The Debut

6 0 0
                                    

"And let's welcome our gorgeous and lovely Debutant Sofia Marietta Vergara"

Kasabay ng pagbigkas nito ng aking pangalan ay siya ring pagbukas ng pinto ng grand function hall na nasa aking harapan. Nabibighani pa rin ako sa kagandahan ng desenyo sa paligid ng biglang may naglahad ng kamay nito sa harapan ko. Napatingin ako rito at napakunot ang noo. Wala to' sa mga sinabi ng event organizer ah', ang sabi lang nito ay maglalakad ako papuntang gitna oras na bumukas ang pintuan.

"Huwag mong sabihing paghihintayin mo akong nakalahad ang kamay sayo buong magdamag."

Familiar ang boses nito, ng dahil sa itim na maskara nitong suot ay hindi niya makilala ito. Wala siyang makilala maski na sino sa loob ng hall, bakit ba kasi niya pinili ang ganitong tema.

"Tss! Sungit! Sino ka ba?"

Kahit na inis eh hininaan niya ang panininghal dito. Yun nga ba ang dahilan o gusto lamang nitong marinig ulit ang boses ng kaharap para ng saganon ay mawari niya kung sino ito. Ngunit nadismaya siya ng hindi ito ng salita at hinapit lamang siya sa bewang at nagsimulang magsayaw. Para itong experto sa larangan ng pagsasayaw at ilang sandali lamang ay naigaya siya nito sa gitna ng function hall. Ilang minuto ang itinagal ng pagsasayaw nila. Comportable siyang nakikipagsayaw sa estrangherong ito at iyon ang ipinagtataka niya.

"Happy Birthday Ms. Vergara."

Napasinghap siya ng mapagsino ang kasayaw. Ang kanilang Class President ito, hindi siya pweding magkamali. Si Francis ang kaharap niya. Dahil sa pagkagulat ay tumigil ito sa pagsasayaw, gulat niya sanang itong tanungin ngunit iniharap sakanya ang isang puting rosas. A white rose that represents a love that is pure.

Tinanggap niya ito at handa na sanang tanungin kasi ang alam nito ay pulang rosas ang ibibigay ng mga magsasayaw sakanya.

Nataranta siya ng bitawan nito ang bewang niya at naglakad papalayo sakanya, susundan niya sana ito ng may ibang lalaki ang nagsayaw sakanya. Arrggghh! Bakit ba hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko!

"Happy Birthday Sofie, Dalaga kana. Palagi mong tatandaan na kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sayo."

Nawala ang inis ko ng mapagtantong ang pumalit sa class president namin para isayaw ako ay ang bestfriend ko. Napangiti ako sa sinabi nito at napayakap.

"Maraming salamat Xy, Sa lahat lahat."

"Wala yun noh! Malakas ka sakin eh"

Pabiro niya itong sinapak sa dibdib at nagtawanan silang dalawa. Pagkatapos nilang magsayaw ni Xy ay may pumalit dito. Sa 16 nitong nakasayaw kasama na ang kanyang Daddy ay puro pagbati ang narinig niya at pagbigay ng pulang rosas. Ang kasunod nun ay walang katapusang pagngiti at pagpasalamat sa mga bisitang bumabati sakanya. Maraming pakulo ng emcee sa programa ng debut niya ngunit dahil sa dami ng kaartehan nito ay nababagot na siya kaya naman ganon nalang ang saya niya ng matapos ang program at nagsimula ang totoong kasiyahan ngunit dahil nga sa pagkabagot ay minabuti niyang lumabas muna sa function hall at nagpahangin sa isang man made garden ng hotel na pinagdadaosan ng kaarawan niya.

"Haysst! Kung alam ko lamang na ganito kaboring ang ganitong klase ng celebrasiyon edi sana ng family dinner nalang kami. Ang dami pa nilang arte, may pa 18 candles pa eh si Gwen lang naman ang totoong kaibigan ko sa mga babaeng yun tapos may 18 blue bills pa na inilalagay pa talaga sa gown ko! Haler! I'm wearing a tube styled gown pano pagbigla nilang mahila pababa ang gown ko kakasabit ng pisting pera na yan edi nagborlis ako. Aisst! Tapos yung 18 roses pa, at yun pa talaga inuna nila. Eh hindi ko naman kilala mostly sa mga yun except nalang sa Papa, tito, kay Xy at kay Class President---------"

Teka! Asan na pala yun? Hindi ko man sinasadya, well oo na sinasadya na. Hinahanap ng mata ko simula pa kanina ang lalaking yun. Umalis na ba ito kaagad pagkatapos siya isayaw? Bakit parang nalungkot ako sa isiping yun? Alam ko at hindi ako tanga para hindi mapansing nagkakagusto ako sakanya pero bago saakin ang nararamdaman at may hinihintay ako. At yun ang lalaki sa panaginip ko.

"Oh bakit ka natahimik? I love hearing your tantrums sweetie."

Agad akong napalingon sa nagsalita. Hindi na ito nakasuot ng mascara at malinaw sa paningin nito kung gaano kagwapo ang kaharap, kung gaano kagwapo ang class president nila.

Magtatanong sana siya ng maalala nito ang itinawag sakanya ni Francis.

"Swe-Sweetie?"

Kunot na kunot ang noo niya ngunit ngumiti lamang ito na mas lalong nagpagulo sakanya. Ngumiti ito? Shit! NGUMITI SIYA! Napakagandang regalo ito sakanya. Para sa isang lalaking kinatatakotan, suplado, masungit at napaka-iinitin na ulong katulad niya ay isang himala na ngumiti ito.

Magsasaya at kakantyawan niya sana ito ng mabigla siya ng lumapit ito sakanya. As in lapit na to the point eh amoy na niya ang pabango nito. Humawak ito sa kamay niya at hinalikan ang likod nga palad niya.

"Kahit ngayong gabi lang ay maging comfortable tayo sa isa't isa. Hindi ako ang class president at hindi tayo magkaklase, isang simpling magkaibigan lang. Sweetie, just do this and I'll make your birthday a special one."

Napatitig siya sa mga mata nito, mga matang umaasang sakanyang pumayag sa kagustohan niya. Gusto niyang humindi at lumayo sakanya kasi hindi naman ito ang nasa panaginip niya ngunit iba ang lumabas sa kanyang mga labi.

"Sige, payag ako at ano naman ang gagawin mo upang maging special to'?"

"Just trust me. I'll make it more fun than those 18 shits earlier."

Bigla siya nitong kinindatan at hinila siyang papalabas ng hotel. Nataranta siya at nag-alala  kasi baka bigla siyang hanapin ng mga magulang. At nakita siguro iyon sa mga mata niya ni Francis kaya tumigil ito at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya.

"Hello po Tito. Si Francis po ito, I'm actually with your daughter right now and nakita ko po siyang nababagot sa garden. Ipagpapaalam ko ho sana siya, ipapasyal ko lang ho ang anak niyo. Huwag ho kayong mag-alala at ibabalik ko siya ng buong -buo bago maghating gabi.......... Yes po, Haha.... Alam ko yun... Salamat po sa tiwala... Bye."

Nakangangang nakatingin lang ako sakanya. Close na ito sa ama niya? What the heck is happening?

Someone like youWhere stories live. Discover now