"Knock knock!"
"Who's there?!"
Napabangon ako mula sa mahimbing na pagkatulog sa upuan ko nang marinig ang sigawan ng mga kaklase ko.
Grabe, naka-head set na nga ako't lahat lahat, rinig na rinig ko parin ang mga demonyo. Para ngang puputok na palabas yung mga dumi sa loob ng tenga ko, e.
"Portfolio!"
"Portfolio who!"
Bawat salita, may exclamation point sa dulo. Kaya kahit gusto ko pang matulog, pinakinggan ko nalang yung another ca-cornihan ng mga classmate ko. Alam mo na, kulang sa aruga.
Tumikhim si Rhett, yung nagpasimuno ng mga corny jokes. Isa sya sa mga nakahilagang manoob ng porn sa porn hub at iba't iba pang website na may kinalaman sa porn.
"Tonight will be the night that I will PORTFOLIO. Over again~~, don't make me change my mind~"
Biglang natahimik yung atmosphere. Natigil si Rhett sa pagkanta at binaba ang walis tambo na ginawang microphone sa sarili.
Processing.
Processing.
Processing.
Teka, ang hirap e-process sa sobrang corny ng joke. Ewan ko ba, pero pagkatapos manahimik ang lahat ay bigla na lang silang naghiyawan.
Tamo tong mga to, halatang-halata na nakulangan sa aruga. Is this kabobohan? UGH.
"HAHA! IBA DIN, RHETT!" komento nung matabang kaklase namin. Sa aming lahat, sya talaga yung tipong kapag nagsasalita, parang sumisigaw na sa sobrang lakas. Dinagdagan pa yung volume ng boses nya ngayon dahilan para halos yumanig yung room namin.
My godness.
"Nice one, pare! " natatawang sabi naman ni Harron at nakipag-fist bump pa kay Rhett na parang nanalo sa lotto.
Ganub ba kaganda ang joke nya? Hello? Gasgas na yata yung knock knock na yun. Ang unfair lang kasi kapag ako yung nag joke, tumatahimik talaga ang lahat. Hindi dahil nagustuhan nila kundi dahil hindi ako nakapuntos. In shot, corny talaga.
Lumabas ako ng room at bumili ng pagkain sa canteen. Paglabas ko ay nagulat ako nang makasalubong ko si Rhett na may ka-akbay na babae.
Sinamaan ko sya ng tingin at kahit gusto kong itapon sa kanya itong pop corn na hawak ko, pinigilan ko nalang ang sarili dahil makasira pa ako ng moment dito.
Mag-isa akong naglakad pabalik sa room nang bigla nya akong inakbayan. Amoy palang kasi ni Rhett, alam ko na. Amoy bakla.
Jusko! Pati bakla ata binibiktima nya.
"Bakit ang sama ng tingin mo sakin kanina? Nagseselos ka?" sabi nya at sinundot ako sa tagiliran.
Dahil sa nakakadiri sya, mabilis ko syang tinulak at pinagpagan ang sarili. Baka may kumalat na aids sa katawa ko, ano! Mahirap na.
"Bakit naman ako magseselos?!" galit na tanong ko at tinapunan sya ng isang pop corn.
Ngumisi sya at umambang lalapitan ako pero mabilis kong tinutok sa kanya ang janitor's map na nakita ko sa tabi.
"Subukan mong lumapit, itutusok ko itong map sa mahal mo!" alam nya kung anong tinutukoy ko kaya naman ang gago, tumingin pa talaga sa baba nya at mas lalong ngumisi.
Bat ang creepy ng epekto ng smile nya sakin? Parang may pinaplano palagi, e.
"Nagjo-joke lang naman ako. " sabi nya.
Sinamaan ko ulit sya ng tingin at binaba ang map. "Pwes, sa pagkakataong ito, hindi ko nagustuhan ang joke mo. As if namang magkagusto ako sa may aids na gaya mo. Hello? Mapili akong tao. Sobrang bobo ko naman kung ikaw pa yung magustuhan ko. "
Parang tangang nakatulala sya sa sinabi ko. Iniwan ko syang nakaganun at tumakbo papunta sa aming silid.
Pero pagkatapos nun, agad ko ring kinain ang sinabi ko kay Rhett.
Dahil sa lumipas na mga oras, araw, at buwan, huli na nang mapagtanto kong unti-unti ko na syang nagugustuhan.
Pinilit kong pigilan ang sarili sa nararamdaman pero kapag sumusulpot sya para asarin ako, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Kung kailan titigil ang kahibangang ito, hindi ko alam.
Pero sana bukas, wala na.
FB: Makiling WP
IG: @yiskaaahwp
