~Chapter 10~

6 2 0
                                    

David's POV
Huling araw ko na pala ngayon dito sa Pilipinas. Aalis na kami bukas. Pupuntahan ko muna si Elainne mamaya. Huling pagkikita na namin mamaya. Mamimiss ko talaga siya.

Elainne's POV
Nandito pa rin ako sa Hospital. Sana naman puntahan niya ako dito para magpaalam. Mamimiss ko talaga siya.

Nagulat ako ng makita ko siya na nakatayo sa gilid ko. Nandito na pala siya. Huling titig ko na ito sa kaniyang mukha. Bahala na basta tititigan ko muna siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung masaya ako dahil nakita ko siya.. o malungkot ako dahil alam kong aalis na siya.

"Tapos ka na ba?" ang tanong niya saken. "Haa?! Anong tapos?!" ang sagot ko sa kaniya. Nahuli niya ba akong nakatitig sa kaniya? Ano ba to? Nakakahiya. "Kanina mo pa ako tinititigan eh. Mamimiss mo talaga ako noh?" ang sabi niya saken. "Oo naman. Best friend kita eh" ang sagot ko naman sa kaniya.

Niyakap niya ako. Naramdaman ko ang  pintig ng puso niya. Alam mo yung feeling na, ayaw mo ng bumitaw sa kaniyang pagkakayakap saken.

Pagkatapos niya akong yakapin, wala siyang sinabi. Agad siyang tumalikod at naglakad patungo sa labas.

David's POV
Agad akong tumalikod upang hindi niya makita ang mga luhang hindi ko na napigilan. Ayoko ng lumingon kase hindi ko kayang makita siya na malungkot.

Nakauwi na ako sa bahay. Bukas na ang flight namin. Dapat maaga akong matulog. Hindi siya mawala sa isip ko. Nag-aalala ako para sa kaniya.

----------------------------------------------
Elainne's POV
Kinakabahan na ako. Sana maging successful ang operation ko. Sana bigyan pa ako ng pagkakataon na makita siya. Okay lang kung maghihintay ako ng matagal, basta ang importante makita ko siyang muli.

Pinapasok na nila ako sa Operation Room.

David's POV
Nandito na ako sa Airport. Naghihintay nalang kami sa oras ng flight namin.

Hindi talaga mawala sa isip ko si Elainne. Alalang-alala ako sa kaniya. Pano kung kahapon pala ang huli na naming pagkikita?

Nakapagdesisyon na ako. Hindi na ako tutuloy. Kakausapin ko muna si Kaerill.

"Kaerill.. hindi na ako tutuloy" ang sabi ko sa kaniya. "Sige David. Follow your heart. Alam ko namang matagal mo ng gusto si Elainne eh" ang sabi niya saken at niyakap ako. "Sige mauna na ako, mag-ingat ka ha!" ang sigaw ko sa kaniya habang tumatakbo papunta sa labas.

Mabuti nalang at hindi pa umalis ang driver namin.

"Manong! Gagamitin ko muna ang sasakyan ha" ang sabi ko kay manong at nagmadali akong pumasok sa sasakyan. Malapit na ako sa Hospital.

Yumuko ako para tignan kung anong oras na ba. Nakarinig ako ng malakas na busina at kasabay nun ay ang pagdilim ng aking paningin.

Elainne's POV
Nagising ako at unang nasilayan ang puting kisame. Nilapitan ako ni mama, "Anak, successful ang operation mo" ang sabi ni mama saken. Agad niya akong niyakap. Lubos ang saya na nadarama ko. May pagkakataon pa na magkita kami ni David.

Nagtaka ako ng makita si papa na hingal na hingal sa kakatakbo. Agad niya akong nilapitan, "Nak, Si David! Nandito sa Hospital" saya ang una kong naramdaman dahil hindi ako makapaghintay na ikwento sa kaniya na naging matagumpay ang aking  operasyon. "Nak, nasa Emergency room siya" ang sabi ni papa sakin. "Ha? Anong ginagawa niya dun? Eh tapos na yung operasyon ko. Paki sabi nalang po na andito na ako sa room ko" ang sagot ko kay papa. "Nak, naaksidente si David" agad akong natigilan at parang tumigil ang lahat. Nararamdaman ko na ang namumuong luha sa aking mga mata.

Biglang dumating ang sinasabing Doctor ni David at nilapitan kami, "Mr. Villarin" seryoso ang tono ng pagtawag niya sa pangalan ng aking ama. Agad na sinagot ni papa ang doctor, "Ano ng nangyari sa kaniya doc? Kumusta na po si David? Naging matagumpay ba?"
Katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwarto. Ilang sigundo ang nagdaan at dahan dahang umiling and doctor at sinabing, "Ginawa na namin ang lahat. Pero wala na siya."

Don't forget to vote and comment! Thank you!

Someday Where stories live. Discover now