6: Ruined Window

10 1 0
                                    

"I am your new Math teacher," kung kanina ay wala pang crickets, ngayon ay mayroon na.

Siguro tulad ko, hindi din maigalaw ng mga kaklase ko ang kanilang paa dahilan kung bakit tila nag- yelo kami.

Mga hindi makapaniwala!

Teacher 'yan?! Hindi ba artista? O baka naman nanggu- goodtime lang?

Kailangan ko bang hintayin yung word na "It's a prank!"???

Sa sobrang seryoso ng ekspresyon ng mukha niya ay mukhang hindi nga sya nagbibiro. Nakakatakot dahil baka galit na sya.

Pinilit kong bumalik sa aking wisyo at dahan- dahang tumungo at umupo sa aking upuan, hindi gaya ng mga kaklase.

Hinila ko pa ang palda ni Sasi para lang matauhan pero walang nagawa iyon sa pagkaka- tulala niya.

"Girls, go back to your seat now," utos ng "guro" na nagpa- tinag sa mga kaklase.

"Your English teacher told me that she dismissed your class early so I take that as an opportunity to meet you and also to introduce myself."

Ang iba ay mahinang nag- sabi ng kanilang mga paumanhin para sa lalaking nasa aming harapan. Tumango lamang ito at may ano pang sinabi bago tuluyang nagpakilala.

"My name is Alejandro Muriel Hernandez Jr.
Ako ang papalit kay Mrs. Liwanag, your supposed Mathematics teacher," tipid at pinal na pagpapakilala nito sa amin.

Sir Alejandro. Hmmmm.....

Matapos noon ay agad na itong nag- turo. Sabi niya'y hindi naman dapat katakutan ang subject na iyon dahil kung makikinig at iintindihin ng mabuti ang subject ay hindi kami mahihirapan. Mukhang makikinig naman talaga kaming lahat kung ganito ang nasa harap. I mean, ang tangkad niya at ang pangangatawan ay bagay lang sa taas, siguro ay may muscle dahil nahahalata iyon sa kanyang fit na white long sleeves. And most of all, his handsome face. Iba nga lang ang aura nya, para bang lagi syang seryoso, at may pagka- mysterious.

Natuhan lamang ako ng paulit- ulit kong narinig ang aking pangalan sa kalagitnaan ng pag- iisip

"Guada," ani ng katabi habang tinatapik ako.

"Huh?" sabi ko matapos ng matagal na pagkaka- tulala sa papel na sinasagutan.

"Tulala ka diyan? Five minutes na lang daw!" sabi niya na nagpa- panic sa akin.

Makalipas ang ilan sandali ay nagpasa na ang karamihan kaya naman tumayo na din ako at nagpasa. Hindi sigurado sa mga sagot.

"I'm expecting that you will read our next lesson from the textbook," ani niya at isinulat sa board ang page nito.

Kita ko naman na ang ibang kaklase ay manghang- mangha sa kanya kaya sa tuwing magsusulat sya sa board at nakatalikod sa amin ay panay ang ngisi ng mga ito.

"And I will remind all of you about the coming Assessment Test. Class, you need to take that seriously because it'll be part of your grade," aniya matapos kaming lingunin ng walang pasabi.

Muli naman syang bumaling sa board at patuloy na nagsulat. Ang aklat na kanyang bitbit gamit lamang ang mga daliri ay sobrang liit tingnan sa kanyang tabi samantalang sakop na nito ang aking desk kung susukatin.

" So, that's all for today, Class Dismissed," sabi niya matapos magsulat at makalipas ang ilang sandali ng pagsisikop ng kanyang gamit sa teacher's table ay tila ba modelong nag-lakad paalis ng classroom.

"Iiiiiihhhhh!" si Sasi iyon habang patakbong lumalapit sa iba naming kaklaseng babae.

Nagkakagulo sila dahil sa kagwapuhan ng bago naming guro habang ako, heto at busangot dahil hindi sigurado sa mga sagot sa kauna- unahan naming activity sa subject na iyon.

The Things I've Learned From HimWhere stories live. Discover now