Part Nine

11 0 0
                                    

Kaibigan ko si Juliet. Pero hindi ibig sabihin nun ay papatawarin ko sya ng ganito kadali dahil sa ginawa nya sakin.

Yes, I will forgive her. But not this early.

Akalain mong may hatred rin pala sya sakin kaya ginawan nya ng dare si Rhett para sakin. It was so damn amazing, huh.

Akala ko totoong mabait at tahimik sya. Akala ko crush lang nya si Rhett. Pero dahil sa pagiging obsess nya sa lalaki, gumawa pa sya ng mali.

Tumayo ako at nagmamadaling umalis sa canteen. Tinawag nila ako pero hindi na ako nag-abalang lumingon.

Pero....

"Sharina!"

Nasa hallway na ako nung tinawag ako ni Rhett. Napahinto ako sa paglalakad.

Wala naman syang kasalanan diba? Pero may mga tanong ako na gusto kong malaman.

"Sha, I'm sorry for what I did. " pumunta sya sa harapan ko and I can see how sincere his eyes are.

Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa mukha nya.

"It was not my inention, Sha. " naigulo nya ang buhok at nag-iwas ng tingin. "She blackmailed me. Kaya kami naghiwalay ni Layla dahil sa kanya. "

Nanlaki ang mata ko at mas lalong nadagdagang ang mga dahilan para kamuhian ang kaibigan ko. No, from now on,  I will not treat her as my friend.

"Anong ginawa nya?" ngayon ko lang naisipang magsalita.

"Isang araw, I went to bar para makapag-isip isip. Layla and I argued that time. I got drunk and... alam mo na kung anong nagawa ko. " napayuko sya at kinamot ang batok.

Tumaas ang akinh kilay. "You made a sex with a stranger woman?"

"No!" mabilis nyang sagot at nag-iwas na naman ng tingin. "Kahit ganito ako, hindi parin ako basta-basta nakikipagtalik sa mga babaeng hindi ko kilala. I don't want to catch an aids!"

I rolled my eyes and he saw it kaya nagpatuloy sya sa pagkwento.

"We just make out. At hindi ko alam na sinundan pala ako ni Juliet at kinunan kami ng video. Binlackmail nya ako na kapag hindi daw ako nakikipaghiwalay kay Layla, ikakalat nya ang video ko. Hindi naman yun as in scandal ko pero natatakot ako na malaman ng mga pamilya ko ang mga pinaggagawa  ko dito. "

"So you decided to broke up with Layla?"

"Yes, at isa pa, hindi naman ako mahal ni Layla. "

Doon ko lang nakita ang pagbabago ng emosyon ni Rhett. I know he's hurt. Ang sakit makita yung taong gusto mo na nasasaktan dahil sa iba.

"Ikaw, mahal mo ba sya?" hindi ko alam kung saan papatungo itong naging tanong ko.

He just look at me. Ni hindi sya nagsalita o tumango man lang. Well, silence means yes.

"Uhh, sorry ulit, Sha. "

"Okay na. "

"How about you and Juliet?"

Nagkibit balikat ako at naalala na naman ang babae.

"Hindi ko alam." my last words before I walk away.

"Sharina!"

Huminto ako sa paglalakad pero hindi sya nilingon.

"Pag sinabi ko bang gusto kita, maniniwala ka pa ba?"

Lumakas yung tibok ng puso ko. Pero imbis na tumawa at sagutin sya, umiling lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinong tanga ang maniniwala ulit? Alam kong dare lang nung una nyang sinabi iyon. Pero natatakot na ako, eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sudden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon