David's POV
Pupunta ako ngayon sa bahay ng pinsan ko. Magpapatulong ako kung paano magconfess na hindi nababusted."David! David!" ano naman kaya ang kailangan ni Kaerill? Kailangan talagang sumigaw?
"Kailan mo ba ako tatawaging kuya ha?" tanong ko sa kaniya para mainis siya hehe. "Bakit naman kita tatawaging kuya na 1 year lang naman ang gap naten? Ay! May sasabihin nga pala ako" ang sagot niya saken. "Ano na naman?" ang tanong ko sa kaniya. "Binago ni mommy ang ticket naten. Sa susunod na araw na daw ang flight naten" ang sabi niya saken na nakangiti. "Oh sige, sige na" ang sinabi ko naman sa kaniya para lumabas na siya.
Bakit parang pinagmamadali ata ako ng panahon? Bakit parang may parte din sa akin na ayaw magconfess kay Elainne? Natatakot ako, natatakot ako na kung sasabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko, baka lumayo siya saken. Parang di muna ito ang tamang panahon.
Di muna ako pupunta sa bahay ng pinsan ko. Di muna ako magcoconfess.
Elainne's POV
Malapit na pala ang pasok namin. Makikita ko na naman siya araw-araw. Okay na ako dun. Maghihintay nalang ako kung kailan niya mapapansin na may gusto pala ako sa kaniya.Nagsusuklay ako sa buhok ko ngayon habang nakangiti sa salamin. Ba't unti-unting natatanggal ang buhok ko?
"Ma! Maaaa!" tinawag ko si mama habang umiiyak.
"Oh bakit nak?" napahinto si mama nang makita niya ang hitsura ko at bigla siyang umiyak.
Parang nahihilo na naman ako.
Pagbuka ko ng mga mata ko, nasa Hospital ako. Nakita ko si mama at si papa na umiiyak. Ano ba kaseng nangyari kanina? Nandito rin pala si Kaerill. Asan kaya si David?
Don't forget to vote and comment! Thank you!
YOU ARE READING
Someday
Genç Kurgu"Nagmahal ako sa isang tao na hindi naman ako kayang mahalin. Nagpakatanga ako para sa kaniya. Umasa ako na sana balang araw, makita nya ang worth ko. Pero parang hindi na yun mangyayari. May mahal na syang iba. Pipigilan ko ba sya kung sa iba sya l...