Hindi ako makatulog gabi-gabi dahil sa sinabi ni Rhett sa kin noong isang araw. Days passed pero nakatatak parin sa isipan ko yung mga salitang nagpabaliw pa lalo sa puso ko.
May magagawa pa ba ako na kalimutan sya? E, umaayon sa akin yung tadhana ngayon e.
Pero paano kung joke lang pala yun? Alam naman nating mahilig sa jokes yung gago.
Pero paano kung totoo?
Aish! Napailing-iling ako. Kung totoo man yun, aamin narin ako sa kanya.
Kinabukasan ay pumasok akong balisa dahil ang tagal kong nakatulog kagabi. Sisihin si Rhett dito! Hindi lang nya ako ginawang baliw, ginawa rin nya akong zombie!
"Oh? Wala kang tulog, Sha?" ang aga palang e may hawak na si Alliyah ng toron.
Sumimangot nalang ako at hindi nakisali sa chisimisan nila. Niyakap ko ang bag saka yumuko para matulog.
Pero halakhak ng mga lalaki ang nagpagising sa diwa ko. Kakapasok palang nila sa silid at nakita ko agad si Rhett na ngayon ay nakangiti na ulit.
Mukhang hindi na sya broken heart--
"Shit. " mahina akong napamura nang may naalala ako. Napatingin ang mga kaibigan ko sa akin at tinaasan ako ng kilay. "S-si Rhett. " mahinang bulong ko sa kanila at pasimpleng nilingon si Rhett na nakangiting nakatingin sa akin.
Nilingon ng nila Ayesha yung taong tinitingnan ko kung kaya't agad akong nagsalita upang hindi nila makita yung pag-ngiti sa akin ni Rhett.
"Bakit? Anong meron kay Rhett?" nagtatakang tanong ni Rasha.
Hinanap ko muna si Juliet. Wala pa sya kaya may pagkakataong masabi ko sa kanila yung sinabi ni Rhett sa akin.
"Sabi nya nung isang araw, gusto nya daw ako. " pag-amin ko.
Natahimik sila saglit bago ako binatukan at tinawanan. Hindi ko maiwasang mapasimangot.
"Bakit ba? " nagmamaktol kong tanong at tinabunan ng kamay ang aking mukha.
"Is this kasinungalingan?" hindi ko maiwasang masaktan sa sinabi ni Dana sakin.
"Hindi naman ako nagsisinungaling. "
"Yeah, I know. Pero alam naman nating mahal ni Rhett si Layla. Matagal na silang magkasama at hindi porket naghiwalay na sila ngayon, magagawa paring mag-joke ng ganun si Rhett. Dapat natuto na sya, ano. He should never play a girl's heart, lalo na dahil ikaw yung binibiktima nya ngayon. " mahabang lintaya ni Dana.
Napalingon ako kay Rhett na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya. Dahil ata sa lakas ng pakiramdam nya, agad nyang napansin na nakatingin ako sa kanya.
He smiled and wave his hand on me.
"Sharina, gusto mo ba sya?" tanong ni Ayesha.
Matagal akong hindi nakasagot. "Hindi, as if namang magkakagusto ako sa kanya, no! Tsaka kaaway ko sya, hindi dapat ako mahuhulog sa kaaway ko. " sa huli ay mas pinili kong magsinungaling.
Mataman akong tiningnan ni Alliyah. Ganun rin ang iba kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Guys, kung magkakagusto man ako sa isang tao, wag naman kay Rhett. Kayo na nga nagsabi diba? He always play a girl's heart. Kaya gugustuhin ko pa bang mahulog sa kanya kung alam ko namang paglalaruan nya ako?"
"E, bakit masyadong defensive at nagsisinungaling ang boses mo?" nakataas ang kilay na usal ni Rasha at tinapik ang balikat ko.
"Alam nating masyadong nasaktan si Rhett kay Layla. Sharina, kung magkakagusto ka man sa kanya, at inamin nyang may gusto rin sya sayo, iwasan mo na at wag kang magpauto sa kanya. " advise nya sakin.
Dumating ang teacher kaya natigil yung pag-uusap namin. Sa aming magbabarkada, si Juliet lang ang walang alam sa napag-usapan namin.
Pagkatapos ng ilang period ay oras na para sa lunch, naunang lumabas ang mga kaibigan ko dahil may kailangan pa akong puntahan sa library.
"Sharina!"
Lumingon ako sa likuran at nakitang tumatakbo papunta sa gawi ko si Rhett.
"Hi, Sha. " nakangiting bati nya sakin.
Yung sinabi ko noon na mukhang may pinaplano palagi ang kanyang ngiti, ngayon nagbago na ang pagtingin ko.
Masyadong maganda tingnan ang ngiting nakapaskil sa labi nya.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong nya nang nakangiti parin.
Umiling ako at tinalikuran sya pero sumabay sya sakin sa paglalakad.
"Are you avoiding me?"
"Ha? Hindi, a. " nang tingnan ko sya ay malungkot na ang kanyang mata.
Ito ba yung playboy na si Rhett? Bakit parang nalungkot sya sa inasta ko sa kanya ngayon?
Kunti nalang talaga, maniniwala na akong may gusto talaga sya sakin.
"Knock knock. "
Kunot ang noong napatingin ako sa kanya. Ginulo nya ang buhok ko at inakbayan ako.
Hindi ko maiwasang kiligin sa ginawa nya. Shit ka Rhett!
"Who's there?" sinabayan ko nalang ang another corny joke nya.
"Taehyung. "
"Ha?"
"Taehyung, Sha. Diba bias mo yun sa BTS?" nakangising tanong nya.
"Paano mo nalaman?!" hindi ko naman kasi sya sinabihan sa pagiging Kpop Fan ko. Stalker ko na ba ito?
"Agent 23. " then he winked. Tiningnan ko sya ng masama. "Joke. May picture sa likod ng ID mo. " inangat nya ang ID na suot ko.
"Okay. So ano na?"
Tumukhim sya at kunwaring ginawang microphone ang kamay nya. Pinigilan kong wag matawa sa kanya.
"TAEHYUNG ngiti, ako'y nahuhumaling. At sa tuwi~~" ang sumunod na mga liriko ay gawa-gawa na nya.
Tinakpan ko ang bibig para pigilan yung paghagalpak ng tawa ko sa corny joke nya.
"See? I made you happy kahit nakakadiri yung knock knock ko." aniya habang pinagmasdan akong natatawa. "Sharina, I will do everything to be your clown. Not just as your clown, but I will do everything to prove to you that I really like you. "
"Rhett..." hindi ko alam ang sasabihin ko. Eto na naman sya. Ugh.
"Hindi ako nagsisinungaling, Sha. Kung ano yung sinabi ko, walang bahid na kasinungalingan. "
FB: Makiling WP
IG: @yiskaaahwp
![](https://img.wattpad.com/cover/167365823-288-k80196.jpg)
BINABASA MO ANG
Sudden Feelings
Подростковая литератураA sudden feelings that can hurt her eventually.