The Stalker Cousin

3 0 0
                                    

"What the hell are you doing here? Your supposed to be in Canada."

Bigla ako nitong yinakap ng mahigpit. Meet Adrian Louise Vergara, ang pinsan kong biggest fan at stalker ko. Close naman kami yet nakakainis ang ginagawa niya saakin kaya nga siya ipinadala ni Tito at Tita sa Canada ng hindi niya magulo ang buhay ko.

"Well, My punishment is over now. We could share each others secrets again, like we used to."

Sabi nito sabay kalas sa yakap niya saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Sharing secrets? Or stalking me? That's a different kind of thing Adrian and I guess your back to the Publisher's Org and my second guess is your the one who put this headline?"

Taas kilay kong tanong habang ipinakikita ang dyaryong hawak ko. Haysst! Namiss ko siya but not this obsession of his!

"Didn't I capture it perfectly? You guys really looks like a couple."

"You mean----"

"Yes, I was there and I saw everything. Ako nga sana ang magcocomfort sayo that time but then naunahan ako ng lalaking yan."

Oh! So, two days na pala itong nandidito sa pilipinas ngunit ngayon niya lang naisipang magpakita saakin? Kahit kailan talaga tong lalaking to'

Bumuntong hininga ako at mariing ipinikit ang aking mga mata bago ko siya tinitigan.

"Adrian, His just our class president so please get this fucking headline off the newspaper. I know, konti palang ang napiprint niyo and please help me na hindi na dumami ang kopya ng dyaryong ito."

Nung una ay mukhang hindi ito sasang-ayon ngunit bigla itong ngumisi na siyang pinakaiiwasan kong gawin niya. Shit! Siguradong malaki ang kapalit ng hinihingi kong pabor. Wag nalang kaya ako humingi ng tulong niya?

"I-I change my mind---"

"Don't you worry my beautiful and lovely cousin, I'll help you but you know that in return you're going to do me a favor."

"And what is it?"

"It's a secret for now."

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Siguradong may hihingin itong kapalit. The last na may hiningi ito ay soooobrang kakahiyan ang inabot ko. Sasabihin ko sanang wag nalang ng bigla namang tumunog ang bell ng school, hudyat na magsisimula na ang klase.

"I know you have a class, pumunta kana and I'll make sure na wala na iba pang makakabasa ng headline na yan but you know na may kapalit yan so bye my dear cousin."

"Wag nalang-----"

Aba't kailan pa to naging bastos? Pagsarhan ba daw ako ng pinto ng office nila. Itong lalaking to' siguraduhin niya lang hindi kahihiyan ang kapalit ng hinihingi kong pabor kung ayaw niyang bumalik ng Canada.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumakbo papuntang classroom. Aisst! Bakit kasi ang layo ng publishing office sa classroom namin. Malalate ako nito eh!

***

"Class Dismissed"

Hindi pa man nakakalabas ang aming guro ay hinatak na ako ng aming Presidente'ng demonyo.

"Ano ba! Siguradong pag-uusapan tayo ng klase dahil sa paghatak mo sakin. Mas pag-uusapan tayo ng mga taong nakabasa ng issue sa dyaryo. Ano ba Francis, san mo ba ako dadalhin?"

Dahil sa kakadada ko ay hindi ko namalayang nasa gazebo na kami ng school.

"Tumahimik ka Ms. Vergara. Dinala kita rito para pag-usapan natin ang issue'ng nasa dyaryo, naayos mo na ba ang lahat?"

"Oo, maayos na yun. Humingi ako ng tulong sa pinsan ko na miyembro ng Organisasyong iyon tsaka bakit ba kailangang dito pa tayo mag-usap?"

"Mag-isip ka nga Ms. Vergara, konti palang ang nakakakita ng dyaryong yun at sigurado akong ang buong klase natin ay wala pang kopya ng dyaryo dahil normal pa ang kanilang kinikilos at saka sakaling doon tayo mag-usap sa classroom at marinig nila ng pag-uusapan natin edi nagkaroon sila ng ideya sa kung ano ang nakapaloob sa pisting dyaryong iyan."

Well, may point naman siya. Pero pwedi naman dibang kausapin niya mo na ako bago siya manhatak nalamang bigla. Aissh!

"Ayan kasi, Gamitin ang utak bago ang bibig ha Couz."

Dahil sa gulat ay nataranta ako, pupunta sana ako sa likuran ni Mr. President ngunit ng dahil sa sintas ko ay na out of balance ako at dahil nga kausap at kaharap ko si Mr. President ay sakanya lang naman ang bagsak ko. Ang lagay ay para akong nakayakap sa aming Presidente.

Bigla naman ako ng napatingin sa lalaking sumalo saakin. Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba tuwing kasama ko ang lalaking ito? Hindi ko man bigyang pansin ay ramdam ko paring parang ang laki ng parte niya sa puso ko. Tapos yung feeling na Deja Vu? I know, this is insane pero minsan sumagi rin sa isip ko na baka lang naman siya yung lalaking parating bumibisita saaking panaginip. Pero hindi eh! Wala pang pangyayari ang tumugma sa panaginip ko.

*Click*         *Click*         *Click*

"Ohhhhhh... Ang gandang next headline to couz."

Sa sinabing iyon ng pinsan ko ay bigla kong natauhan at lumayo ng kaunti sa lalaking nasa harapan ko.

"ADRIAN LOUISE VERGARA!!!! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Idelete mo yang picture na yan kung gusto mo pang manatili sa pilipinas."

"To' naman di mabiro, wag kang mag-alala hindi ko to ilalagay sa dyaryo tsaka nagpunta ako dito para sabihing naayos ko na yung sa headline ng dyaryo. Naihinto ko na ang pagprint at nabawi namin ang mga nadiscribute nang mga diyaryo sa campus, that is why you don't need to worry. Okey?"

Medyo napahinga naman ako ng maluwag ngayon ngunit hindi ko palalampasin ang panggugulat niya kaya..

"A-aaray naman Couz, Wag ang tenga ko!"

"Gago ka! Bakit ka nanggugulat ha? Sapakin kitang lalaki ka-----"

"Ehem!"

Bigla naman tumikhim si Mr. President kaya napalingon kaming pareho ng pinsan ko. Shit! Nakalimutan kong kasama pala namin ang lalaking to'

"I guess everything is good so, I better get going."

Tumalikod na ito at naglakad papalayo saamin ng pinsan ko. Gusto ko man siya pigilan, hindi pupwedi kasi sino ba naman ako diba? Tsaka, Habang tumatagal na nagkakaroon kami ng sitwasyong magkasama ay mas gumagaan ang loob ko at nawawala na ang takot na nararamdaman ko tuwing nagagalit ito. Minsan tuwing inaalala ko ang mga pangyayaring kasama siya ay bigla nalang akong napapangiti, baliw eh! Nababaliw na ako kasi siya na ang nagiging source ng kaligayahan ko.

Someone like youWhere stories live. Discover now