PROLOGUE

166 34 9
                                    

ALL CREDIT GOES TO THE RIGHTFUL OWNER OF THIS VIDEO. ©

- - - -

"Ugh, ang sakit pa rin talaga ng tiyan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ugh, ang sakit pa rin talaga ng tiyan ko." pagreklamo ko. Pang ilang balik ko na 'to ng cr, kahapon pa ako ganito e, 'di ko na nga matandaan kung ano bang nakain ko, ba't ba ako nagkakaganito.

Paglabas ko ng cubicle, nakita ko si Addie na nasa salamin, nakatingin lang siya sa sarili niya, parang wala sa sarili.

~ ~ ~ ~

Time check: 7:47 PM

Kanina pa kami naghahanap ni Addie kila Jillian, masyado na rin kasing maraming tao kaya nahihirapan na din kaming hanapin sila. Ilang minuto na lang din kasi magsisimula ang event. Andito kami ngayon sa Filinvest Tent dito sa Alabang, dito laging ginaganap yung music festival ng university.

Prati (one who appreciates and loves music) Yedda (beautiful voice) University's Music Festival, taon-taon lagi ang festival nato, kumbaga parang isa na 'to sa nakasanayan ng university, ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nakilala itong PYU (Prati Yedda University).

"Nakita ko ata si Jillian don." tinuro niya ang mga nagkukumpulang tao sa gitna.

Nakisiksik kami at nagpasintabi kami sa maraming tao, hanggang sa nakarating kami malapit-lapit sa harap ng stage. Mabuti na lang hinayaan kaming dumaan ng maraming tao. Grabe nga lang talaga yung sikip. Dun namin nakita sila Jillian.

"Buti nakabalik na kayo!" hinila kami ni Addie sa tabi niya.

"Buti na lang nakaabot kayo! Kala ko, magkakahiwa-hiwalay pa tayo!" bungad ni Fatima.

"Tinatawagan ko kasi si Jillian! Di naman nasagot!" tinignan ko si Addie na tahimik lang, kaya siniko ko siya. "Diba Addie?" umoo naman siya.

"Alam mo naman yan, laging naka silent ang phone!" umirap ng pabiro si Fatima, siniko naman siya ni Jillian.

"Kala ko kasi, maninirahan na tong si Rai sa banyo!" nagtawanan naman silang lahat, pati si Addie na walang imik, natawa. Inirapan ko na lang sila. May sinabi pa si Fatima pero 'di na namin narinig dahil naghiyawan na ang mga tao.

May lumabas na babae at lalake, nagpakilala na sila ang magiging MC ngayong gabi. Bukod sa pagpapakilala, marami rin silang sinabi about sa event ngayong gabi. Marami pa silang sinabi bukod dito, hanggang sa ipakilala na nila ang mga unang mag peperform.

~ ~ ~ ~

Marami ng nag perform, at lahat sila mga pang laban talaga. Kaya naman walang humpay sa hiyawan ang mga tao rito, mas rumami pa nga ata ng rumami ang mga tao. Hanggang sa ipakilala na ang huling bandang mag peperform. Ang banda ng mga tropa namin.

"Last but, we all know na they are not the least! Sigurado akong maraming naghihintay sakanila. Nabanggit ko na din ba na nag viral ang kanilang performance video last year?" confident na pasimula ng babaeng MC. Naghiyawan ang mga tao sa excitement.

OPTION (ON-GOING) #HHC2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon