Part Two

10 1 0
                                    

Abala ako sa pagreresearch ng project namin sa Science nang makita ko ang bagong message sa messenger ko.

Pero nagsisi din ako kung bakit ko tiningnan. Si Rhett yung nag-chat. Guguluhin na naman ako nun.

"Ugh!" napaungol ako nang makitang tinatawagan nya ako.

Ganito talaga sya kapag nalaman nyang busy ako. Ginugulo nya ako sa pamamagitan ng pagtatawag at pakikipag-video call sa akin sa messenger.

Minsan, yung kumag, panay ang pag-flood sa akin sa chat. Umabot sa point na nagawa ko syang e-block pero binlack-mail ako kaya inunblock ko.

"Bwisit ka talagang Rhett ka! Ginugulo mo nalang ako palagi!" halos itusok ko yung ballpen na hawak ko sa wallpaper ng cellphone ko.

Sya yung nasa wallpaper, e.

Napailing iling ako at tinanggihan ang tawag nya. Pinalitan ko ng bagong wallpaper ang cellphone ko pero maya maya'y bigla na namang tumawag yung kumag.

"Ano bang kailangan mo at ako ang gusto mong pag-tripan?! Alam mong nakakapagod ng pahabain ang pasensya ko para sayo, Rhett! Tigilan mo na ako dahil naiinis na ako!" bulyaw ko ang sumalubong sa kanya nung sagutin ko ang tawag.

Hinihingal na pinakinggan ko sya sa kabilang linya pero tanging tunog lang ng music ang narinig ko.

Nangunot ang noo ko nang nag-end yung call. Hindi dahil sa mahina ang connection pero dahil sya na mismo yung nagputol.

First time ito.

Kasi kapag nag-uusap kami, or sasabihin nating kinakausap lang nya ang sarili kapag nagtatawagan kami sa messenger, ako palagi yung nage-end call dahil ayaw daw nya.

Pero ngayon, wow, totoo nga ang himala.

Medyo nakakapanibago lang. Hindi ako sanay. Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko muna pinakinggan ang dahilan nya kung bakit sya tumawag.

Kinabukasan ay pumasok ako sa campus ng maaga. Hinintay ko si Rhett dahil madalas yun pumapasok  ng umaga para makipagharutan sa mga early bird na mga babae.

Pero hanggang sa nagsimula na ang flag ceremony ay wala akong Rhett na nakita.

Hindi sya pumasok whole day. Kaya naman nung last period namin sa afternoon class, agad kong nilapitan ang kaibigan nya.

"Oh, hi Sharina. " bati ni Jason. Binati rin ako ng ilang barkada niya.

"Si Rhett pala?"

"Bakit mo sya hinahanap?" nang-aasar na tanong sakin ni Harron. Masyadong napalakas ang boses nya dahilan para magsilingunan ang mga kaklase namin sa amin. "Opps, sorry for that. Pero Sharina, bakit mo ba sya hinahanap?"

Nandoon parin ang ngisi nila. Napabuntong hininga ako.

"Tinagawan ako kagabi, e. Pero agad din nyang pinutol. "

Nagkatinginan naman sila.

"Talaga? Kaya pala nag-ayang maglasing yung gagong yun." sagot ni Mike.

Nagulat ako sa sinabi nya. "A-ano? Naglasing kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Oo, kilalang play boy at mahilig sa porn si Rhett pero hindi ko pa nabalitaan na naglalasing sya. Kaya nama'y nagulat talaga ako.

"Hindi kami kasali. Sinamahan lang namin sya sa penthouse nila Kael. " tinuro ni Mike ang kaibigang si Kael na tumango lamang sa akin.

"Naglasing nga sya? Lasing na lasing ba? Bakit naman nya ginawa yun?" tanong ko pa. Imposible naman kasing naglasing sya dahil sa akin.

Hello? Ni hindi nga nya ako gusto. Trip-trip lang nya ako.

"Ewan. Pero sinabi nya samin kagabi na gusto ka raw nyang tawagan ulit dahil baka na-offend ka sa biglang pagputol nya ng tawag. " ani Harron

"May alitan ba sa inyo?" ang kaninang tahimik na si Kael ay biglang nagsalita.

Saglit akong natahimik. Inaalala ko yung mga araw na magkasama kami.

"Araw-araw naman kaming may away. " umirap ako.

Nagkibit balikat si Jason at tinapik ako sa balikat.

"Baka nagbreak sila ni Layla, Sharina. " sabi nya sakin.

Hindi ako makapagsalita. Sharina was his bestfriend. Pero nakakagulat at well, medyo masakit, nang malaman kong sila na pala. Pero bakit sila nag break?

"Kailan lang naging sila?" ang sakit yung tanong ko. Pero pinilit kong takpan yung masakit na emosyong pwedi nilang makita sa mukha ko.

"Matagal na silang nagtatago sa relasyon, e. Hindi ko mabilang. Wala rin naman akong pake-alam. " nabatukan si Harron sa pagkabitter.

Tumango na lamang ako at nakapagpasalamat sa kanya.

Uwian na pero sumabay ako sa mga barkada ko sa paggala. Nagpaalam muna ako sa pamilya ko na late na yung pag-uwi ko.

Sa bahay nila Rasha kami nag stay. Nandito kami sa balkonahe ng kwarto nya and she was busy prefering a foods for us.

Hanggang sa dumating si Rasha na may dalang tray ng pagkain. Kasabay nya si Coline na may dalang tray ng juice.

I thought it was a juice pero nung tikman ni Ayesha ang isang baso ay halos masuka sya.

"Hindi ito flavored san miguel? Fck, guys! Ang pait. " nagawa pa nyang tumawa habang umiinom ng tubig.

"Bakit hindi nyo sinabi na walwalan pala yung pupuntahin natin dito?" I huff. "Alam nyo namang hindi ako umiinom. "

"Ses, it's okay, Sharina. Hindi naman namin pipilitin yung iba na uminom. " sabi ni Coline na may malakas ang tama pagdating sa alak. Iyon ang bisyo nya at ng iba pa naming barkada.

Maliban sakin dahil hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko na uminom. They say, once you tasted, always wanted.

"You want a tea?" tanong ni Rasha sakin.

Umiling lamang ako at pinapanood silang magkatuwaan habang nag-iinuman.

Kinuha ko ang cellphone sa bag at hinintay na magchat ulit si Rhett sakin. Hinintay kong pagtripan nya ako.

Pero wala.

"Guys! The boys are approaching. " pag-anunsyo ni Ayesha at pinakita sa amin ang text message na galing kay Harron.

Nagulat ako. Gusto ko mang itanong kung pupunta din ba si Rhett pero dahil baka mahalata nilang may gusto ako sa lalaki.

"Sasama din ba si Rhett?" parang nag-heart yung mata ni Juliet.

Ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako ang may gusto kay Rhett. Napanguso ako at binulsa ang cellphone.

"Oo naman. Broken hearted yung tao, e. Hindi yun tatanggi sa inuman. " natatawang sabi ni Dana.

"Broken hearted?"

"Yes, Juliet. Because Layla and Rhett broke up! " masayang-masayang pagbalita ni Dana sa aming lahat.

Hindi na ako naguat dahil kanina ko pa alam. Napabuntong hininga ako at napagdesisyunang umuwi ng maaga para hindi na maabutan si Rhett.

Parang ayoko munang makita sya. Kailangan ko muna syang iwasan para kahit papano, mawala yung nararamdaman ko.

Para marealize ko rin na hindi ito seryoso. This is just a sudden feelings. Na may posibilidad na mawawala rin agad in untimely way.

UGH, sana!




FB: Makiling WP
IG: @yiskaaahwp

Sudden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon