At kung suswertihin ba naman ay saktong sa kotse pa lumanding ang ID ko! Bukas ang bintana noon sa backseat kaya doon iyon napunta. Umaandar ang sasakyan kaya naman kailangan ko pang habulin iyon.
Bago pa man ako makatakbo ay nag-ring ang cellphone kong nasa may bulsa. Ang driver ko iyon at tumatawag.
Hindi ko muna sinagot dahil nawala na sa paningin ko ang sasakyan. Tanda ko pa naman ang itsura ng sasakyan dahil Audi iyon na gustong gusto kong tinitingnan sa mga magazines.
Naisip ko na baka nasa may parking iyon ng school kaya doon ako pupunta.
Nakapalibot sa school ang parking lot at kung lilibutin ko ang lahat ng sakop noon ay paniguradong hingal at pawis ang aabutin ko!
"Saan kaya?" sabi ko sa sarili at buti na lang ay walang tao sa paligid.
Sinundan ko ang pinuntahan ng sasakyan at dalawa pang building ang dinaanan bago makita ang parking lot sa likod.
"Gray na Audi....gray na audi," bulong bulong ko habang tinatanaw ang mga sasakyan.
"Ayun!" laking tuwa ko ng nakita ko itong naka-park sa pagitan ng itim at pulang SUV.
Agad ko itong nilapitan at nakitang wala ng tao sa loob. Sarado na rin ang backseat nito. Sinilip ko pa ang loob ng backseat pero dahil tinted iyon ay bigo kong makita ang ID ko.
Napatalon ako sa gulat ng nag-ring uli ang cellphone ko. Sinagot ko na dahil alam kong nag-aalala na ito sa akin.
"Sorry Mang Henry may gagawin pa ako. Pa-hintay na lang po ako. Tatawag na lang kapag tapos na ko sa gagawin ko. Salamat po," sabi ko sa aking driver, may binilin pa ito na mag ingat ako pagkatapos ay pinutol ko na ang linya.
Sinubukan ko uling tingnan ang loob nito ng may narinig na sasakyan. Ng tumingin ako ay kapareho ito ng sasakyan na inuusisa ko ngayon. Nalilito na ako kung tama ba ang sasakyan na pinuntuhan ko o hindi.
Tila involuntary na gumalaw ang mga paa ko at sinundan ang dumaan na sasakyan. Nalilito pa sa gagawin pero unti unting bumilis ang lakad ko hanggang sa naging takbo.
Ang layo na sa akin ng sasakyan pero pinilit ko pa ding tumakbo sa abot ng aking makakaya
Kahit hindi ko na nakikita ay patuloy pa rin ako sa panghahabol dito. I'm so helpless. At ng makarating na sa second gate ng aming school ay lalo lamang nawalan ng pag-asa. Dito sa gate na ito pinalalabas ang mga pumasok na sasakyan. Ng makita ang kalsada na walang bakas ng hinahabol na sasakyan ay tsaka na ako sumuko sa pag-habol dito.
No!
Hindi pa ako pwedeng sumuko dahil dalawa nga pala ang ganoong sasakyan na nakita ko!
May posibilidad na naroroon ang ID ko!
Muli ay tinahak ko ang parking lot. Iniisip ko kung pauunahin ko ba ang naghihintay na driver pero kung aalisin ko sa paningin ang sasakyan na ito ay mas lalong mawawalan ng pag asa na mahanap ang ID ko.
30 minutes! 30 minutes akong maghihintay sa may-ari nito.
Tinext ko na din ang aking driver na baka magtagal pa nga ako.
YOU ARE READING
The Things I've Learned From Him
Romance"Sobrang ikli lang nang panahon ng pagmamahalan natin. Ang bilis-bilis ng oras na mayroong ikaw at ako. Parang kisapmata lang yung tayo. Pero bakit ganito katagal yung pag-hilom ng sugat sa puso ko." How can you stop loving the person that teaches y...