4: Lost in First Day

23 3 0
                                    

"Lets go here Guada, I will make your hair," Mom said and search something from the drawer.

Umupo ako sa harap ng vanity. Binuksan pa niya ang mga ilaw ng salamin na tinatanaw ko ngayon.

"Ma just make it simple, kahit braid lang kagaya ng ginawa mo bago ako magbakasyon," sabi ko.

This is my first day as a Grade 10 student. Nakasanayan na sa tuwing unang araw ng pasukan ay aayusan ako ni Mama at ihahatid sa eskwelahan. Gusto ko naman din iyon dahil inaalam lang naman ng aking ina ang magiging kalagayan ng aking pag-aaral sa buong taon.

Kinakabahan pa ako ngayon dahil ang sabi sabi sa school ay mahirap nga ang mag grade 10 at strikto ang mga teacher na magtuturo sa aming baitang. Tanging ang mga kaibigan ko lang ang nagpapa-sabik sa akin para lang pumasok dahil kapag bakasyon ay may kanya kanya kaming lakad kasama ang mga pamilya.

Nag check ako ng cellphone para malaman kung handa na ba ang mga kaibigan. Isang oras pa naman bago ang unang subject pero inagahan ko talaga dahil first day at ayaw ko na ang unang impression sa akin ay late ako.

Nakita ko ang mga message nila sa group chat.

Jomari:
Vacation is over, I cannot believe.

Macel:
Kinakabahan ako sa Araling Panlipunan natin, di natin sya mami-meet ngayon pero nakakakaba.

Macel:
Are you guys getting ready na?

Macel:
Our adviser is not that strict sabi ni Kuya.

Maru:
Oh my, kagigising ko pa lang. Ang layo ko pa!

Jomari:
Hurry up Maru!

Sasi:
Don't be late guys.

Sasi:
Guada bababa ako diyan. Pwede sumabay?

Nireplyan ko si Sasi.

Guada:
Yes sure Sasi, just tell me if you're here. Take care guys!

Tinabi ko ang aking phone upang makapag concentrate sa pag aayos namin ni Mama. Medyo bumalik ang aking antok dahil sobrang relaxing ang pagsuklay niya sa aking buhok. I yawned kaya naman napansin niya iyon at inalog alog ako na para bang tulog na ginigising.

"Nako nagpuyat ka bang bata ka? Kulang ka sa tulog kaya ka inaantok," si Mama.

"No Ma, I sleep around mga 9:30. Ang relaxing lang po ng pagsuklay nyo."

She pinched my cheeks.

"Hay naku, ayakong tanggapin na dalaga na ang bunso ko."

Natawa ako doon.

"Ma, I'm turning sixteen pa lang kaya hindi pa dalaga iyon. For me kapag eighteen ka na tsaka pa lang dalaga."

"I want to agree to that anak but even so dapat ay alagaan at protektahan mo pa rin ang sarili mo dahil parating ka na doon. Kapag dumating ka sa tamang edad na ikaw na ang may karapatang magdesisyon sa sarili mo , gusto ko na buo ka at walang galit sa mundo. I want you to have a very happy life without any regrets and pain inside you. You are so precious to me Guada. Kayo nila Neil at Karol pati ang Papa mo, kayo ang yaman ko," sabi ni Mama habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.

Her words are very touchy. The wisdom I want to bring everyehere I go. She wants to protect me by saying those for me. Pero sa kaloob looban ko ay may takot akong nadama. Hindi dahil sa salita nya. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko iyon.Para bang may mangyayari sa akin na hindi maganda kaya nagmistulang babala ang mga sinabi niyang iyon.

"I will take care of myself Ma, but can you please take care of me pa rin," I said to lighten up our mood.

"Hahahahaha! Yes of course Guada, I will take care of you hanggat makakaya ko pa."

The Things I've Learned From HimWhere stories live. Discover now