3: Home, love

18 3 0
                                    

I did it, again.

Wala akong tulog dahil ginawa ko na naman ang bagay kung saan ako magaling.

Ang mag over-think.

Inisip ko ang lahat ng bagay na ginawa ko sa aking nakaraan. I know, past is past but i can't help but to think what's bugging inside of my head. I can't save myself from drowning into the memories of yesterday. Nasa gitna ako ng napaka-dilim na dagat, walang liwanag, walang pag-asa. Ang mga ala-ala ang humihila sa akin pababa at ang dahilan ng aking unti-unting pagka-lunod. Ang mga mapapait na ala-ala ang nagpapa-dilim sa dagat na kinaroroonan ko ngayon na kahit mayroon namang masasayang nangyari sa akin ay pilit pa rin itong tinatakpan ng mga malulungkot na karanasan. Hindi ako maka-iyak, hindi dahil sa hindi ko kaya - dahil tapos na ko sa pag-luha. This ocean formed by my tears. Sa sobrang paghihinagpis ay nakabuo na ng dagat kung saan ako mismo ay maaring malunod. Dagat na mahirap languyin dahil pilit kang hihilahin pababa ng nakaraang sinusubukan mong kalimutan.

Painful.

Iyan lang ang masasabi ko kung nakaraan ang pag-uusapan.

Halos limang minuto ko ng hinihintay si Sasi sa lobby ng Roinecces Building kung saan mayroon siyang unit.

Hindi ko sya kino-contact dahil maaga pa naman ako sa napag-usapan naming oras. Wala akong tulog dahil sa kaiisip kagabi. Kahit tanggal na ang pamamaga sa aking mata ay ramdam ko pa rin ang bigat ng mga ito kaya naman nagsuot ako ng tinted sunglasses.

Ng lumabas na si Sasi mula sa kanyang unit ay agad na kaming tumulak pa-Bulacan.

Sa biyahe ay panay ang tanong ng aking kaibigan kung bakit namamaga ang aking mata. Nag-dahilan ako ng kung ano-ano ngunit hindi sya naniniwala. Sa huli ay tinigilan na din ako dahil alam nyang kahit kailan ay hindi ko sasabihin ang dahilan.

Nakabawi ako ng tulog dahil inabot ng dalawang oras ang aming biyahe.

Naisipan naming pumunta muna sa isang mall upang bumili ng pasalubong sa kanya kanya naming pamilya at maging sa iilang malapit na kaklase.

"Oh My! Guada, remember dito tayo bumibili ng supplies. Gosh binago nila yung design ng store and look oh, my favorite resto nandito pa rin," my bestfriend said not knowing that she looks like a child.

Tuwang tuwa kaming pagmasdan ang mga pagbabago sa mall na ito. Mga college pa kami ng huli kaming pumunta dito kaya ganoon na lamang ang aming excitement ng makita ang changes nito.

"Everything changes," pabulong kong nasabi at bumuntong hininga.

Lahat na yata nagbago, pero bakit ang nararamdaman ko hindi?

Pinatigil ko ang sarili sa pag-iisip dahil alam kong malulunod na naman ako sa dilim ng sariling kaisipan. Sinubukan ko na lang na makisabay kay Sasi.

Kung saan-saang parte kami ng mall pumunta at dito sa supermarket kami nagtagal dahil sa mga cravings namin. Ng matapos ay hirap na hirap kaming magbitbit ng mga pinamili.

Ihahatid uli ako ni Sasi pero sa pagkakataong ito, sa bahay na namin. Iniwan ko na ang sasakyan dahil sabi niya ay sya na ang bahala sa ganyang bagay at bilang pa-konswelo na rin niya sa pagpayag kong dumalo sa aming reunion.

Karaniwan kapag maayos ang daloy ng trapiko ay inaabot lamang na thirty minutes ang biyahe mula sa syudad hanggang sa aming bahay pero dahil rush hour na inabot kami ng isang oras.

Ng makita na ang subdivision kung nasaan ang aming bahay ay pareho kaming abot tenga ang ngiti. Umuuwi kami dito ngunit ngayon lang nagsabay malipas ang maraming taon.

"Guada ang bagal mong maligo bell na!" ako na inuulit ang linya ni Sasi kapag late na kami. Parehas lang naman kaming tinatanghaling gumising pero dahil mabagal akong mag-ayos ay lalo lamang kaming nalilate.

The Things I've Learned From HimWhere stories live. Discover now