Umakyat na ako sa aking kwarto matapos ang hapunan at matapos ding ipakwento ni Ate ang nangyari detail by detail.
"Ano! Si Ariel Hernandez kaya iyon! Nag- top sa board at ang guwapo no'n. Crush 'yon halos ng mga kaklase ko! Doon sya nagtapos sa Manila, sa mismong school ko din. Sikat 'yon doon!" sabi niya at may pahampas hampas pa sa akin at tila ba isa din sya sa mga kaklase nya na hinahangaan si Sir.
Iyon ang naging laman ng usapan namin ng kapatid. Nalaman ko din na school mate ni Kuya iyon at medyo nagkakausap sila. And then again, knowing that someone can help entice me. Wala namang nasabi na close sila but I'm hoping. Maybe, for a help.
In the end, all I need is to correct it on my own and of course it should be the right way this time. Iisipin ko pa lamang ang galit ng guro ay mahihimatay na ako. Mabait naman daw. But a good, once become a monster, will be terrfying!
Nang buksan ko ang aking cellphone ay rumagasa ang text at iilang missed calls doon. Galing sa magulang, at sa aking mga kaibigan. Kanina pa ang mga iyon. At lahat ay puro pag-aalala ang laman.
Nireplyan ko ang aking mga kaibigan upang ipaalam na ayos lamang ako at nagpasalamat sa kanilang concern. Hinuli ko si Sasi na ngayon ay katawagan ko na.
"Dapat pala talaga sinamahan kita!" siya iyon na panay ang sabi na hindi nya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama sa akin.
Hindi ko man lang naisip kanina ang mga taong nag aalala sa akin!
"Ano ka ba Sas okay na naman. Pero ang pinoproblema ko ngayon ay ang iniisip ni Sir. Ano kaya ang iniisip nya ngayon?"
"He thinks you're a liar!" sobrang straight forward na sabi ng kaibigan ko.
"I know thanks," I fired back with an ultimate sarcasm.
Nagtawanan kami dahil doon.
"I'm just kidding, you're so stress out! Ramdam ko kahit katawagan ka lang. Loosen up Guada!" sya at tumatawa pa din.
Tama naman sya dahil sa ngayon ay halos sabunutan ko na ang sarili habang kinakagat ang aking ang aking pang ibabang labi.
"But you know, kahit di mo sabihin. Halata naman kasi kanina na ganoon nga. Hindi lang siguro masabi sa akin dahil masyadong mabait," sabi ko na nawawalan na ng pag- asa sa sarili.
At ewan ko ba sa kaibigan kong ito, lahat ng kutya ko sa sarili ay sinang- ayunan niya.
"Ano na next step mo nyan? I'm in!" sabi niya. Mukhang excited at ang dating para sa kanya ng kinahaharap ko ay isang misyon.
"I don't have plan but I really want to talk to him," ako.
"Wala akong maisuggest Guads but ako din gusto ko syang makausap! He's super guwapo like nakakasawa na kasi ang mga itsura ng teachers natin kaya nakaka- excite na may bago at guwapo pa!" sabi niya na alam kong hindi totoo.
"Really? Nakakasawa?" I teased her because I know the truth.
"Of course!" medyo nag- aalangan pa niyang sambit.
"Sasi—"
"You know let us focus on the main problem here! What's your plan now?" walang pag aalinlangan niyang pagputol sa sasabihin ko.
"So gagawin mo akong tulay para makausap mo si Sir Alejandro?"
"No! Syempre para tulungan ka na din. Gusto ko lang naman makakita ng gwapo" Sasi in a defensive tone.
"Hahahahahaha! Sa ibang department dapat kung ganoon."
"Guada!"
Ilang minuto ko pa syang tinatawanan bago magseryoso, buti na lang talaga at naisipan kong tawagan ito dahil kahit papaano naiibsan ang stress na nararamdaman ko.
YOU ARE READING
The Things I've Learned From Him
Romance"Sobrang ikli lang nang panahon ng pagmamahalan natin. Ang bilis-bilis ng oras na mayroong ikaw at ako. Parang kisapmata lang yung tayo. Pero bakit ganito katagal yung pag-hilom ng sugat sa puso ko." How can you stop loving the person that teaches y...