Nangalumbaba ko habang pinagmamasdan ang mga kaibigan kong nag-iinuman na naman. I lied to my mom again. Sinabi ko na namang may gagawin kaming group project kahit wala naman.
Gusto ko lang makasama sila. Hindi naman siguro ibig sabihin na porket barkada ko sila, pati ako umiinom narin gaya ngayon. I just want to distract my mind from thinking Rhett.
"Okay ka na, Sha? Hindi na ba masakit?" tanong ni Alliyah sa akin.
Napabuntong hininga ako. Yes, alam na nilang may gusto ako kay Rhett at pati na rin yung ginawa nya sakin last week.
Hindi ko kasi mapigilang iamin sa kanila lalo na't hindi pweding ikimkim ko itong sakit na nararamdaman ko.
"Ewan..."
Napatingin sa akin si Juliet na nahinto sa pagtipa ng kanyang cellphone. Sigurado akong magkatext na naman sila ni Rhett.
"Hayst, ayos lang yan. Hindi naman kasi deserve ni Rhett yung nararamdaman mo sa kanya. Si karma nalang din siguro ang sasampal sa kanya. " inakbayan ako ni Rasha at tinapik ang balikat ko.
Kung alam lang nila na nasampal ko na si Rhett.
"Ikaw rin, Juliet. Mag-ingat ingat ka kay Rhett. Delikado yun. " lasing na bulyaw ni Coline. Ang isang to, mahilig talaga sa alak.
Ngumiti lang si Juliet at muling tumingin sa kanyang phone. Napatitig ako sa kanya, maya-maya pa'y nagpaalam syang lumabas sa kwarto nila Rasha.
Wala na naman kasi yung parents nya, e. Palaging may business meeting sa ibang lugar. Only their maids left.
Tumayo ako at sinundan sya.
"Hello, babe. " narinig kong sabi nya habang nakatapat ang cellphone sa tenga.
Sino ang kausap nya?
"Yes, nandito ako kila Rasha. They're drinking again. " aniya. "Rhett? Pwedi mo bang sunduin ako?"
Tila nadurog ang puso ko dahil sa binanggit nyang pangalan. Akmang aalis na ako sa kinatatayuan ko dahil baka kung ano pang marinig ko nang makitang nasa tabi ko na si Alliyah.
"Shhh. " She put her finger on her lips at tumingin kay Juliet.
Nangunot ang noo ko. Pagkatapos mag-usap nila Juliet at Rhett ay mabilis akong hinila ni Alliyah pabalik sa balkonahe ni Rasha.
"We all know that Rhett is really a playboy nympho. Kaya imposibleng seryoso sya ngayon kay Juliet. I already warned her pero ayaw nyang makinig sa akin. " aniya sakin.
Hindi na ako nagsalita pa. Kinabukasan ay hindi nakapasok sina Colline, Dana at Ayesha dahil sa hang over.
Tanging kami nalang ni Alliyah at Rasha ang nagsama sa recess time at lunch. Kung nasaan man si Juliet, hindi ko alam.
Basta'y sinundo nga ni Rhett si Juliet kagabi. Hindi nya ako nakita dahil nagtago ako sa loob ng cr ni Rasha.
Baka magsama na naman sila ngayon.
"Bakit absent si Colline?" nakasimangot na tanong ni Mike kay Alliyah at naupo sa tabi nito.
Hindi tumugon ang dalawa bagkus ay nakatingin lang sa akin. Nagsimulang lumapit sa mesa namin sina Harron, Jason at Kael.
"Girls, aren't you going to answer me? Bakit ba absent yung iba?"muling pagtanong ni Mike.
Binaba ni Rasha ang kutsara't tinidor. "It's pretty obvious na ayaw naming makipag-usap sa inyo. Matapos nyong gumawa ng dare-dare na yan at utusan si Rhett na saktan si Sharina?! Mga gago. "
Halata ang pagkagulat sa mga mata nila. Maya-maya pa'y tumawa si Jason at tiningnan naman ni Harron si Rasha ng masama.
"What are you talking about?" seryoso at hindi man lang tumawa si Kael. Tiningnan nya ako at kinunotan ng noo sina Alliyah. "Sinaktan ni Rhett si Sha? "
"Wow, can you please stop acting like you don't know anything?!" bulyaw na naman ni Rasha sa mga lalaki. Ngayon ay nakatingin na samin ang mga studyante na kumakain sa canteen.
"Stop what? Acting? Hindi nga namin alam kung ano yang pinagsasabi ng bunganga mo. " mas lalong nag alburuto sa galit si Rasha sa sinabi ni Mike.
"Tumigil na nga kayo. " mahinang suway ko pero nagpatuloy parin sila sa pag-aaway.
"Hindi ba't nagbigay kayo ng dare ni Rhett? Kunwari may feelings sya kay Sharina, tapos kapag naniwala na ito, doon lang aamin si Rhett na dare lang pala ang lahat. Isn't that amazing?!" sarkastikong tanong ni Alliyah.
Nagulo ko ang buhok dahil sa inasta nila ngayon. Hanggang sa tumawa na naman sina Jason, Mike, Harron. Maliban kay Kael na nanatiling nakakunot parin ang noo.
"We will clarify it, okay? First of all, wala kaming naalala na naglalaro pala kami ng kabobohang dare-dare na yan. Second, we're not stupid enough to think na manakit kami ng babae. Third, hindi talaga namin alam ang pinagagawa ni Rhett ngayon. " paglinaw ni Mike na naging dahilan para mapamaang ang dalawa kong kaibigan.
Natahimik sila hanggang sa biglang pumasok ng magkasabay sina Juliet at Rhett. They we're both smiling pero nawala din nang makita kaming nagtitipon-tipon.
Akmang pupunta si Rhett sa ibang direksyon pero hinila sya ni Juliet palapit dito.
"Si Juliet pa ba ito?" mahinang tanong ni Harron at napailing-iling.
"Hi, dito kami uupo ni Rhett, a?" nakangiting tanong ni Juliet kay... well, sa akin sya nakatingin.
Nag-iwas ako ng tingin. "Sige lang. " tipid kong sagot.
Naupo sila sa mismong harapan ko. Abala na kaming lahat sa pagkain pero nadidistract ako sa pagiging sweet ng dalawa.
"Kayo na pala?" nakangiting tanong ni Harron kila Rhett. Pero alam kong napilitan lang sya sa ngiti nya.
Rhett secretly rolled his eyes at tinigil ang ginawang pagsubo ng pagkain kay Juliet.
"Yes. " nagsalita agad si Juliet bago pa makasagot si Rhett.
Natahimik ang lahat ulit. Pero bigla nalang nagsalita si Kael.
"Diba ikaw yung nag-utos kay Rhett na saktan si Sharina?" he said.
Our eyes widened, and so as Juliet. Napatingin ako sa babae pero nanlaki lang ang mata nya ngayon. She didn't speak at nakatingin lang sa akin.
"You blackmailed Rhett. Sa tingin mo hindi ko alam? I thought snake only lives in forest. Pati pala sa harapan namin, ahas na ahas. " Kael speaks again.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kay Juliet ngayon. Hindi ko alam kung sya pa ba ito.