Part Three

6 1 0
                                    

"Uuwi na ako. " sabi ko sa kanila dahilan para manahimik silang lahat.

Nagkibit balikat ako at ngumisi.

"Ha? Bakit ang aga naman, Sharina?" tanong ni Juliet sa akin. Abot langit parin ang ngiti nya dahil nalaman nyang pupunta dito ang crush nyang si Rhett.

Samantalang ako, nakasimangot ang mukha nang malaman ko yun.

"Pinapauwi na ako ni mama, e. Sige, Rasha a? Uuna na ako sa inyo. Bye, guys. " wala na silang nagawa nung buksan ko ang pintuan. Tahimik na nakatingin lang sila sa akin. Nginitian ko sila at lumabas na ng kwarto ni Rasha.

Pero ganun nalang ang pagkagulat ko nang makitang paparating dito ang mga kalalakihan sa section namin.

Hindi ko pa nakita si Rhett pero agad akong nataranta.

Ginawa kong pang-tabon ang folder na hawak ko at saka napayuko habang naglalakad. Napangiti ako nang makalalagpas sa kanila pero isang kamay ang humila sakin paharap sa--

"Hey. "

"Kael!" gulat kong banggit sa pangalan nya.

He smiled.

Kahit wala akong crush sa kanya, talagang nakakahumaling ang ganda ng ngiti nya.

Bakit hindi na lang kaya sya yung nagustuhan ko? Kung ikukumpara kasi sya kay Rhett, malaki ang rate ng good attitude niya keysa kay Rhett. Eh, gago yung lalaking yun, e. Puro kababalaghan sa porn yung alam.

"Bakit ka nagtatago? At bakit uuwi ka na ngayon?" nakangiti paring tanong nya sakin.

Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Agad nya iyong napansin kaya bumitaw agad sya.

"Uhh, sorry. " napakamot sya sa ulo.

"Okay lang hehe. "nahihiyang sabi ko sa kanya bago sinimulang maglakad paalis pero nabigla ako nang makitang nakatingin pala sa amin ni Kael si Rhett.

Nakapasok sa bulsa nya ang dalawang kamay at walang emosyon na makikita sa mukha nya.

I was about to speak pero mabilis nya akong nilagpasan pagkatapos nya akong titigan.

Yung pusong nabuhay nang makita sya, bigla nalang namatay dahil hindi man lang nya ako pinansin. Kahit ayaw ko sa mga ginagawa nyang pangti-trip sa akin, peste lang kasi hinahanap ko ngayon yun.

"Okay ka lang?" lumapit si Kael sa akin.

Napatango ako. "Oo, naman. Sige, Kael. Mauna na ako. "hindi ako makatingin sa kanya dahil natatakot ako na baka makita nya ang malungkot na emosyon sa mata ko.

Hindi na sya tumugon pa bagkus ay naramdaman kong nakatingin sya sakin habang naglalakad ako palayo.

Kung nakatingin din sakin si Rhett, sana pigilan nya ako.

Pero wala namang nangyari. Nakalabas na ako lahat lahat, hindi nya ako pinigilan o hinabol man lang.

"Sharina!"

Mabilis akong napalingon sa balkonahe. Doon ko nakita si Coline na syang tumawag sa pangalan ko.

"Dumito ka muna! Dali! Kailangan kompleto tayo, eh. " aniya.

Ngumiti ako sa kanya. Gusto ko si Rhett yung pipigil sa akin.

"Pinauwi na talaga kasi ako! Next time nalang!" pagsisinungaling ko.

Malungkot na napatango sya. Sinirado ko na yung gate nila Rasha at naghintay nang pweding masasakyan pauwi sa bahay.

Pero ang hayop na tadhanan, tingnan mo nga at binagsak pa talaga ang ulan. Kaya ako, basang-basa.

"Sharina!"

May taong humila sakin papasok sa loob ng bahay nila Rasha. Iba yung ineexpect kong tao. Akala ko si Rhett, si Kael pala.

Bwisit! Bakit puro Rhett nalang ako?!

"Dapat pumasok ka agad! Tingnan mo nga yung sarili mo. Basang-basa ka tuloy. " inis na aniya at hinila ako papunta sa kwarto nila Rasha.

Nag-aalalang tingin ang pinukol nila sa akin maliban sa mga lalaki na iba ang tingin sa amin ni Kael. Well, except Rhett dahil wala talagang makikitang emosyon sa mukha nya ngayon.

Nag-iwas ako ng tingin at kinuha ang tuwalayang pinupunas sakin ni Kael.

"Kaya ko. " tipid kong sabi at pinunasan ang sarili.

"Sinabi ko naman sayo diba. Nakatadhana talaga na dumito ka muna. " nakangising ani Alliyah at inabutan ako ng juice.

Akmang tatanggapin ko iyon nang biglang tumayo si Rhett at inagaw yung baso mula kay Alliyah. Nilagok nya ang lahat ng laman. Pagkatapos nun ay naglakad na sya pabalik sa kinauupuan nya kanina.

Nagulat ako. Hindi lang ako kundi silang lahat.

Bakit nya ginawa yun?!

"Hindi yun juice. " mahinang sabi sakin ni Kael at inalalayan akong maupo.

"Kael, kailangang uminom ng kunting alcohol si Sharina para kahit papano, e uminit yung katawan nya. " natatawang biro sakin ni Coline.

Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang sya ng tumawa at nilagok yung alak sa glass shot na hawak nya.

"Sha, suotin mo itong damit ko. " ani Rasha at inabutan ako ng pink shirt at short.

"Bakit short? Wala bang pajama dyan?" nahihiyang tanong ko. Hindi ko na sana tatanungin yun, e. Pero hindi kasi ako sanay na nakashort ako pag gabi, lalo na dahil may mga lalaki dito.

"Nilabhan pa yung iba. Yung iba naman, hindi na kasya sa akin. Sayo paba? Tsk. Yan nalang suotin mo. Medyo may kalakihan naman yung shirt ko. " tugon nya.

"Ahh. Thank you, Rasha. "ngumiti ako sa kanya at tumayo. "Sige, magbibihis lang ako saglit sa banyo mo. " tumango lang sya.

Pagkatapos kong magbihis ay awkward ang atmosphere na natanggap ko mula sa kanila.

Pinasadahan nila ako ng tingin. Napakamot ako. Sa sobrang laki kasi ng shirt, natabunan na yung short at nagmumukhang nagpapanty lang ako.

Jusko, manyak pa naman si Rhett.

"Wow! Sexy mo, Sha!" sigaw ni Ayesha at pumito.

Natawa nalang ako at naupo sa tabi ni Rasha. Nakalapag kasi sila sa sahig, sa gitna nila ay isang case ng beer.

"Maglaro kaya tayo?" nakahawak sa panga na suhestiyon ni Harron. Magkatabi sila ni Alliyah. There's something on them pero ayaw nilang ipahalata sa amin.

"Ano naman yung lalaruin?" boring na tanong ni Mike at ininom yung basong inabot sa kanya ni Jason.

"Truth or Dare. " biglaang sabat ni Kael.

Natahimik ang lahat at maya-maya'y tinawanan yung sinabi ni Kael.

"Anong nakakatawa?"

"Ngayon ka nga lang mag-suggest, masyado pang corny. " si Coline ang tumugon.

Nakita kong sinamaan nya ng tingin ang babae bago bumuntong hininga at hindi na nagsalita ulit.

"Game!" sabi ni Alliyah at bahagyang pumalakpak sa ere. "Kapag hindi sila aamin sa tanong natin sa Truth, papainumin natin sila ng isang shot of glass ng beer. Ganun rin kapag hindi nila susundin ang Dare. " aniya.

Umiling ako dahil hindi maganda yung laro na iyon. No way in hell na iinom ako ng ganyan!

Akmang tatayo ako pero pinigilan ako nila Rasha. Napabuntong hininga nalang ako at walang choice kundi manatili.







FB: Makiling WP
IG: @yiskaaahwp

Sudden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon