Presumption

3 0 0
                                        

"Oyyy! Inlove ang cousin ko."

Tukso saakin ng pinsan ko ng mapansin nitong nakatingin pa rin ako sa likod ni Mr. President.

"Hindi ako inlove tsaka ano bang ginagawa mo dito sa pilipinas? Dalawang araw ka na pala dito sa pinas pero ngayon ka lang nagpakita saakin?"

"A-aaray naman, bitawan mo na nga tenga ko. Aiissst naman eh"

Binitiwan ko naman kaagad ang tenga nito, hinimas himas niya naman ito and I find it cute. He looks like a matured man na nagtatantrams, some may find it childish but he's simply just cute. Before pa siya maka'get over sa tantrums siya bigla ko siyang niyakap.

"I miss you couz"

Mahinang saad ko rito, yinakap niya rin akong pabalik. Magtatatlong taon na rin simula ng huli kong makita ang gagong to'

"I miss you too and speacking of missing. I won't miss your debut this sunday, that's why I'm here in the Philippines, just for your special day."

Mas lalo ko pa siyang niyakap dahil sa tinuran nito. Kaya labs na labs ko to kahit na napakalaking stalker nitong lalaking to', kailan kaya to' magkakajowa ng tantanan na niya ako.

"Seems like nakauwi na ang tsismosong si Adrian."

Naghiwalay kami ng pinsan ko mula sa pagkakayakap ng marinig namin ang nagsalita. It's Xyviel, My bestfriend and his girlfriend Gwen.

Oh oh... Mukhang hindi magiging madali ang stay ng pinsan ko rito sa pilipinas.

"Musta na Adrian?"

"Miserable, simula ng piliin mo siya kaysa saakin."

Bulong ng pinsan ko sa hangin. Gwen, who's my bestfriends girlfriend is the first love of my cousin, ganoon ka liit ang mindo. Haysst! Hanggang ngayon pala ay hindi parin nakakapag-move on ang pinsan ko. Mula sa malungkot na expresiyon ng mukha ay pinilit ipakita ng pinsan ko ang ngumiti at bumati sa dalawa kong kaibigan.

"Okey naman ako Gwen. Kayo? Kumusta kayong dalawa?"

"Ito at magdadalawang taon na rin naming kasama ang isa't isa."

Hindi man ako major in psychology pero nakikita ko sa mga mata ng pinsan kong nasasaktan ito sa isinagot ni Xy kaya bago pa man madurog ang puso ng mahal kong pinsan ay hinatak ko na ito papaalis.

"Hey! Where are you guys going?"

Manhid talaga ng gago kong bestfriend, kung sabagay ay hindi naman nito alam ang namagitan sa pinsan ko at kay Gwen.

"Magbobonding kaming magpinsan kaya wag kang magulo!"

Sigaw ko nalamang habang hatak ko pa rin ang pinsan ko papalayo. Sa kahahatak ko sa pinsan ko ay hindi ko napansing umiiyak na pala ito. Alam niyo bang pinangarap ko na ang magiging kasintahan ko ay katulad ng pinsan ko dahil sa wagas ito kung magmahal.

"Haysst! Kalalaki mong tao pero napaka'iyakin mo."

Singhal ko sakanya, alam naman nitong hindi ako marunong magcomfort ng isang taong sawi kaya idinadaan ko sa mga sermon at biro.

Napatawa ito habang pinapahiran ang kanyang pisnging basa na ng kanyang mga luha. Yumakap ito saakin at sinabing...

"Kahit yakap lang pinsan, magiging okey din ako."

Pinalipas ko muna ang ilang minuto at magpaalam sakanya sapagkat kinakailangan ko pang balikan ang mga gamit ko sa classroom. Nuong hinatak ako ni Mr. President eh hindi ko nadala ang bag ko. Hindi ko man gustong iwan ang pinsan kong nalulumbay ay kailan kong makuha ang bag ko kaya sinabihan ko nalamang itong mauna na sa bahay namin at uuwi akong kaagad.

Bubuksan ko pa lamang ang pintuan ng aming classroom ng bumukas ito mula sa loob.

"Mr. President?"

Gulat na sambit ko. Ano pa ang ginagawa nito sa classroom? Ngunit nasagot nito ang aking katanungan ng biglang lumabas mula rin sa silid ang isang babaeng gulo-gulo ang buhok at bukas ang dalawang batones ng blousa nito. Humalik pa ito sa aming class president bago ito tuluyang nilisan ang aming classroom.

Mula sa gulat kong expression ay naging isang poker face. Tss! Kung ano man ang umuusbong kong nararamdaman para sa lalaking ito ay biglang naglaho dahil sa nasaksihan ko ngayon.

Binangga ko ang balikat nito ng pumasok ako ng classroom at padabog na kinuha ang bag ko. Papalabas na ako ng classroom ng makita kong nandiyan parin siya sa kanyang kinatatayuan kanina. Ano pa kaya ang hinihintay nito?

"Oh! Bakit di ka pa umaalis?"

Matapang na tanong ko dito, Tss! Ang tahitahimik, ang sungit-sungit at ang demodemonyo niya talaga. Bwisit siya! Akala ko naman na kaya ina-isolate niya ang sarili niya sa ibang tao dahil matino siya at hindi tulad ng ibang lalaki pero gago din pala. Arrgh! Bakit ba ako nagagalit? Inaano niya ba ako, diba? Aiissst!

"Ako ang inutusan ng homeroom teacher na magsarado ng classroom."

"Sorry naman at mukhang sagabal pa ako sayo."

Sarcastikong saad ko sakanya at mabilis ko na sanang lilisanin ang classroom ng marinig ko ang ibinulong nito.

"Hindi lahat ng nakikita ng mata ay totoo."

Napaisip ako ngunit isinawalang bahala ko ito at nagpatuloy sa paglalakad, papaalis.

****

"The catering and the program ay settle na. also the venue and invitations. Ay! Oo nga pala anak, yung nagligtas sayo noon i-invite mo, may isa pa namang invitation and isinali ko rin siya sa 18 roses mo. Anak, nakikinig ka ba?"

Siniko naman ako ng pinsan kong naririto sa tabi ko. Kanina pa kami nag-uusap usa tungkol na debut ko, 2 days from now. Kahit busy ay hindi ko parin maiwasang maalala ang nangyari kanina. Arrghh! Ano bang nangyayari saakin?

"May problema ba Couz?"

"Wala.. Wala, tsaka ma! Bakit mo naman isasali si Mr. President sa 18 roses? Eh hindi ba nga completo na ang 18 roses ko at nakapag'practice na kami."

Apila ko rito, ayokong makasayaw ang gagong yun noh. After na nakita ko kanina, di ko maiwasang kumulo ang dugo ko sa lalaking yun. Ang pinaka'ayoko sa lahat ay ang manyak na lalaki.

"Hindi ka daw maisasayaw ng Uncle Teddy mo kasi nasprain daw ang paa nito tsaka magsasayaw lang naman kayo kaya madali lang yun. Oh ayan! Ibigay mo yang invitation na yan sa President niyo."

Nagpakawala nalamang ako ng buntong hiniga sa sinabi ni Mama. Haysst! Pano ko to ibibigay sakanya? Aisst naman eh!

"Hey! Mag-usap nga tayo couz, Dun tayo sa kwarto mo."

Pagkapasok namin ng kwarto ko ay agad akong sinalubong ng tanong ng pinsan ko. Humiga ako sa kama at sinabi ang lahat sakanya. Mula sa classroom hanggang sa galit na nararamdaman ko.

"Sa tingin ko'y may gusto ka na sa Presidente niyo pero hindi mo lang maamin kasi nga naka'stuck up na yang utak mo sa lalaking palagi mong napapaginipan."

Yun nga ba ang nagyayari saakin? Kaya ba ako umaakto ng ganito sa nakita ko sa classroom? Putangina eh! Ginugulo na naman ng lalaking yun ang isip ko.

Someone like youWhere stories live. Discover now