSobrang nag-enjoy ako kahapon. Kahit pa nandun si Erica, ang importante inihatid niya ako. Siguro kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Bahala na. Ang importante masabi ko na. Kung di niya ako gusto, okay na yun para di na ako umasa.
"Lainny! Nandito si Kaerill! Bumaba ka na!" Sigaw ni mama. Ano ba naman ito si mama. Palaging sumisigaw. "Oo ma!" sagot ko sa kaniya. Parang nahihilo ako. Teka, ano ba to? Ba't para akong matutumba?
"Elainne? Okay ka na ba?" nagising ako nang marining ko ang boses ni Kaerill. "A-anong nangyari Kaerill?" tanong ko sa kaniya. "Bigla ka nalang nahimatay" ang sagot niya saken. Biglang pumasok sina mama at papa na umiiyak. "Nak, ba't di mo sinabi samin na may cancer ka pala?" ang tanong ni mama habang umiiyak. "Maaa, huwag kanang umiyak please. Sorry ma. Diko kase gusto na mag-alala kayo" ang sagot ko sa kaniya. "Nak, magulang mo kami" sagot ni mama tas pinutol ni papa, "Love, tama na. Ang importante alam na natin ang situation ni Elainne" ang sabi niya kay mama.
Gusto kong matulog ulit. Parang nahihilo pa kase ako. Nagulat nalang ako nang biglang dumating si David. "Hoy. Anong nangyare sayo?" tanong niya saken. "Huwag mo muna siyang kausapin. Kailangan pa niyang magpahinga" ang sagot naman ni Kaerill. "Ahhh. Ano bang ginagawa mo dito Kaerill?" ang tanong niya sa kapatid niya. "A-ako? Ahhh. Wala lang. Gusto ko lang gumala dito" sagot ni Kaerill sa kuya niya. "Ahhh sige. Sige. Mauna na ako. Elainne, sa susunod nalang ha" sabi niya saken tapos nagmadaling lumabas.
Don't forget to vote and comment! Thank you!
YOU ARE READING
Someday
Teen Fiction"Nagmahal ako sa isang tao na hindi naman ako kayang mahalin. Nagpakatanga ako para sa kaniya. Umasa ako na sana balang araw, makita nya ang worth ko. Pero parang hindi na yun mangyayari. May mahal na syang iba. Pipigilan ko ba sya kung sa iba sya l...