I was at the church right now, praying na sana mawala na ang lahat ng problema ko. Bawat luha na pinakakawalan ng aking mga mata ay para sakanya.
"Stop crying, I'm sorry."
Sa bawat patak ng aking luha ay siya ring paghalik niya rito at sa bawat halik ay siya ring pagbigkas niya ng "patawad". The moment na kumalma ako ay yinakap niya ako, para bang ako ang nag-iisang mahalagang tao sa buhay niya.
****
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay siya ring pag'alala ko kung gaano kadaming luha ang ipinatak ng aking mga mata sa aking panibagong panaginip. Haysssst! Kahit ma'stress ako dito sa kakaisip ay hindi ko parin maalala ang pangalan at mukha niya.
Kasalukuyan akong naglalakad sa ilalim ng ulan pero shempre may gamit akong payong.
"Haysst! Kumusta na kaya ang loko?"
Ang lakas kong tawaging Loko ang Presidente namin. Hahaha... Kasi alam kong hindi siya mapapadpad rito.
"Pssst! Miss, pwedi bang makisilong sa payong mo?"
"Ahm.. Cge."
Hindi naman ako ganon kamaldita para hindi siya pasilongin. Basang-basa na siya ng ulan.
"Saan po kayo patungo? Hatid ko na ho kayo."
"Kahit saan, matikman lang kita."
Bulong nito sa hangin, ayy! Akala ata nito ang laki-laki ng tenga ko't maririnig ko ang binulong niya. Ano to? Gagohan?
"Miss, Ituturo ko nalang ang daan pero kahit saan tayo dumaan ay sana'y hindi mo muna akong iwan habang hindi tayo nakakarating ng bahay. Mahirap ng magkasakit, mahal ang gamot."
Tumango lamang ako sa tinuran niya. Oo nga naman, ang mahal ng gamot ngayon kaya kailangan ng mag-ingat.
****
"Mawalang galang na ho sa kagubatan ho ba kayo nakatira? Nasa gitna na ata tayo ng gubat eh."
Hindi ito umimik ngunit ng may madaanan kaming puno ay biglaan niya akong itinulak papasandal sa punong ito. Nabitawan ko ang payong ng dahil sa kakatulak sa lalaking itong pilit akong hinahalikan.
"Ano ba! Stop it Jerk!"
"Hmmm.. Tangina ang bango mo talaga."
I tried my best to push him but damn it! Lalaki parin siya at mas malakas ito kaysa saakin. As he kisses my neck, an hateful tears make its way through my cheek.
No! Hindi ako papayag na mabastos ng ganito. Kailangan kong makawala sa hinayupak na to. Nang nagkaroon ako ng pagkakataon ay sinipa ko ang pinaka'iingatan niya. Where it hurts the most, The thing below his belt.
"Arrgh! Putangina kang babae ka."
Nagtatalon ito sa sakit at namilipit kaya agaran akong tumakbo palayo sa pangahas na lalaking yun. Hindi ako gaano kabilis tumakbo ngunit ng dahil sa pinaghalong takot, kaba at pandidiri sa ginawa ng lalaking iyon ay wala na akong pakialam sa dinadaanan ko. Ang tanging nasa isip ko na lamang sa mga oras na ito ay ang makalayo sa taong iyon.
"Kyaaaaaaaah... Bitiwan mo ko."
I still keep strangling. I won't let him to do that thing to me again.
"Sofie!"
"No! Please Stop. Leave me alone!"
I don't care about anything but to escape from this nightmare.
"Sofie, what's wrong with you?"
"Kyaaaaaaaah... Let me go."
Please God help me! Somebody please help. I feel so hopeless. Arrgh!
"Sofie! It's me Francis."
Doon lamang ako natauhan. Tinignan ko ang taong nagsalita. M-Mr. President? Anong ginagawa niya dito? I keep on strangling without looking kung sino ang nakahawak saakin.
Bigla akong napatingin sa paligid ko't nalaman kong nasa may gilid na pala ako ng kalsada, Nakikita ko rin ang simbahan ng aming lugar. Rinig na rinig ako ang kalampag ng kampana ng simbahan hudyat na magsisimula na ang misa. Nang dahil sa nangyari ay hindi ko na namalayang naka-alis na pala ako sa gubat.
Sa sobrang pagod sa lahat ng pangyayaring ito ay bigla nalamang nanghina ang aking mga tuhod at wala sa sariling napaupo.
"What have you done to your self? You like a lost kid. Are you going nuts again? Look at you, you even lost your pair of slippers and your fucking all wet."
Hindi ko maiwasang maluha sa itsura ko ngayon at sa dinanas ko. Feeling ko'y ang laking nga parte ng buhay ko ang malapit ng mawala dahil sa hayop na yun. Hindi, hindi siya hayop kundi isang demonyo.
Nakayuko lamang ako't lumuluha ng maramdaman kong may kung anong mainit ang saaking balikat. Tumingala ako't ang mukha niya ang nakikita ko. Ipinatong niya saaking balikat ang jacket na palagi nitong suot. Yinayakap ako ng taong kailanma'y hindi ko na isip na gagawa ng bagay na ito. Yinakap ko siyang pabalik at humagulgul sa kanyang mga bisig.
****
"M-Maraming salamat Mr. President."
Nahihiyang pasasalamat ko rito. Hinatid niya akong pauwi pagkatapos ng nagyari kanina. Nakakahiya't nakita niya ako sa ganong kalagayan.
"Nothing is free Sofie."
Akala ko'y naging mabait na ito. Ngunit nakalimutan ko atang siya palang ang class president namin na si Leonere Kroger Francis La Francious, Ang taong mahilig sa gulo, ang taong hindi tumatangap ng salamat at patawad at ang taong masahol pa sa demonyo kung maningil.
"What do you want me to do?"
He keep silent for a moment. He then, turn his back on me and left with this.....
"It's a secret for now."
As he walk away, I can't just stop thinking about what he said.
"Hey! Anong drama yan? Trip mo bang magligo sa ulan? Hoy! Wala ka sa teleserye."
Biglang singit ng bruha kong kapatid habang pinapayongan ako. Siguro'y nakita niya akong nakatulala lamang rito sa may gate namin habang bumubuhos ang ulan.
"I almost got rape and all you could tell me is 'Wala ako sa teleserye?' kapatid ba talaga kitang bruha ka. Tss!"
The moment na narealize niya lahat ng sinabi ko ay bigla niya akong hinatak papasok at nagsisigaw sa loob ng bahay.
"PAPA! MAMA! Si ATE."
Ilang segundo lang ay kumakaripas ng takbo ang magulang ko papunta sa kinaroroonan naming magkapatid.
"Bakit ka ba nasigaw ha?"
"Eh kasi si Ate, muntik na raw ma'rape."
Biglang nanlaki ang mga mata nila't natatarantang tinignan ako sa buong katawan. Hindi ko maiwasang malala ang lahat ng bagay na nangyari kanina kaya kahit medyo napakalma ako ni Mr. President kanina eh yumakap parin ako sa mga magulang ko't iniiyak lahat ng emosyong aking nadarama sa mga oras na ito'
"Okey ka lang ba anak? Sabihin mo saamin kung sino ang gumawa nito at sisiguraduhin naming mabubulok siya sa kulungan."
Tumango lamang ako sa sinabi ng aking Papa. Ikwento ko ang lahat sakanila ng maisaayos nila ang pagsuplong sa demonyong iyon.
"Mabuti't ligtas kang nakauwi Sofie."
Doon ko uli naalala ang ginawang tulong niya, Ang pakalmahin ako pagtapos ng lahat ng nangyari saakin.
"Tinulungan ho ako ng isang kaibigan."
"Sino?"
"Si Mr. Class President."
YOU ARE READING
Someone like you
Teen FictionI always see him but only in my dreams.. Is it possible for him to exist in the real world?