7: Chickening

5 1 0
                                    

Payapa namang natapos ang program. May iilang grabe ang pagka- kilig sa loveteam at humiling na sana ay bumisita pa ang dalawa.

"Nakita mo na 'yan?" sabi ni Sasi ng mapansin na may nakasabit na sa aking leeg.

" Uhm oo.." hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya kung paano napa sa aking muli ang ID.

"Oh! Paano?" tanong nito ngunit biglang napabaling sa kaklaseng kausap nya tungkol sa artista kanina.

Mabuti na lang dahil baka mas lalo akong ma- pressure kung sasabihin ko sa kanya ang nangyari.

Ng nakarating na sa gate ay narinig ko na ang busina ng aking sundo. Si Mang Henry ay nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Hindi naman ako parating hatid sundo, madalas ay nagko- commute ako o kaya ay sinasabay ni Sasi. Na-hire si Mang Henry ng aking parents dahil kay  Ate Karol. Di tulad ni Kuya Neil na sa  Colegio de Ingenieria y Medicina nag- aaral kung saan din nagtuturo si Mama, pinili ng Ate ko na sa Manila mag- aral dahil gusto niyang maranasan ang buhay sa syudad. Noong una ay hirap syang mapapayag ang aming parents ngunit dahil sa magagandang grades at performance nya sa school ay pumayag din sila. Si Mang Henry ang nagsisilbing body guard/ driver ni Ate Karol sa tuwing nasa Manila siya. Dahil sa August pa naman ang pasukan ay ipinahahatid muna ako kay Mang Henry.

Matapos mag paaalam kay Sasi ay dumiretso na ako sa aming sasakyan.

Agad akong nag- search tungkol sa pagpapagawa ng salamin ng sasakyan. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang halos kasing- laki na ng tuition ko ang pagpapagawa noon, iyong presyo na iyon ay kung papalitan ba ang salamin.

Siguro naman hindi na kailangan palitan?

Paano ba kasi nasira iyon ng dahil lang sa sticky note?

Sobrang dikit ba noon at nakasira pa ng salamin ng mamahaling sasakyan?

Bakit ko pa nga ba pinahihirapan ang sarili ko kakasearch, nandito nga pala si Mang Henry!

"Manong?" tawag ko sa kanya. Nasa backseat ako kaya sa may rearview mirror ng sasakyan nya ako tiningnan.

"Uhm...naalala nyo iyong dinidikit kong notes sa salamin noong nakaraan? Is there a possibility na masira noon yung bintana ng sasakyan?" tanong ko sa kanya.

"Ah yung sticky note na dinikit mo sa isang sasakyan hindi naman siguro," sagot niya.

Hindi ko alam kung ginhawa ba ang naramdaman ko dahil sa sagot ni Mang Henry.

"Ano po bang problema?" tanong niya ng mapansin na bigla akong natulala.

"Nasabi po kasi sa akin nang may- ari na nakasira daw po iyon," nag- aalinlangan kong sabi dahil baka makarating ito sa aking parents. Kung maaari pa naman ay gusto kong ako lang muna ang makaalam.

"Paano daw?" si Mang Henry.

"Hindi po nasabi kung paano, basta nakasira daw po..." sabi ko, very helpless.

Mukhang pati si Mang Henry ay naguluhan na din.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko na nasa hardin si Mama at ang dalawa ko pang kapatid. May mga merienda na nakahanda at mukhang kakasimula pa lamang nila.

Sinalubong agad ako ni Mama at nagtanong kung bakit medyo nahuli sa pag-uwi. Pinaliwanag ko naman ito.

"By the way, Guada ayos ba si Mang Henry?" tanong ni Ate Karol.

"Oo naman " sagot ko at naalala ang tinanong kanina sa driver.

My Mom sighed. Am I missing something?

"No Karol," si Mama iyon sabay tingin sa aking kapatid.

"But-" si Ate na pinutol ni Kuya.

"It's for your own good Karol, keep Manong Henry with you," si Kuya.

The Things I've Learned From HimWhere stories live. Discover now