Part Seven

5 0 0
                                    

Mabilis akong tumalikod nang biglang humarap sa gawi ko si Rhett. Naglakad ako palayo at sinubukan kong wag maiyak dahil sa sakit.

Oo, masakit talaga. Yung pinaniwala ka nyang ikaw yung gusto nya pero sa totoo, kasinungalingan lang pala ang lahat.

Tapos kaibigan ko pa? Double kill.

Wala naman akong dapat ikaselos dahil wala namang kami ni Rhett. Pero huta lang dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ngayon.

Isang kamay ang biglang pumigil sa akin. Hindi ako lumingon. Alam kong si Rhett ito.

"Sha..." sinubukan nya akong ipaharap pero hinawi ko ang kamay nya nakahawak sa braso ko at binilisan ang paglakad.

"Sharina!" pero hinabol nya ako. "Let me explain first! May sasabihin lang ako sa--"

"Sana hindi mo nalang sinabi sakin na gusto mo ako kung makikipag-landian ka parin naman sa iba. Alam mo bang naniwala ako, Rhett?!" sinuntok ko sya sa dibdib pero hinayaan nya lang akong saktan sya.

Bumuhos ang luha ko pero nakatingin lang sya sakin. Ni hindi nya pinahid ang luha ko. Naghintay lang sya sa sasabihin ko pero napayuko nalang ako matapos ko syang pagsusuntukin sa dibdib.

I wiped my tears away and step back.

"H-hindi ko sinasadyang magkagusto sayo. Sorry kung naniwala ako sa kasinungalingan mo. " tumalikod ako at tumakbo pero pinigilan na naman nya ako.

Sa sobrang inis ko ay binuhos ko nalang ang lahat sa paghagulgol. May mga studyanteng napapatingin sa gawi namin pero si Rhett ay walang pake-alam bagkus ay hinawakan pa ang kamay ko.

"I'm sorry. " sabi nya at napayuko.

"Bakit ka nagsosorry? Hindi mo naman kasalanang magkagusto ako sa yo diba? Magsorry ka lang dahil pinaglaruan mo ak--"

"It's a dare, Sha. "

Pinahinto nya ako gamit ang mga salitang yun. Literal na bumagsak ang isa ko pang luha galing sa mata dahil sa narinig ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili na masampal sya. He deserve it right? My crunchiest slap I ever did.

"Hindi kasinungalingan, hindi rin joke. Pero isang dare pala! Anong kagaguhan 'to, Rhett?!" malutong na sampal ulit ang natanggap nya mula sa kamay ko.

Bahagyang sumakit ang kamay ko kaya't pinigilan ko na ang sarili na wag ng manakit. Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya.

"I-I'm sorry. " 

Umiling lamang ako sa kanya at marahas na binigay ang ginawa kong pagkain para sa kanya bago naglakad palayo ng tuluyan. Pumasok ako sa silid na ayos na ang mukha. I tried to conceal my pain and puffy eyes pero napansin ito ni Ayesha.

"Umiyak ka? Namamaga iyang mata mo, e. " bulong nya sakin.

Umiling ako at inabala ang sarili sa pagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.

"Huy, okay ka lang ba?" tanong naman sa akin ni Rasha.

Tumango ako bilang tugon.

"Mukhang hindi ka okay. Pwedi bang malaman namin kung bakit?" si Dana naman.

Napabuntong hininga ako at akmang magsasalita nang makitang papasok sa silid si Juliet na may malaking ngiti pero nawala din nang makita nya ako.

"Anong mayroon sa inyo ni Juliet? Nag-away kayo, no?"

Paano ko sasagutin ang mga tanong nila na walang bahid na kasinungalingan? Ayokong umamin sa kanila ng totoo. Ayokong malaman nila yung ginawa sa akin ni Rhett.

Kasalanan ko rin naman kasi. Kung hindi ako masyadong nagpadala sa mga linya nya, edi sana hindi ako mag-eexpect ng sobrang laki.

"Nasaan si Rhett?" bigla nalang lumapit samin si Jason.

Saglit akong napatingin sa wala bago sya sinagot. "Hindi namin alam. "

Tumango sya at umalis na. Nagkatinginan ang mga kaibigan ko pero maya-maya'y lumapit naman samin si Juliet.

"Pwedi ba tayong mag-usap?"

I nodded.

Lumabas kami ng silid at nagpunta sa tahimik na hallway. Naging tahimik kami pero sya na mismo ang bumasag.

"Gusto mo rin pala si Rhett?" tanong nya.

Hindi ako sumagot at wala akong balak magsalita. Gusto ko lang marinig kung anong gusto nyang sabihin sa akin.

"Sha, kailan lang?" parang hindi makapaniwalang tanong na naman nya. Nakita nyang wala akong planong sumagot kaya't bumuntong hininga sya. "Kung ano man yung nakita mo sa aming dalawa kanina, sorry pero mali ka ng akala. Yes, sweet sya. But I accept the fact that I'm one of his fling. "

"Ito ba ang pag-uusapan natin? Si Rhett? Kung ganun, aalis nalang ako. " pero pinigilan nya ako. .

"We're still friends right?" parang babasag ba yung boses nya.

"Ayoko lang pag-usapan ang Rhett na yun, Juliet. "

"Pero gusto ko lang malaman mo na ginawa lang nya tayong panandaliang aliw. He really loves Layla na umabot sa puntong nanggamit sya ng ibang tao para mapaselos si Layla. "

Luminaw na sakin ang mga katanungan kung bakit ganun nalang ang mga kinikilos ni Rhett sa akin.

Pero yung katotohanang dare lang pala yung sinabi nyang gusto nya ako, yun ang masakit.

Sudden Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon