"Truth or Dare?" nakangising tanong ni Jason kay Coline. Samantala ang babae ay nakasimangot at halatang lasing na lasing na.
"Dare. "
Nag-isip saglit si Jason bago sya nagsalita. "Do a lap dance with..." nilibot nya ang tingin sa lahat ng nandito. "with Mike. "
Kunot ang noong tumayo si Coline. Hinanap ng mata nya si Mike at nang makita ang lalaki ay hindi sya nagdadalawang isip na lapitan ito.
"H-hoy! Bakit ako?!" gulat na bulyaw ni Mike kay Jason pero tinawanan lang sya nito.
Naghiyawan ang lahat nang magsimulang umupo si Coline sa lalaki at sumayaw. Kumanta pa sila ng sexy dance para sa dalawa.
Sinubukang itulak ni Mike si Coline pero ayaw magpaawat ng babae at mas ginalingan pa ang paggiling
Kahit gusto kong matawa sa kanila, hindi ko magawa dahil masyadong naka-occopied ang isipan ko kay Rhett.
Nakaupo na rin kasi sya sahig at magkatabi pa sila ni Juliet. Hindi naman sila close pero ngayon ay nag-uusap na sila.
"Truth or Dare?"
Nabigla lang ako nang sakin na nakalingon si Coline. Napatingin ako sa bote na nakaharap na sakin ang bibig.
"A-ako?"gulat kong sabi.
Tumawa si Coline at naghintay sa sagot ko.
"H-hindi ko alam. " parang ako yata ang nalasing dito kahit hindi pa naman ako nakakainom kahit kaunti.
Nagtawanan ulit sila maliban kay Rhett at Juliet. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila.
"Truth. " final na sabi ko. Baka kasi kung anong ipagawa nila sakin sa Dare. Ayokong mag lap dance.
Ngumisi si Coline. May kung anong binulong si Harron sa kanya.
"Sino yung crush mo sa kaklase natin?" tanong nya.
Kumindat sakin si Harron. Sinamaan ko sya ng tingin. Binigyan nya ng ibang meaning yung pagtatanong ko sa kanya about kay Rhett kanina. Leche!
"W-wala naman, e. " nagiging defensive yung tono ng boses ko. Nakita kong naghahanda na ng isang shot glass si Ayesha para sakin.
Napalunok ako at pasimpleng nilingon si Rhett. Nagulat ako nang makitang nakatingin din sya sakin.
"Aamin ka o iinom ka?" nakangising pagpipili ni Coline sa dalawang choices nya.
I put my face on my palm and groan. Kung aamin ako, ako lang din yung masasaktan dito.
"Iinom. " masama ang timpla ng mukha ko nang humiyaw sila sa desisyon ko.
Inabutan ako ni Ayesha ng shot glass. May alinlangan pa ako nung una pero hindi nagtagal ay naisipan kong lagukin ng dahan-dahan ang beer.
"Bakit mo pinainom?" narinig kong tanong ni Rhett kay Ayesha.
"Ayaw umamin, e. "
"Sharina!" sigaw ni Rhett at mabilis na kinuha ang shot glass sa kamay ko. "Wag ka namang uto-uto! At kayo, alam nyo namang ayaw nya diba? Bakit nyo pa pinilit?!" mukh syang galit dahil sa biglang pamumula ng kanyang mukha.
Nag-iwas ako ng tingin at hinawakan ang ulo ko. May pumitik kasi na kung ano kaya medyo masakit.
Ang pangit din ng lasa ng beer. Parang bumaliktad yung sikmura ko at gusto kong dumuwal.
"Concern?" nakaangat ang gilid ng labi na tanong ni Rasha at sinamaan ng tingin si Rhett.
"Hindi ako concern. Tangina lang!" galit na tumayo si Rhett at bigla akong hinala patayo. "Let's talk. " may diing sabi nya sakin.
Hindi ako nagpaawat at mabilis na hinila yung kamay kong hawak-hawak nya. Naupo ulit ako at hinawakan ang ulo ko.
Ang sakit talaga!
"Sharina, mag-usap tayo. " ngayon ay kalmado na ang kanyang boses.
Napatingin ako sa mga kasama ko na nagtataka sa aming dalawa. Lalo na si Juliet na mukhang nagseselos dahil sa inasta ni Rhett sa akin.
"Bakit ba tayo mag-uusap?" inis kong tanong.
Sinamaan nya ako ng tingin. Sa pagkakataong ito ay wala na akong nagawa nung kaladkarin nya ako palabas sa kwarto nila Rasha.
Mabuti nalang dahil wala yung parents ni Rasha dito.
"Ano ba yung pag-uusapan, ha?!" inis kong tanong.
"Bakit ka ba nainiis?!"
"Wag mo ngang sagutin yung tanong ko ng isa pang tanong, Rhett!"
Napabuntong hininga sya at ginulo ang buhok. Tahimik ang namuhay sa aming dalawa.
"Pwes, kung wala ka namang sasabihin, mabuti pang bumalik na ako. " tumalikod ako pero bigla syang nagsalita.
"Gusto kita, Sha. "
FB: Makiling WP
IG: @yiskaaahwp