8: A Nervous Nellie and a Worrywart

3 1 0
                                    

"Are you okay? Something's hurt?" tanong nya ng bigla siyang huminto at para bang nakalimutan nyang itanong iyon sa akin.

Matapos akong hilahin papunta dito e...

"Hinabol ka ba?"

"Hindi naman Sir. Tahol lang," sagot ko upang mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Kita ko ang pamumula sa bandang noo niya.

"That is very dangerous... tsk," sabi niya na halos hindi ko madinig dahil sa hina ng pagkakabanggit.

Nagpatuloy uli sya sa paglalakad kaya naman ginaya ko.

Ang bibigat ng hakbang niya at tila ba galit sa concrete pavement.

"What are you doing Miss Mineses?  And why are you still here?" tanong nya uli pagkatungtong sa harap ng pintuan ng Faculty.

Galit?

Lumiwanag na sa paligid dahil bukas na ang mga ilaw na nasa labas ng mga rooms sa bawat palapag ng buildings.

First time kong abutan ng ganitong oras sa eskwelahan.

"Bakit ka inabot ng ganitong oras dito sa school?"

Baka naman isipin niya na lagi na lang akong ginagabi.

"Kasi..kasi po—," shit di ko masabi!

Binuksan niya ang pinto ng Faculty at akala ko ay papasok na sya ngunit tiningnan nya lamang ako, ang kaliwang kamay ay hawak pa din ang doorknob.

"Kasi?" tanong nya na para bang ayaw nya sa reaksyon ko.

"Something is bothering me since yesterday, about uhm what you said. The— uhm..about the car, uhm Sir," paputol putol kong sabi dahil nakaka- intimidate ang kaharap.

Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko pero parang hindi dahil sa pagkakaseryoso ng kanyang mukha.

Hala baka mapikon na 'to! Ibabagsak ako nito sigurado!

Umayos ako ng pagkakatayo.

Umayos ka Guada!

"Nabanggit nyo po kasi Sir na nasira po yung bintana nyo dahil sa sticky note na dinikit ko. Baka lang po ano...baka po pinagawa nyo pa 'yon at gusto ko pong malaman kung magk—"

"Is that all?" pinutol nya ang pagsasalita ko. "So that is the reason why you're still roaming here, sa ganitong oras?"

Oo at lagot din ako sa amin panigurado. Anong oras na!

"Yes Sir, I want to know the expenses because I am at fault. Besides you also help me to find my ID. I've caused a lot of trouble to you Sir," nakapagsalita din ng maayos.

"I didn't help you to find your ID. Nagkataon lang na sa akin napunta."

Huh.

"But Sir kahit na po, kung di nyo naibigay sa akin kaagad iyan, mas matatagalan at mahihirapan akong makakuha ng bago. Kaya nga po sobrang thankful ko dahil hindi ko na masyadong poproblemahin ang paghahanap," pero ngayon, heto ako at pinoproblema ang pagpapasalamat.

"You're thankful huh," sagot ni Sir.

I nodded.

"Bothered and guilty at the same time," sabi niya at napa- oo na lang ako. Huli na ng natantong mali ang ginawang pagsang ayon.

"I am bothered knowing na may nasira ako sa inyo kaya naman I am trying to reach you out S- sir," sabi ko.

"So you wait for me?" tanong nya.

The Things I've Learned From HimWhere stories live. Discover now